Kabanata 27:

1616 Words
Kabanata 27: Nag-init ang pisngi ni Johnson nang bigla na lamang hatakin ni Brenda ang kwelyo ng suot niyang pantulog. Gulat na gulat siya, at the same time ay kinakabahan dahil nakakaakit ang mukha ni Brenda. Bumaba ang tingin niya sa namumulang labi ni Brenda, ang ganda ng shape nito, halata ring malambot dahil sa itsura nito. Wala siyang magawa kundi ang mapalunok dahil sa nakakaakit na mga labi nito. Pati na rin ang paraan ng paggalaw nito habang nagsasalita, talaga nga namang nakakahipnotismo. Ilang saglit pa ay umangat ang tingin niya sa mga mata ni Brenda. Nagtama ang kanilang mga mata. Iyong mga mata ni Brenda na kulay berde. . . ang ganda. Doon niya naramdaman ang unti-unting pagbilis ng t***k ng kanyang puso. Hindi ito ang unang beses niyang naramdaman na tumibok ang puso niya para sa isang babae–kaya nagtataka siya kung bakit ganito ang kanyang nararamdaman. Hindi naman siguro niya crush si Brenda? Hindi naman siguro dahil kahit hanggang ngayon ay naiisip niya pa rin kung ano na kaya ang ginagawa ni Shanna. Ilang saglit lang ay mabilis na kinurot ni Brenda ang pisngi niya na kaagad niyang ikinahiyaw. “Aray!” reklamo niya. Napahawak siya sa kanyang pisngi. “Bakit mo ako kinurot sa pisngi?” Mabilis na lumayo si Brenda sa kanya habang hawak ang maliit na piraso ng kanyang pilikmata. “Nahulog kasi ang pilikmata mo, heto.” Inabot sa kanya ni Brenda ang pilikmata. “Mag-wish ka.” Ngumuso siya saka inabot din naman ang pilikmata. Mabilis pa rin ang t***k ng kanyang puso, pero pilit niya iyong nilalabanan. Hindi niya pwedeng ipahalata na nahihiya siya o kaya naman ay kinakabahan sa harap nito. Mas nakakahiya iyon, hindi niya alam kung paano magpapaliwanag. “B-bakit mo naman naisip na mag-wish? Matutupad ba ang wish ko kung mag-wi-wish ako sa pilikmatang ito?” takang tanong ni Johnson. “Hindi mo malalaman ang sagot kung hindi mo susubukan,,” ani Brenda. Bumuntonghininga siya. “O sige na nga, para sa ‘yo.” Pumikit siya saka inisip kung ano ang kanyang wish. Ang wish niyang gustong-gusto niyang matupad. . . Dati kahit na hirap na hirap siya sa buhay, wala siyang masasabing wish niya. Pero ngayon, hindi niya maintindihan ang kanyang sarili. Bigla siyang nagkaroon ng isang wish–wish na kailanman ay hindi niya naisip, ngayon lang. Matapos niyang mag-wish ay dumilat siya at inihipan ang kanyang pilikmata para paliparin ito. Nang makalipad iyon saka niya muling tiningnan si Brenda na ngayon ay nakatingin sa kanya, tila naghihintay. “Anong ini-wish mo?” agad na tanong ni Brenda. Tumayo siya saka ininat-inat ang braso saka bewang. “Ang galing mo naman yatang magmasahe? Nawala na parang magic ang sakit e,” pag-iiba niya ng usapan. Ayaw niya kasing sabihin kung ano ang kanyang wish. Naalala niya pa kasi ang bilin sa kanya ng Mama niya. Na huwag daw ipagsasabi kahit na kanino ang wish hangga’t hindi pa iyon nangyayari. Kahit pa alam niyang ampon siya, mahal na mahal niya ang mga magulang niyang nagpalaki sa kanya. Kahit pa iniwanan siya ng mga ito ng napakalaking utang. “Iniiba mo ang usapan.” Umirap si Brenda saka tumayo mula sa kama. Hindi niya na lamang ito pinansin saka siya dumiretso sa banyo. “Hintayin mo na lang ako sa labas,” nakangiting aniya bago siya tuluyang pumasok sa loob. Tumango rin naman si Brenda kahit na nakabusangot pa rin. Iiling-iling na ini-lock niya ang pinto ng banyo saka nag-umpisang maligo. Habang naliligo, pinag-isipan niyang maigi ang kanyang naramdaman kani-kanina lang. Hindi niya kasi talaga maintindihan. Hindi nga iyon ang unang beses niyang naramdaman ang pagbilis ng t***k ng puso para sa isang babae, kaya nagtataka siya kung bakit. Una, hindi niya naman gusto si Brenda. Pangalawa, hindi rin naman siya nakakaramdam ng galit na pwede ring dahilan ng pagbilis ng t***k ng kanyang puso. Nakatapos na lang siya sa paliligo pero hindi niya talaga nakuha ang sagot sa tanong niya sa kanyang sarili. Mabuti na lamang at lumabas na si Brenda, makakapagbihis siya nang matiwasay. Marunong din naman yata iyong makiramdam. Pagkatapos ay nagbihis siya ng simpleng kasuotan sa Infinita para sa isang Prinsipeng gaya niya. Trouser na kulay light brown, simpleng t-shirt na kulay puti na pinatungan ng tila jacket na kulay pula. Marami iyong burloloy. Hindi ito ang madalas niyang suot noong mga nakaraang araw, pero kagabi, inihabilin sa kanya ng kanyang Lolo na umpisahan nang isuot ang damit na nararapat para sa kanya. Medyo naiilang naman kasi siyang isuot ito pero kailangan e. Matapos niyang magbihis ay dumiretso na siya sa harap ng pinto. Huminga muna nang malalim bago tuluyang binuksan ang pinto. Naabutan niya roon si Brenda habang nakikipagtawanan kay Ulysses. Nakaramdam siya ng kaunting inis, bakit naman nakikipatawanan ito sa ibang lalaki matapos nitong lumapit sa kanya para kunin ang kanyang pilikmata? “Tara na,” anyaya niya. Ibinaling ni Brenda ang tingin niya kay Johnson saka tumango. “Sige, halika na.” Nauna si Ulysses sa paglalakad, kasunod silang dalawa ni Brenda. “Saan tayo pupunta?” malamig na tanong ni Johnson. Pinipigilan niyang maging awkward ang kanyang tono pero hindi niya pa rin mapigilan. “Sa battle arena. Doon tayo magsasanay,” sagot din naman ni Brenda. “Battle arena?” “Oo, mayroong battle arena sa palasyo kung saan ginaganap ang lahat ng uri ng laban pati na rin ang pag-eensayo.” Marahang tumango si Johnson. Napatanga na lang siya nang pumasok na sila sa elevator. Sa may 9th floor ang pinindot ni Ulysses na buton. Habang paakayat ang elevator, tahimik silang tatlo at walang kumikibo. Hindi na siya kumikibo dahil wala naman na siyang gustong itanong. Mayroon pala–iyon ay kung may namamagitan ba kay Brenda at Ulysses dahil sobrang close ng dalawa. Pero nakakahiya namang itanong iyon. Ilang saglit lang ay bumukas na ang elevator, na nagpanganga kay Johnson. Halos lumuwa ang kanyang mga mata sa nakita. Para bang nasa labas sila ng palasyo. Sobrang lawak no’n, at hindi siya mukhang battle arena dahil isa lang itong gubat. Ang ikinagulat niya pa, isang dragon ang lumipad sa harapan nila. “A-ano ‘yon?!” bulalas niya kahit alam naman niyang dragon iyon. “Iyong dragon na tinulungan mo. Dito namin siya pinatira,” sagot ni Brenda. “Totoo ngang mabait siya.” “Siya iyan?” Humakbang siya palabas ng elevator at muli niyang nakita ang paglipad ng dragon sa kanyang harapan. Halos makalimutan niya na ang dragon na ito. Noong isang araw lang ay nakita niyang sugatan ito dahil sa pagtulong sa kanila. Ngayon ay malaya na itong lumilipad na para bang ang bilis lang niyang gumaling. “Ikaw ang dahilan kung bakit magaling na siya. . .” Napalingon siya kaagad kay Brenda. “Huh?” takang tanong niya. “Kasama siya sa napagaling mo.” Hindi siya nakakibo. Sa halip ay ibinaling niya ang kanyang tingin sa dragon na panay pa rin ang paglipad-lipad sa malawak na gubat. Nakamamangha pa rin talaga para sa kanya kung iisipin, kung paano nangyaring may kagubatan sa loob ng isang palasyo at nasa 9th floor pa. “Paano–” “Hindi ito totoong gubat, ginamitan lang ito ng mahika. Isa lamang itong makatotohanang imahinasyon.” “Wow! Sino ang may gawa nito?” “Ang aking ama.” Napalingon silang lahat sa kararating lang na si Archer. Nakalagay sa kanyang likuran ang kanyang mga braso habang naglalakad papalapit sa kanila. Si Archer ay maganda ang pangangatawan, guwapo at matikas kung maglakad. Halatang matapang ito base sa kanyang kilos. “Nakapaghanda ka na ba?” tanong nito sa kanya. Kumunot ang noo ni Johnson. “Anong klaseng paghahanda?” Ibinaling nito ang tingin kay Brenda. “Paano natin sisimulan?” Napakamot na lang sa ulo itong si Johnson. Base sa itsura at paraan ng tingin nitong si Archer, parang minamaliit siya nito. Porque wala siyang alam sa pakikipaglaban, ganito na lang ang turing nito sa kanya. E kung dito rin naman siya sa Infinita tumira at lumaki, malamang na ganyan din siya ngayon, matikas. Hindi na lang siya kumibo habang nag-uusap si Brenda at si Archer ng strategy na dapat gawin para sa kanya. Wala siyang maintindihan sa usapan ng dalawa, literal. Dahil gumagamit sila ng lenggwaheng hindi niya maintindihan. “Psst, anong pinag-uusapan nila?” tanong niya kay Ulysses na nakatayo lang doon. “Tungkol sa estratehiyang gagawin para sa ‘yo,” simpleng sagot nito. “Alam ko. . . ang tinanong ko, kung ano ang strategy na ‘yon?” Hindi kumibo si Ulysses, mukhang ayaw makialam sa kung ano mang pinag-uusapan ng dalawa. Napakamot na lamang siya sa kanyang ulo. “Baka mamaya minumura na pala ako ng dalawang iyan, hindi ko pa alam–” “Hindi ka namin minumura,” sabat ni Archer. “Masyado kang mapaghinala.” “Bakit hindi na lang kasi magsalita ng normal?” Ngumisi si Archer, mukhang nang-iinis pa talaga. “Hay, wala ka pala talagang kaalam-alam. S’yempre, iyon ang natural na lenggwahe namin. Ginagamit lang namin ang lenggwahe mo para maintiindihan mo kami.” Umikot ang kanyang mga mata. “Bakit kaya hindi ninyo na lang lubos-lubusin?” Napailing na lang din si Archer, hindi ito makapaniwala na ganito kahina si Johnson. Ito ang unang pagkakataon na magsasanay siya ng diwatang galing talaga sa lupa mula pagkabata. Alam niyang mahihirapan siya kay Johnson ngunit nararamdaman niya rin ang determinasyon sa mga mata nito. “Una nating pag-aaralan ang lakas. Kailangan mong pag-aralan kung anong parte ng iyong katawan ang pinakamalakas. Upang malaman mo kung ano ang mga dapat pang palakasin or mga dapat na lamang linangin.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD