02

2114 Words
Chapter 02 3rd Person's POV "Hindi ko alam kung anong plano mo young lady pero nag-aalala na ako." "Genesis sabi itawag mo sa akin. Ilang beses ko na sinabi na hindi ko kailangan ng pag-aalala mo." Inirapan ni Genesis ang binata at pinagpatuloy ang paglilinis nito ng bintana na wala din sa plano ng dalaga 'nong una. Masyado ng kina-career ng dalaga ang pagiging maid ng mga Gustavo na hindi naman dapat lalo na at isang Salcedo ang babae. Hinawakan ni Renz si Genesis at iniharap ito. Hinila nito ang hawak na towel at sinalubong ang tingin ni Genesis. "Young Lady, isa kang Salcedo. Hindi ito ang buhay na dapat sa iyo. Malayo ito sa mga narating mo na hindi mo kailangan ibaba ang sarili mo sa isang ta—." Tinabig iyon ng dalaga na kinatigil ni Renz. Masama siyang tinitigan ng babae. "Matuto kang lumugar, Mr.Arejandro. Alam ko ang ginagawa ko at ito ang buhay na pinipili ko." Nabato sa kinatatayuan si Renz matapos makita ang paraan ng pagtingin sa kanya ni Genesis. Kung magsasalita pa siya siguradong dadapa lang siya sa sahig or worst palalabasin siya ng babae na hindi dumadaan sa pinto. Agad nagbago ang expression ni Genesis matapos marinig ang bell galing sa taas. Hinawakan nito ang laylayan ng maid uniform at parang bata na tumakbo papunta ng hagdan. "Nandiyan na ako!" Biglang lumiwanag ang aura at mukha ng babae matapos marinig ang bell na iyon. Hudyat na pinatatawag siya ni Sebastian. Napahawak sa gilid ng ulo si Renz at tinungo ang hagdan. Aakyat na din siya sa itaas incase na bumaba ulit si Genesis para tawagin siya. 'Hindi mo ba napapansin, sobrang lapit ni Young master doon sa baguhan na maid.' 'Oo nga eh, last time. Narinig ko ang bell may ginagawa yata si Genesis ako ang pumunta. Pagpasok ko doon sinamaan ako ng tingin ni Young Master at pinagpatuloy ang pagkalog 'nong bell.' 'Sa tingin mo may relasyon na sila?' 'Duhh, hindi bagay si Young Master kay Genesis. Maid lang siya.' Napa-pokerface si Renz matapos makita ang ibang kasambaya na nagchi-chismisan at sa idea na mali ang pagkakakilala ng mga maid kay Genesis. Hindi si Sebastian ang nababagay sa tipo ni Genesis. His Young lady deserve the guy who was have a strong personality and have a power to stand behind his young lady. Binuksan ni Renz ang pintuan at doon nakita ni Renz ang isa pang side ni Genesis. Malayo sa Genesis na nakilala niya. Maliwanag ang mukha nito at aura. Para itong bata kung umasta kapag nasa paligid ang binata. "I don't know what are you doing pero personal maid kita at wala akong sinabing gumawa ka ng kahit ano bukod sa bantayan ako at manatili sa kwarto." "Pero boss, tulog ka naman at isa pa tumutulong ako sa house chores para din sa inyo. Kapag madumi ang paligid hindi iyon makakabuti sa inyo." "32 ang maid dito at hindi ka nila kailangan. Mapapagod ka lang." "Yieeh si boss, concern sa akin." "Hindi ako concern sa iyo. Natatakot ako na makabasag ka na naman." Palihim na natawa si Renz matapos marinig iyon lalo na makita niya na sunod-sunod ang apila ng babae. "Ang galing mo kasing pumili. Kung anong mga mamahalin iyon pa binabasag mo." "Boss, aksidente lang iyon. Promise!" "Ayoko ma- bankrupt Genesis. Huwag ka na maglinis." — "Anong ginagawa mo?" tanong ni Sebastian matapos sila makarating ng garden. Lumuhod si Genesis sa harap ni Sebastian at bahagyang tinanggal nito ang blanket na nasa paa ng binata. "Magaling ako mag-massage boss." "Hindi ko din mararamdaman iyan. Huwag mong pakialaman ang paa ko.". Nagbago ang mood ni Sebastian dahil doon pero hindi siya pinakinggan ni Genesis. "Kung ayaw mo um-attend ng any therapy hayaan mong gawin ko sa iyo ito araw-araw." Hindi umimik si Sebastian at tumingala na lang sa langit. Kahit naman kasi ano sabihin niya hindi makikinig sa kanya ang babae. Kahit pa bulyawan ito, magalit siya o may hindi siya gawin na maganda hindi ito natatakot. Hindi niya alam kung maganda iyon since madalas hindi niya kontrol ang mga emosyon niya. Tiningnan niya ulit si Genesis na kasalukuyang naka-focus sa paghilot ng mga paa niya. Halos lahat na yata ng side niya naipakita niya sa babae pero hindi 'man lang nagbago ang treatment o expression nito tuwing nakikita siya. Lagi itong nakangiti at nanatiling may warm aura para sa kanya Last na nakita niya nagpabago-bago ang expression nito 'nong una silang nagkita. Nakita siya nito na umiiyak pero sa kabila ng scenario na iyon walang nakita si Sebastian na awa sa mukha ng babae. Nakakagulat pa doon para pang nahihipotismo ang dalaga at nakikita ni Sebastian na gusto siya yakapin ng babae. Kung ginawa nga ng dalaga ang iniisip niya baka pinaalis niya na agad ito ng mansyon at hindi na pababalikin pa. Nag-angat ng tingin si Genesis at ngumiti. "Nagagandahan ka ba sa akin boss?" "Ako naga-gwapuhan sa iyo ngayon sobrang ganda ng mata mo lalo na sa liwanag." Napa-pokerface si Sebastian at inismiran ang dalaga. "Kung balak mo ako i-seduce sa pamamagitan ng ngiti at compliment mo. Mag-training ka pa ng mabuti hindi ako satisfy." Natawa si Genesis kaya napatingin si Sebastian. Pinagpatuloy na ulit nito ang pag-massage sa mga hita niya. "Boss kung nasa isip ko talaga iyon. Tuwing gabi papasukin kita sa kwarto mo. Gosh, sino bang aayaw sa isang bata na 18 years old pa lang may 8 packs abs na." Masyadong honest ang babae kaya hindi nagsasawa ang binata na kausapin ang dalaga sa lahat ng pagkakataon at makipa-asaran dito. "Hmm, 8 packs abs ko lang ba ang nakita mo?" "Iyon lang sa tingin mo ang maipagmamalaki ko sa age na ito?" tanong ni Sebastian. Umangat ang tingin ng baba at tinuro ang sariling baba. "Your face, meron kang gwapong mukha." Nilapit ni Sebastian ang mukha niya sa babae na naging dahilan para matulala ang babae. "Hindi ka din ba naku-curious sa bagay maaring maipagmalik ko pa bukod sa mukha at abs ko?" Bumaba ang tingin ni Genesis sa pagitan nila at daig pa nito binabad sa tomato sauce matapos ma-gets ang sinasabi ng binata. Tinulak ni Sebastian ang sariling wheelchair at may ngisi sa mukhang umalis doon. "Boss! Sira ulo ka! Wala ka 'man lang kondirasyon sa babaeng may virgin na utak! Huhu!" Hinabol ni Genesis ang lalaki hanggang sa makarating sila sa pinakaloob ng garden at doon nakakita siya ng sobrang daming mga bulaklak. "Wow!" react ni Genesis matapos makita ang napakadaming bulaklak. Actually hindi siya mahilig sa flowers pero ng makita ni Genesis na lumapit dito si Sebastian at hinawakan ang isa sa mga bulaklak parang gusto niya na iuwi 'yong may ari. Nailing-iling si Genesis sa idea na mukha na naman siyang sinasapian ng masama espiritu dahil sa magandang tanawin na nakikita niya. "Genesis," tawag ni Sebastian. Agad lumapit ang babae at lumuhod sa gilid ng kinauupuan na wheel chair ni Sebastian. Naging habit na iyon ng babae na ni minsan sa buhay niya hindi niya ginawa dahil para sa kanya. Siya ang pinakamataas gusto niya ang pakiramdam na siya ang tinitingala pero excempted doon si Sebastian Gustavo. Kahit ilang beses pa siya lumuhod gagawin niya para sa binata. Kahit gaano pa kataas ang lugar na kinaroroonan niya paulit-ulit siya tatakbo pababa para sa lalaki. Binunot ni Sebastian ang red rose, dahil matinik iyon nataranta si Genesis. "Boss! Kung gusto mo ng bulaklak bibigyan kita kahit ilan! Pinadugo m—." Napatigil si Genesis nang matapos tanggalan ni Sebastian ng tinik ang rosas gamit ang mga kamay niya nilagay niya iyon sa gilid ng tenga ni Genesis. "Hmm, mas bagay talaga sayo ang red roses kahit may napaka-inosente kang mukha." "Kahit anong bulaklak bagay sa akin boss!" Pilit na tinago ni Genesis ang expression niya sa harap ng binata. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman dahil sa ginawa ng binata parang may bahagi sa puso niya ang uminit at binibigyan noon ng kakaibang buhay ang katawan niya "Sa ganda kong ito kahit gumamela bagay sa akin mas safe pa iyon walang tinik," ani ni Genesis pero tinitigan lang siya ni Sebastian. "Hindi iyon ang nakikita kong deserve mo," ani ni Sebastian bago tiningnan ulit ang napakadaming bulaklak sa harap niya. Gumuhit ang ngiti sa labi ni Genesis matapos bahagyang hawakan ang bulaklak na nasa tenga niya. Madami na siyang bulaklak na natanggap sa iba't ibang tao pero iyon ang unang pagkakataon na natuwa siya sa bulaklak na natanggap dahil galing iyon kay Sebastian. Kinuha iyon ng binata gamit ang mga kamay niya at tinanggalan ng tinik para sa kanya. Tinulak ni Genesis ang wheel chair ng binata matapos nito lagyan ng band-aid ang sugat sa kamay ng binata at linisan. Tahimik lang ang dalawa habang dinadama pareho ang malamig na simoy ng hangin. "Natatakot ako." Napatigil si Genesis matapos marinig iyon. Hininto nito ang pagtulak sa wheel chair at hinarap si Sebastian na nakayuko habang hawak ng mahigpit ang mga kamay. "Gusto ng mga uncle ko sa side ni daddy na i-turn over ko sa kanila ang company at business ng pamilya namin pero nagdadalawang isip ko." "Mahalaga ang SG group kay daddy at ilang business na pinatayo ni mommy. Magkatulong nilang tinatrabaho iyon para sa pamilya namin." "Hindi ko pa kaya ang responsibilidad pero ayokong biguin sina dadddy." "Sir," ani ni Genesis na kinatingin ni Sebastian. "Gawin mo kung anong tama para sa iyo at sa parents mo." "Isipin mo ang maaring mangyari kung mapapasakamay iyon ng mga uncle mo." "Sinasabi mo ba na kuhanin ko ang responsibilidad at ako ang mismong humawak ng company?" tanong ni Sebastian. "Hindi ko kaya, paano kung mabigo ko sina daddy. Paano kung bumagsak ang company dahil sa akin at—." "Atleast sinubukan mo. Kung ayaw mo magkaroon ng pagsisihan gawin mo ang best mo lalo na kung mahalaga iyon sa iyo," ani ni Genesis na kinatigil ni Sebastian. "Wala akong alam sa business pero kaya kong balian ng buto ang mga taong mamaliitin ka," ani ni Genesis bago tinaas ang kamao na kinatawa ni Sebastian ng mahina. Alam ni Genesis na hindi naniniwala si Sebastian lalo na at ibang side niya ang nakikita nito sa kasalukuyan pero iyon ang gagawin niya sa mga taong gagawa noon sa lalaki. "Kumain ka ng madaming gulay para tumibay iyang buto mo. Feeling ko hipan ka lang ng hangin magkakalas-kalas 'yang buto mo." Napanguso ang babae at agad umapila sa sinabi ng binata. Dahil doon medyo gumaan ang atmosphere. "Pero tama ka. Kung may gusto akong maprotektahan kailangan ko ng kapangyarihan. Hindi dapat ako manghina." Nilingon ni Sebastian ang kabilang bahagi ng garden kung nasaan ang estatwa na ang mommy niya mismo ang nakaisip at nagdisenyo. Tinititigan ni Genesis si Sebastian at ngumiti ng konti. Nakapagdesisyon na kasi ang babae na magiging isa siyang malaking pader para kay Sebastian. Susuportahan niya ang binata at poprotektahan. "Genesis gusto ko sa lahat ng pagkakataon nandoon ka," ani ni Sebastian bago nilingon si Genesis na bahagyang napatigil. "Boss nagpo-proposed ka na ba sa akin?" tanong ni Genesis dahilan para pitikin siya ng binata sa noo. "Sir! Paano kita sasagutin 'nan napakasadista mo. Ganyan ka ba sa magandang dalaga na katulad ko," reklamo ni Genesis habang hinihimas ang noo. "Sinasabi ko lang na huwag kang basta aalis." "Boss kailangan ko ng kwarta at kung dodoblehin mo sweldo garantisado sayong-sayo ako." Nag-thumbs up si Genesis habang tinataas-baba ang kilay. "Hindi ako nagtataas ng sweldo sa katulong na hihdi marunong magluto, maglaba at maglinis." "Pinangnak kasi ako maging asawa mo Sir! Hindi maging katulong mo." Napailing na lang si Sebastian at iniikot ang wheel chair patalikod sa dalaga. "Tigilan mo ang kabibiro mo ng ganyan. Baka isang araw mauntog ako pakasalan kita." Nanlaki ang mata ni Genesis matapos marinig iyon. Tatawa-tawa itong sumunod sa lalaki. "Hindi mo na kailangan mauntog sir! Willing ako hampasin ka ng baseball bat sa ulo anytime para ma-realize mo na kailangan mo ako sa future mo." "Hindi ko pa nakikita ang sarili ko sa mental hospital. I think sa ngayon safe pa ako sa future na sinasabi mo." "Hilahin ko na lang kaya 'yang dila mo Sir Sebastian. Lagi kang may isasagot sa akin." "Ako ang boss mo dito. Ngayon lang din ako nakakita ng katulong na kasing talas ng dila ng katulad 'sayo at over ang confident na katulad mo para sagutin ang boss niya." "Kung hindi ka lang gwapo sir siguradong nilayasan kita kahit buong mansyon pa i-offer mo sa akin. Pang- white house kaya ang ganda ko." Natawa na lang si Sebastian at naiiling na hinilig ang ulo sa sandalan ng wheel chair. "Whatever, dalhin mo na lang ulit ako sa kwarto ko. Gusto ko magpahinga."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD