Kabanata 22:

1075 Words
Kabanata 22: Hindi alam ni Johnson kung saan sila pupunta ni Brenda. Kanina pa sila lakad nang lakas sa malawak na kakahuyan kung saan din sila nanggaling noong nakatagpo sila ng dragon. “Wala na bang dragon dito? Baka mamaya matakot ka na naman,” mayabang na ani Johnson. “Takot? Hindi ako takot!” mariing giit naman ni Brenda. “Weh? Pero halata naman noong—” “Ang kulit mo. Walang dragon dito sa dinadaanan natin ngayon. Noong pumasok ka sa kakahuyang ito, papunta ka sa lungga ng mga dragon. Kung hindi ka namin inawat, kinain ka na ng mga iyon.” Natahimik si Johnson sa sinabi ni Brenda, nabara pa tuloy siya nito. Wala talaga siyang panama sa mga malulupitang pambabara nito sa kanya. Tumuloy na sila sa paglalakad. Hindi na lang siya magtatanong kahit na curious pa rin talaga siya kung saan sila pupunta. Mukha kasing hindi talaga sasabihin ni Brenda, surprise nga yata talaga. Sa kanilang paglalakad, may natanaw sila sa ‘di kalayuan. Isang nagliliwanag na puno. Kagaya ito ng lagusan papunta sa Infinita pero hindi naman sila rito lumabas no’n! “Saan ba talaga tayo pupunta?” tanong ulit ni Johnson. Pero this time, hindi na talaga siya sinagot ni Brenda. Tuloy-tuloy lang sa paglalakad hanggang sa nasa tapat na sila mismo ng puno. Tiningala nila pareho ang mataas at halatang matanda nang puno. Pero kahit matanda na ito, hitik pa rin sa bunga! Puno ito ng mangga! “May puno pala ng mangga rito?” takang tanong ni Johnson. “Oo, puno iyan na makikita pareho sa fourth dimension at third dimension,” sagot ni Brenda. “Huh?” Nilingon siya ni Brenda. “Kung alam mo ang tungkol sa mga sinasabi nilang engkantong nakatira sa puno, ito ‘yon.” Bumilog ang mga mata ni Johnson. “May nakatirang engkanto r’yan?!” “Wala, pero iyan ang daanan namin para makasilip sa third dimension. Nasa ibaba ng astral plane ang mga engkanto.” Tumaas ang kilay ni Johnson. Hindi niya maintindihan ang ibig sabihin sa kanya ni Brenda. Pero imbes na ipaliwanag ito sa kanya, umikot ang mga mata ni Brenda kasunod ng paghablot ng kamay niya. “Ang i-explain!” bulalas ni Brenda. Mabilis na hinatak siya ni Brenda papasok sa lagusan na nasa puno. Kagaya ng unang beses niyang dumaan sa gano’n, nahilo siya ngunit ilang saglit lang din ay nawala na iyon. Pagmulat ng kanyang mga mata, nasa isang bakuran sila. Bumungad sa kanila ang malaki ngunit halatang lumang bahay. “Nasaan tayo?” takang tanong ni Johnson. “Nandito tayo sa bahay ng kaibigan kong kalahating diwata.” Lalong kumunot ang noo ni Johnson, ngunit hindi pa rin talaga ipinaliwanag sa kanya ni Brenda. Labis-labis na curiosity na ang kanyang nararamdaman. Sino ba naman ang hindi maku-curious? Kung ano-ano ang mga pinagsasabi ni Brenda na hindi niya maintindihan. Ang lahat ng ito ay bago sa kanya. Isa siyang tao, tapos bigla na lang siyang napunta sa mundo ng mga diwata na nangangalaga sa kalikasan? Tapos siya pa ang susunod na hari dahil may lahi pala siyang diwata. Hindi niya alam na may diwata palang lalaki, ngayon lang. Kung sa bagay, ngayon lang din naman niya nalamang may mga diwata pala talaga! Imbes na ipaliwanag ni Brenda ang gustong malaman ni Johnson, dumiretso lamang ito sa paglalakad. Nakasunod naman si Johnson sa kanya, s’yempre, alangan namang magpaiwan siya roon, e isinama nga siya! Ilang saglit lang ay isang malaking pinto ang nakita nila. Kumatok si Brenda sa pintong iyon na ewan ni Johnson kung maririnig ba siya dahil sa laki ng bahay–ngunit nagulat siya nang kaagad bumukas ang pinto. Isang matangkad na babae ang bumungad sa kanila. Maputi ito at may kulay orange na buhok, may mga pekas rin ito sa may bandang ilong at ang mga mata ay singkit. “Siya na ba si Johnson?” nakangiting tanong nito sabay sulyap sa kanya. Tumango naman si Brenda. “Oo, siya nga.” Marahang tumango ang babae saka naglahad ng kamay. “Ako si Lily, half human, half diwata. Nice to meet you!” Agad namang tinanggap ni Johnson ang kamay nito. “Nice to meet you too.” Nang bitiwan na ni Lily ang kamay niya ay maluwag na nitong binuksan ang pinto saka sila pinapasok. Ngunit humirit pa itong si Lily. “Totoo ngang mukha siyang lampa ano? Kakayanin mo bang i-transform ‘yan?” Bumusangot si Johnson, gusto sana niyang umapela pero imbes na makipagtalo pa, bumusangot na lamang siya. Totoo naman kasing mukha siyang lampa! Iyon ay dahil payat siya. “Ako ang bahala, patitigasin ko ‘yan,” siguradong ani Brenda. Tumigas nga kanina! Anang malikot na isip ni Johnson. Bigla namang napahagalpak ng tawa si Lily na pareho nilang ikipanagtaka. “Bakit? Hindi ka naniniwalang kaya ko?” taas ang kilay na tanong ni Brenda. Mabilis namang umiling si Lily sabay sulyap kay Johnson. “Alam mong naririnig ko ang sinasabi ng utak, ‘di ba, Brenda?” Noong una ay hindi iyon naintindihan ni Johnson ngunit nang mapatingin din si Brenda sa kanya saka napangiwi, doon niya naintindihan. Kaagad siyang umiling saka ikinaway pa ang mga palad para sabihing mali ang kanilang mga iniisip. “H-hindi! A-ano! M-mali–” “Alam ko naman, huwag ka nang magpaliwanag.” Hindi na siya binigyan ni Brenda ng pagkakataon na ipaliwanag ang kanyang sarili. Tumalikod na ito saka dumiretso sa kung saan habang si Lily ay hindi pa rin natitigil ang paghagikgik. Hindi na lang siya nag-explain. Sa kanilang paglalakad, nakita ni Johnson ang mga gamit sa loob ng bahay ni Lily. Halatang mga luma na iyon. May mga nakasabit din na picture frame ngunit ang litrato ay malabo na. May mga antique na kabinet, mga babasaging base at kung ano-ano pa. Hanggang sa huminto si Brenda sa paglalakad. Doon niya nakitang nasa sala na sila. May mukhang bagong sofa, babasaging lamesa at sa tapat nito ay isang malaking T.V. “Ito na ang surprise ko sa ‘yo. Manuod ka ng T.V hanggang gusto mo,” ani Brenda. Napanganga na lamang si Johnson sa kanyang nakikita. Isang 62 inches flat screen T.V ang nasa kanyang harapan. At kung paano niya nalamang 62 inches ito. Iyon ay dahil nakadikit pa rin ang brand, size at kung ano-ano pang nakasulat sa gilid ng T.V. “Bagong bago ‘yan, sulitin natin ang panunuod!” bulalas ni Lily.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD