Kabanata 45: Kahit naiilang si Johnson sa Prinsesang ngayon lang naman niya makakasasama, pumayag pa rin siya sa suhestiyon ng Hari. Hindi niya naman pwedeng sabihin na ayaw niya at baka magimbal ang lahat ng naroon kung gagawin niya iyon. Mabuti na nga lang at kasama niya si Ulysses dahil kung hindi, baka mas lalo siyang mailang kung sila lang talagang dalawa. “Saan mo unang gustong pumunta?” tanong ni Johnson dahil wala naman siyang ideya kung saan sila pupunta o kung saan nito gusto. Nahihiyang nilingon siya ng Prinsesa, “kahit saan.” Mas lalo tuloy siyang nawalan ng ideya. Marahan siyang napakamot sa kanyang ulo saka nag-isip. “Gusto mo, sa hardin na lang–” Hindi pa man natatapos ni Johnson ang sasabihin niya ay siniko na siya ni Ulysses. Nilingon niya naman ito na may pagtataka.