Kabanata 21:

1148 Words
Kabanata 21: Hindi makapaniwala si Johnson na ngayon ay naglilinis siya ng sahig. Akala niya kung anong klaseng pagsasanay ang ibibigay sa kanya ni Brenda. Iyon pala, paglilinis lang ng palasyo ang ibibigay sa kanya. Kanina ay pinaghugas siya ng sandamakmak na pinggan na pinagkainan ng mga opisyales sa palasyo. At ngayon naman ay nagpupunas siya ng sahig habang si Brenda ay kumakain lang ng lollipop na naipuslit daw niya mula sa kung saan. “Hanggang kailan mo ako paglilinisin? Akala ko ba mag-uumpisa na tayo sa pagsasanay?” naiinis na tanong ni Johnson. Halos dalawang oras na yata siya sa paglilinis. Ang sabi kasi ni Brenda, maghugas na muna siya ng pinggan tapos ay magsasanay na sila. Isang oras niya iyong ginawa, tapos ngayon, nagpupunas naman siya ng sahig. “Hindi ka nanunuod ng pelikula?” tanong ni Brenda. Kumunot ang noo ni Johnson. “Ano na namang kinalaman ng pelikula?” Napailing na lamang si Brenda saka hindi na muling nagsalita. Hindi naman talaga mahilig manuod ng pelikula itong si Johnson. Noong bata siya’y sumasabay lang siya sa panunuod sa kanyang itinuring na ama kapag hindi siya pinayagang maglaro sa labas o kaya naman ay may sakit siya. Mas madalas siyang nasa labas, nag-e-explore ng mga bagay na madalas talagang ginagawa ng mga kabataan. At nito nga lang, nawalan na siya ng T.V kaya kahit balita ay hindi siya makapanuod. “Teka nga. . .” Napahinto si Johnson sa pagpupunas ng sahig. “May T.V ba rito?” Umiling si Brenda. “Wala, bakit mo natanong?” “Pero nakakapanuod ka ng pelikula?” “Oo, para-paraan lang,” nakangising sagot nito. Umawang ang labi ni Johnson at biglang na-curious. “Paano?” Nagkibit-balikat si Brenda na para bang easy lang sa kanya ang panunuod ng pelikula sa lugar na ito kahit walang T.V. “Isasama kita sa panunuod kapag natapos mo na ang unang pagsasanay mo.” Ngumuso si Johnson saka muling ipinagpatuloy ang pagpupunas ng sahig. “Paano ko naman matatapos ‘yang unang pagsasanay e hindi mo naman pinapasimulan sa akin!” Imbes na sagutin ni Brenda ang reklamo niya, tinawanan lamang siya nito at muling isinubo ang lollipop na kinakain niya. Ilang araw na ganoon ang nangyari. Imbes na tulungan siya ni Brenda na mag-ensayo ay ginigising siya nito nang maaga para maglinis. At sa ilang araw na iyon, sa sumunod na Linggo ay nasanay na siyang gumising nang maaga. Siya na mismo ang gumigising nang maaga para simulan ang trabaho. Gusto niya na lamang na matapos na ang paglilinis niya para wala nang ipagawa pa sa kanya si Brenda. Tuloy-tuloy na ang ginagawa niyang iyon hanggang sa ika-siyam na araw, maagang nagising si Johnson. Halos takasan pa nga siya ng bait nang magising siyang nasa kama niya si Brenda, nakaupo habang nakatingin sa kanya. “Good morning!” bati nito sa kanya. Mabilis siyang bumangon kasunod ng pagpunas niya ng gilid ng kanyang labi, may tuyong laway pa! “A-anong ginagawa mo rito?!” gulat na tanong ni Johnson. Malapad na napangiti si Brenda. Nakasuot pa ito ng kulay pulang roba at mukhang kagigising lang. “Binabati kita, nakapasa ka sa unang pagsasanay.” Kumunot ang noo ni Johnson saka umayos sa pagkakaupo. “A-ano? E hindi pa nga ako nagsasanay!” Natawa si Brenda sa kanyang naging reaksyon. Lumabas tuloy ang malapusa nitong dimple sa magkabilang pisngi. “Pinaglinis kita ng lagpas isang Linggo, at unti-unti kang nasasanay sa pinagagawa ko sa ‘yo. Malinis kang maglinis, maayos ka kung mag-ayos. Iyan ang una mong pagsasanay.” Tumaas ang kilay ni Johnson. “Oh? Pagsasanay na ‘yon?” Marahang tumango si Brenda. “Oo, pagdidisiplina ko iyon sa ‘yo. Napansin kong hindi na kita kailangang gisingin, kusa ka nang bumabangon sa umaga para gawin ang dapat gawin.” Umawang ang labi ni Johnson saka marahang tumango. “Ah, gano’n ba? So. . . ibig bang sabihin mag-uumpisa na tayo sa susunod na pagsasanay?” “Bibigyan muna kita ng award,” sagot ni Brenda saka tumayo. “Maligo ka na.” Bumilog ang mga mata ni Johnson sa narinig, kasunod ng pamumula ng kanyang mukha. “A-ano?” “Maligo ka na, nakaligo na ako. Hintayin kita rito.” Itinikom ni Johnson ang bibig niya habang nakatitig kay Brenda. Hindi siya makapaniwala na ito ang award na ibibigay sa kanya ni Brenda! Napalunok siya ng laway saka nagmamadaling bumangon sa kama. Halos magkandarapa pa siya papuntang banyo! Kuskos kung kuskos ang ginawa niya, malinis lang ang kanyang kasingit-singitan. Sinuguro niya ring malinis ang kanyang mga ngipin at mabango ang hininga. Matapos niyang maligo, pinunasan niya lang nang bahagya ang kanyang buhok saka siya nagtapis ng tuwalya sa pang-ibabang parte ng kanyang katawan. “Ready na ako–” Napahinto siya nang pagbukas niya ng pinto ay wala si Brenda. Nagmamadali siyang lumabas ng banyo. Hinanap niya ito sa buong kwarto ngunit wala talaga. “Brenda?” tawag niya rito. Ngunit nahopya yata siya. Kakamot-kamot sa ulong huminto siya sa pag-iikot nang ma-realize niyang pinag-trip-an lang siya. Ang tanga naman kasi, sinong babae ang ihahain ang sarili sa lalaking kakikilala lang? Masyado kasing assuming itong si Johnson! Didiretso na sana siya sa closet para magbihis na lang nang may kumatok sa pinto. Nanlaki ang kanyang mga mata at dali-daling tumakbo patungo roon, umaasang si Brenda iyon! Sa kanyang pagbukas, si Brenda nga ang naabutan niya. Si Brenda na nakangisi habang nakatingin sa kanya. Sinuyod nito ang tingin sa kanyang katawan habang siya’y tanging tapis lang sa pang-ibaba ang saplot. “Wow, ang payat mo. Kailangan mong kumain ng marami,” panlalait ni Brenda. “A-akala ko ba bibigyan mo ako ng award?” Tiningnan ni Johnson ang suot ni Brenda na leather jacket at skinny jeans. “E bakit nakasuot ka ng ganyan?” “Oo nga, kaya magbihis ka na. Ano ba kasing pinag-iisip mo?” Inirapan siya nito saka kinatok ang pinto. “Bilisan mo, aalis na tayo.” “Huh? Saan?” “Ang daming tanong, magbihis ka na lang.” Nakangusong muling isinara ni Johnson ang pinto saka bumalik sa closet. Na-hopya nga talaga siya! Hay naku! Iyan talaga ang nagagawa ng isip ng mga tigang! Nagbihis siya ng normal na damit. T-shirt at pantalon saka sapatos. Hindi niya alam na may ganoon sa damitan niya, pero okay na rin. Gusto niyang ganito rin ang suot, ayaw niyang mapag-iwanan sa style ni Brenda. Pagkabukas niyang muli ng pinto, naabutan niya si Brenda na matyagang naghihintay sa harap ng pinto. Mukhang naiinip na sa sobrang tagal niya. Sinuyod nito ng tingin ang buo niyang katawan. “May common sense ka rin pala? Halika na!” Nauna nang naglakad si Brenda patungo sa elevator. Sumunod na lang din siya kahit hindi niya alam kung saan sila pupunta. Ayaw na niyang mag-expect. Ang sakit ng bagsak e.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD