bc

Women's Supremacy 01: Her Possession

book_age18+
348
FOLLOW
1K
READ
second chance
twisted
straight
bold
brilliant
evil
witty
female lead
realistic earth
slice of life
like
intro-logo
Blurb

Blurb 

"Renz, ikaw muna maghatid kay Sir. Sebastian sa sasakyan."

"Saan ka pupunta?" tanong ng binata na nakaupo sa wheel chair. 

Ngumiti ang babae at lumuhod sa harapan ng binata. 

"Nakalimutan ko yata 'yong bag ko sa office boss."

"Renz, samahan mo si Genesis na kuhanin ang bag niya."

"Boss hindi ka pwede pumunta sa sasakyan mag-isa. Babalik din ako."

Tumayo si Genesis at ngumiti sa amo. Hinawakan nito ang handle ng wheel chair at nag-gesture kay Renz. 

"Babalik agad ako boss!" 

Kalmadong sambit ng dalaga bago tumalikod. Sinundan si Genesis ng tingin ni Sebastian hanggang sa makapasok ito ng elevator. 

"Nag-aalala ako kay Genesis. Pagkahatid mo sa akin sa kotse sundan mo si Genesis."

Alanganin tumawa si Renz at walang salitang tinulak ang wheel chair ng amo. 

"Hindi si Genesis 'yong tipo na dapat niyo alalahanin boss," natatawang sagot ni Renz. 

— 

Nag-bago ang expression ng dalaga matapos lumabas sa elevator at tinungo ang conference room. 

Personal itong pinuntahan ni Sebastian Gustavo para kausapin ang mga investor ngunit kinuwesyon lang ng mga ito ang kalagayan ni Sebastian at sinabi na babagsak din ang kompanya nito. 

Sinipa ni Genesis ang pintuan na kinatayo ng mga tao na nanduon. Tinanggal nito ang ipit sa sariling buhok at nakangising tiningnan ang mga tao na nasa loob. 

"M-Ms. S-Salcedo."

"Buti naman nakilala niyo na ako."

"Ms. Salcedo!"

Hinablot ni Genesis ang kwelyo ng isa sa mga matandang nanduon. 

"Anong sinabi mo kay Sebastian?"

Halos mawalan ng kulay ang mukha ng mga taong nasa loob. Lalabas ang mga ito nang may mga taong nag-lock ng pinto mula sa labas. 

"Minamaliit mo yata ang kakayahan ko tanda. Baka nakakalimutan mo na isa pa din akong Salcedo."

"Arggh! Maawa ka Ms.Salcedo!"

"Ms.Salcedo! Magi-invest kami sa mga Gustavo!"

chap-preview
Free preview
01
Chapter 01 3rd Person's POV "Nandito na si Ms. Salcedo!" Nagkagulo lahat ng mga katulong na nasa palasyo matapos i-announce ng mayordoma na dumating na ang amo. Wala pang isang minuto. Nakahanay na ang lahat mula sa ibaba ng hagdan hanggang sa pintuan ng mansyon. Nakayuko ang lahat habang ang iba ay halos pagpawisan ang mga palad matapos bumukas ang pinto marinig ang tunog ng takong na suot ng dalaga. "Ms.Genesis, ihahatid ko na kayo sa room niyo." "Dalawa ang paa ko at hindi ako baldado. Hindi kita kailangan," puno ng pagmamataas na sambit ng dalaga na taas ang noo na naglakad sa pagitan ng mga nakahanay na katulong. Tinanggal nito ang suot na shades at hinayaan ang mga personal body guard na hilahin ang mga bagahe na dala niya. Genesis Salcedo, 20 years old sa edad na 18 naging succesful ito sa larangan ng business at entertainment industry. Kaisa-isang babae ng mga Salcedo kaya lumaki itong proud, spoild at mapagmataas. Hindi siya marunong magpakumbaba and cover with pride. Lahat ng gusto niya nakukuha niya. Masyado din siyang dominante kaya walang lalaki ang nagtatagal sa kanya. Gusto niya palagi siya ang nasusunod hanggang sa—. "How many times I'll tell you na huwag mo na subukan magluto! Tingnan mo yang kamay mo nagkasugat-sugat na!" Nanlaki ang mata ni Renz na isa sa mga tauhan na pinagkakatiwalaan ni Genesis na pumasok din sa mansyon ng mga Gustavo para masubaybayan ang dalaga. "Gu-Gusto lang naman ki-kita ipagluto." Nangingilid ang luha na sambit ni Genesis habang nakayuko at pinaglalaruan ang mga daliri na puro band aid. "This is insane," bulong ni Renz na naging personal body guard ni Sebastian Gustavo. Nakatingin ito kay Genesis na todo explain sa lalaki. Malayo sa kilala ni Renz na Genesis na Salcedo na masyadong submissive and dominant. Kung ito pa ang kilala niya Genesis Salcedo dati hindi nito hahayaan na sigaw-sigawan lang ng kasakukuyang amo. "Kung hindi mo kayang magluto. I don't mind kung bibigyan mo na lang ulit ako ng cookies then igagawa mo ako ng hot chocolate," ani ni Sebastian bago umiwas ng tingin. "Pero sabi mo masyado iyong childish," nakasimangot na sambit ng dalaga. "Pero 'yon lang ang kaya mong gawin diba," sagot ni Sebastian na nakakunot ang noo. "Gusto ko gumawa ng pagkain na magugustuhan mo." Bagsak ang balikat na sambit ni Genesis. Inikot ni Sebastian ang sariling wheel chair at pinaandar iyon. "As long as gagawin mo 'yon para sa akin. Siguradong magugustuhan ko dahil pinaghirapan mo." Napatigil si Genesis matapos marinig iyon. Nang mawala sa paningin niya si Sebastian. Nagtatalon ang dalaga at inalog-alog si Renz. "Renz! Narinig mo ba iyon! Narinig mo! Nagugustuhan na ako ni Sebastian!" Puno ng liwanag ang mukhang sambit ni Genesis. "Young lady, ipapaalala ko lang sa iyo na isa kang Salcedo," bulong ni Renz na kinatigil ni Genesis. "Hindi ikaw iyong tipo na kailangan mag-pleased ng ibang tao para magustuhan ka." "Young lady huwag mong kalimutan ang totoong mission mo dito." "Isa kang Salcedo isang Gustavo si Sir Sebastian at—." Hindi naituloy ni Renz ang sasabihin nang dumilim ang mukha ni Genesis. "Katulad ng sinabi mo. Isa akong Salcedo at hindi ako iyong tipo na magpe-pleased ng ibang tao para magustuhan. Walang dahilan para isipin ko pa ang mission na iyon." Tumalikod si Genesis at walang salita na pumasok ng kusina. Agad din lumiwanag ang aura nito matapos magsimulang ihanda ang mga ingredients na gagamitin niya para gumawa ng cookies. "Young Lady," bulong ni Renz habang nag-aalalang nakatingin sa dalaga. — "Nahanap ko na ang lugar ko. Hindi ko na kailangan ng ibang tao para makuha ang affection na gusto ko," bulong ni Genesis habang nakatayo sa harap ng oven at hinihintay ma-bake ang cookies. Lumambot ang expression ng dalaga matapos makita ang reflection ng sarili sa salamin ng oven. Nakasuot siya ng maid uniform, walang makapal na make up, naka-breed ang buhok at walang suot na kahit anong jewelry. "Sanay na ako sa ganito. Hindi ko na gugustuhin pa na bumalik sa dati." Flashback "Anong sabi mo! Ipapasok niyo akong katulong sa punyetang mga Gustavo na iyon!" "Genesis, ikaw na lang ang naiisip ko na makakagawa nito. Kailangan natin ng blueprint ng power plant ng mga Gustavo. Kung makukuha natin iyon siguradong magagawa na natin makaganti at mapabagsak ang mga Gustavo." "Kapag nagawa mo ito siguradong kikilalanin kana ng lolo mo na isa sa tagapagmana. Mahalaga ang blueprint na iyon dahil ninakaw iyon ng mga Gustavo sa atin. Kailangan natin iyon makuha para makaganti." "Mahigpit ang security ng mga Gustavo. Pinalano ko na ang lahat ang kakailanganin mo na lang gawin ay mag-apply na personal maid ni Sebastian Gustavo at kuhanin ang blueprint." Umirap sa kawalan si Genesis at nag-cross arm. Kung makukuha niya ang simpatya ng lolo niya siguradong walang kahirap-hirap niya ng makukuha ang mana at maaring maging head pa siya ng mga Salcedo. Magagawa niya ng tapatan ang mga kapatid pagdating sa kapangyarihan kung nasa side niya na ang lolo niya. Matapos makipag-usap sa ama. Pinalano niya na lahat kung paano makakapasok sa mga Salcedo ng walang paghihinala. Iniwan nito ng luxury life niya para pumasok na katulong sa mga Salcedo na tanging ang motibo ay makuha ang simpatya ng buong pamilya niya at maging karapat-dapat maging Salcedo. Even mga dress at mamahalin na jewelries. Gumawa din ito ng mga fake documents at sinigurado na maikakalat iyon kahit saan kung sakali na magbackground check ang mga Gustavo. Malinaw ang plano at lahat iyon planado hanggang sa makita niya at makilala si Sebastian Gustavo. Iisang tagapagmana ng S.G Group. Dahil sa aksidente namatay ang ama nito at ina, nawalan din ng kakayahan si Sebastian makalakad kaya nanatili itong nakaratay sa kama at wheel chair. Dahil 17 years old lang ito wala itong kaalam-alam sa larangan ng business lalo na at gusto nitong maging doctor kaysa maging business man. Maagang napunta sa mga balikat nito ang responsibilidad isama pa ang katotohanan na siya na lang mag-isa dahil maaga din nawala ang sariling mga magulang. "Sinabi ko ng iwan niyo ako! Hindi kayo kailangan!" Napatigil si Genesis matapos marinig ang boses ng magiging alaga sa isang kwarto. Inangat ni Genesis ang kamao at pinigilan ang sariling wasakin ang pinto para makapasok siya. "Ngunit boss Sebastian. Oras na ng pag-inom niyo ng gamot." "Hindi ko kailangan ng gamot! Iwan niyo ako!" That's the cue sinipa ni Genesis ang pinto. Nanlaki ang mata ng butler matapos makita ang ginawa ng dalaga. Napatigil si Genesis matapos makita ang gulo ng kwarto at makita ang napakagwapong binata na nakaupo sa gitna ng kama. Yakap ang mga tuhod at umiiyak na nakatingin sa kanya. "Young maste—." Sinara ni Genesis ang pinto matapos makita na napalitan ng pag-aalala ang mukha ng binata. Hindi dahil sa dumating siya kung hindi baka may ibang makakita na 'ganon ang sitwasyon niya. Pinunasan ng binata ang mga mata at umiwas ng tingin. "Kapag sinabi mo kung anong sitwasyon ko ngayon sa iba pang tao sa loob ng mansyon ipasa-salvage kita kasama ang buong pamilya mo." Threat iyon ngunit hindi iyon binigyan ng pansin ng dalaga. Lumapit si Genesis at wala sa sariling kinuha nito ang panyo sa bulsa. Inabot iyon sa binata na kinaangat ng tingin ni Sebastian. Hindi alam ni Genesis kung anong sasabihin kasi sa unang pagkakataon nakatagpo siya ng 'ganon na lalaki. May something sa pagkatao ni Sebastian na nakakuha ng atensyon niya kaya hindi alam ni Genesis kung anong ire-react sa behavior na iyon ng binata. Sa paningin niya para itong isang maliit na white bunny na kailangan niya alagaan at protektahan. Napakaganda din ng asul nitong mga mata na nakapag-pahanga ng sobra sa dalaga. Kinuha iyon ni Sebastian. Tumikhim si Genesis dahil iba iyon sa first encounter na naiisip niya. Hindi siya handa lalo na at hindi niya ini-expect na makita itong umiiyak. Ayon kasi sa informant niya masyadong grumpy si Sebastian Gustavo, lahat daw ng nadadampot nito binabato kapag nagsisimula ang mga itong pinakikialaman siya. Madali din ito uminit ang ulo. Naging maganda ang first encounter nila 'nong una pero sa mga nakalipas na araw. Nangyari na ang inaasahan ni Genesis. "Sabing ayoko kumain!" Nanlaki ang mata ni Genesis matapos ibato ni Sebastian ang hawak na plato. Napasigaw ang ilang maid dahil doon. Muntikan na tamaan si Genesis pero hindi iyon pinansin ng dalaga. Nakita niya na dumudugo ang kamay ni Sebastian dahil sa pagkakahawak nito ng kubyertos. Kusang kumilos ang katawan ni Genesis at hinablot ang kamay ni Sebastian na dumudugo. Inaagaw nito ang maliit ni Knife pero hindi nagpatinag si Sebastian. "Huwag mo ako hawak—nababaliw kana ba!" Nabitawan ni Sebastian ang knife matapos hawakan ni Genesis ang mismong patalim na naging dahilan para parehong dumugo ang kamay nila. Nanlaki ang mata ni Renz na kasalukuyang kapapasok lang din na body guard ni Sebastian matapos makita ang ginawa ng dalaga. "Pareho tayong nababaliw boss. Hindi lang ako ang humawak ng knife." Nagdilim ang mukha ni Sebastian matapos iyon sabihin ni Genesis. Binaba ni Genesis ang knife sa lamesa at tiningnan ang mga maid. "Kumuha kayo ng first aid kit." Kinuha ni Genesis ang tissue at pilit na binuka ang kamay ni Sebastian na kasalukuyang dumudugo. "Renz, gamutin mo ang sugat ni Genesis," walang emosyon na utos ni Sebastian matapos umiwas ng tingin. "Akala mo din ba susunod ako sayo?" "Anong sabi mo? Ako ang boss mo magpagamo—." "Ayoko." Gumusot ang mukha ni Sebastian. Nagsukatan ng tingin ang dalawa na kinasapo ni Renz sa noo. "Kapag namatay ka boss at nawalan ka ng dugo wala ng magpapasweldo sa akin. Paano na lang ako makakapagpatayo ng palasyo kung wala kana." "Anong sinabi mo?" "Boss, pilay ka lang pero hindi ka naman bingi diba?" Mas nagdilim ang mukha ni Sebastian. Dinampot nito ang baso sa lamesa at ibabato iyon kay Genesis nang mapahinto ito matapos makita na wala 'man lang takot sa mukha nito. "Gosh!" Napatigil si Sebastian matapos makita na napahawak si Genesis sa gilid ng lamesa. "Anong nangyari! Renz!" "Teka bakit ako na naman?" bulong ni Renz habang nagkakamot sa ulo na lumapit kay Genesis. "Anemic ako gosh, baka mamatay na ako ng maaga kapag nawalan pa ako ng dugo." "Tumawag kayo ng doctor!" utos ni Sebastian na bahagyang nag-panic. Napatalon ang lahat matapos ibato ni Sebastian ang hawak na baso sa sahig at nagdidilim ang mukhang tiningnan ang mga kasambahay. Nagkagulo ang mga katulong at agad lumabas ng dining area. "Renz! Bigyan mo ng first aid kit si Genesis gamutin mo ang mga sugat niya." "No— hindi ako magpapagamot hanggat may sugat ka." Nameywangan si Genesis. Kumunot ang noo ni Sebastian matapos makita na mukhang naging okay ulit ang babae. "Nahihilo ka diba? Anemic ka?" ani ni Renz. "Ay oo nga! Anemic ako. Ow! Ow! Nahihilo ako boss! Magpagamot kana." Puno ng acting na sambit ni Genesis. May paupo pa ito sa sahig at paghawak sa ulo. Napatigil si Sebastian hanggang sa bahagyang mapatakip ito sa bibig gamit ang likod ng palad. Umiwas ng tingin si Sebastian para maiwasan na matawa. Minulat ni Genesis ang isang mata at dokn nakita niya na natatawa si Sebastian kahit si Renz na bahagya din nagulat sa ginawa ni Genesis. "Teka! Bakit ka natatawa! Mamatay na ako dito tapos natatawa ka?" hindi makapaniwala na sambit ni Genesis habang nakatingin kay Sebastian na nakatingin kung saan. "Ngayon lang ako nakakita ng babaeng kasing pangit mong umarte." That's a cue tumawa na si Renz habang hawak ang tiyan. Dahil doon nahampas ni Genesis ang hita ng binata at namumulang tiningnan si Sebastian. Sikat siya sa entertainment industry dahil sa passion niya sa pag-arte hindi siya nakapaniwalang makakatanggap siya ng 'ganon na salita sa isang tao pero sa hindi alam na dahilan hindi nakaramdam ng galit o hindi niya nakita iyon na isang insulto lalo na at nakikita niya ang kalmadong expression ng binata. "Ow, whatever atleast nakita ko siya ngumiti," bulong ni Genesis na nagkaroon din ng ngiti sa labi. Hanggang sa maya-maya dumating na ang mga kasambahay kasunod ang dalawang doctor. Ginamot agad nila ang dalawa at hindi na umapila si Sebastian na kinahinga ng dalawang doctor. Ini-expect kasi nila na ibabato nito muli ang mga first aid kit at aalis sila sa mansyon na 'yon na may bukol at mga sugat dahil sa binata.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

PLEASURE (R—**8)

read
57.5K
bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
169.7K
bc

Behind The Billionaire's Contract

read
25.2K
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

The Cold-hearted Beast -SPG-

read
41.6K
bc

The Young Master's Obsession (SPG)

read
74.2K
bc

The Don's Auctioned Bride

read
6.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook