Kabanata 16:

1239 Words
Kabanata 16: Hinayaan na muna siya ni Brenda na magpahinga sa kanyang kwarto matapos nilang mag-usap. Anito, kailangan niyang mag-ipon ng lakas dahil hindi siya patitigilin ni Brenda hangga’t hindi siya natututo. Medyo na-excite siya roon, palibhasa’y kung ano-ano ang pumapasok sa nilulumot niyang utak. Kanina pa siya nakahiga sa kulay puting kama, ngunit hindi naman siya makatulog. Ito ang unang beses niyang makaranas na humiga sa malambot na higaan. Tila waterbed pa nga ang kama, sobrang lambot na para bang lumulutang siya sa tubig. Pero kahit na kumportable na ang kanyang higaan, hindi niya pa rin makuha ang kanyang antok. Marami kasing pumapasok sa kanyang utak. Paano kung hindi naman pala totoo ang lahat? Paano kung isang mala-makatotohanang panaginip lang ang mga ito? Paano kung namatay na talaga siya sa gutom at ito na ang langit? Maraming tumatakbo sa isip niya, pero kahit gano’n, hindi naman iyon napapagod, hindi pa rin siya inaantok. Kaya imbes na mahiga lamang siya at nakatulala, bumangon siya para libutin ang malawak niyang kwarto. Pagkabangon niya ay una niyang tiningnan ang mga litratong nakasabit sa dingding. Puro litrato iyon ng sinabi ni Brenda na kanya raw’ng ina. Matapos no’n ay dumiretso naman siya sa isa pang pintong katabi lang din ng pinto kung saan sila pumasok kanina. Bumungad sa kanya ang mga damit. Isa itong walk-in closet. Halos malula siya sa dami ng damit. Kung pamorma lamg sana ang mga damit na narito, siguro ay magtatatalon na siya sa tuwa, ngunit puro roba ang nasa loob, iba-ibang kulay. Mayroon pang nakahilerang armor at mayroon ding espada. Napapakamot na lamang siya sa kanyang ulo. Bigla siyang na-curious sa espada. Kaagad siyang lumapit sa isang espadang nakasabit sa pinakadulo ng walk in closet. Maganda ang disenyo ng espada, mukhang samurai. Hinawakan niya ang hawakan nito saka sinubukang kunin. Ngunit nanlaki ang mga mata niya nang pagkuha niya ay mabilis na bumagsak iyon sa sahig dahil sa sobrang bigat! Napatalon pa nga siya sa gulat dahil akala niya’y matatamaan ang kanyang mga paa! Tanga-tanga talaga! Alam naman niyang yari iyon sa metal, malamang na mabigat! Nanginginig pa ang kanyang mga kamay at kabado pa ang kanyang dibdib kaya sandali muna siyang nagpakalma. Nang masiguro niyang kalmado na siya, yumuko siya para damputin ang espada. Unti-unti niya iyong hinila, sobrang bigat talaga! “Anong ginagawa mo?” “Ay pusakal!” bulalas ni Johnson. “Ba’t bigla-bigla kang sumusulpot?” “Sa baba ng kwarto mo ang kwarto ko, narinig ko ang pagbagsak. Ano ba kasing—anong ginagawa mo?” Nanlaki ang mga mata ni Johnson saka bumaba ang tingin sa hawak niyang espada. “H-ha? E ano kasi, ano kasi—ano e,” utal-utal na ani Johnson, hindi niya maituloy ang ipapaliwanag. “Mabigat?" ismid na tanong nito. Mabilis na umiling siya. “H-hindi ah! Magaan lang!” palusot niya pa. Bahagyang natawa na lamang si Brenda saka ikinrus ang mga braso sa ibabaw ng kanyang dibdib. “Kung magaan, ibalik mo nga sa pinaglagyan,” panghahamon nito. “Iyon lang pala e!” Mabilis na hinatak ni Johnson ang espada, ngunit nang subukan niya iyon iangat ay halos kalahati lang ang kaya niya. “Akala ko ba magaan?" Natatawa-tawang dagdag pa ni Brenda, inaasar ang mukhang tangang si Johnson. “O-oo nga! Kulang lang yata ako sa kain!” Nanliit ang mga mata ni Brenda, duda sa naging dahilan ni Johnson. “Kung nagugutom ka, bakit hindi ka manghingi ng pagkain?” Doon ay biglang nabitiwan ni Johnson ang espada. “Teka, anong klaseng pagkain ang inihahain n’yo rito? “Bakit parang na-excite ka yata sa pagkain? E hindi ka naman magugutom dito dahil nasa third dimension pa rin ang katawan mo.” “Hindi ako pwedeng kumain?” Natakam kasi siya kung anong klaseng pagkain ba ang inihahain nila rito. “Pwede naman, gusto mo ba?” nakangiting tanong ni Brenda. Mabilis na tumango si Johnson kahit na hindi naman siya nagugutom. Nakaramdam siya ng excitement. Gusto niya lang talagang malaman kung ano ang lasa ng pagkaing inihahain sa mundo ng Infinita. “Ibalik mo na muna ang espada at dadalhin kita sa hapag-kainan.” Nawala bigla ang ngiti sa kanyang labi, nabawasan ang excitement. Hindi niya kasi alam kung paano niya bubuhatin ang espada gayong napakabigat talaga nito. Sino ba naman kasing gagawa ng espada na ganoon kabigat? Napakamot si Johnson sa kanyang ulo. “O sige, lumabas ka na muna at ibabalik ko iyan sa—” Nanlaki ang kanyang mga mata nang walang kahirap-hirap na dinampot ni Brenda ang espada saka ibinalik sa dati nitong lagayan. “P-paanong. . .” Matapos ibalik ni Brenda ang espada, kaagad siya nitong nilingon na may pagmamalaki ang ngiti. “Sanayan lang. Halika na,” anito. Medyo napahiya tuloy siya sa harap ni Brenda. Gusto niya pa naman sanang magpasikat ngunit walang ubra ang pagpapasikat niya rito. Mukhang sanay si Brenda sa mga ganito. Sa pagkakasabi pa lamang nito na siya ang magtuturo sa kanya, malamang na magaling talaga ito. Pagkalabas nila ng kanyang silid, dumiretso sila sa katapat na pinto. Nang nasa tapat na sila nito ay may napansin siyang bilog na button sa kanang bahagi at sa tabi ni ito ay numero. Nang pindutin iyon ni Brenda, namilog ang kanyang mga mata nang bumukas iyon at bumungad sa kanila ang isang elevator. “Wow! May elevator pa!” bulalas ni Johnson. Umirap si Brenda saka pumasok. Namamanghang pumasok na rin si Johnson habang pinagmamasdan ang magarang disenyo sa loob nito. At nang magsara na ang pinto at pinindot ni Brenda ang numerong isa, napatingin bigla si Johnson sa kanya. “Teka nga, kung may elevator naman pala, bakit naghagdan pa tayo kanina?” takang tanong ni Johnson. Nagkibit-balikat si Brenda, “sa totoo lang, hindi ko rin sure.” Napailing na lamang si Johnson at saka hindi na muling sumagot pa. Hindi na siya makapaghintay na kumain ng masarap. Matagal na mula noong huling nakatikim siya ng pagkaing hindi lang nagpabusog sa kanya, kundi nagpasarap din sa kanyang panlasa. Ilang saglit lang ay bumukas na ang elevator at nasa ibabang palapag na sila. Si Brenda ulit ang naunang lumabas at saka sumunod si Johnson. Kung kanina ay maraming tao, ngayon ay tatlong babae na lamang na naglilinis ng sahig. Binati pa sila nito na talaga nga namang ikinatuwa niya. Never niya pa kasing na-experience iyong ganito, feel na feel niya talagang siya na ang susunod na hari. Ilang lakad lang ay bumungad na sa kanila ang napakahabang babasagin at malinaw na lamesa. Halos malula siya sa haba nito, hindi yata makakausap ang nasa kabilang dulo kapag nag-usap! “Maupo ka na,” ani Brenda. “Ipaghahanda ka ng pagkain ng mga kusinera.” Marahan siyang tumango. Excited siya! Iyong mga nakikita niya kasi sa pelikula ay hinahainan ng buong isang litsong manok, mga prutas at marami pang masasarap na pagkain. Ngayon pa lang ay kumulo na ang kanyang tiyan na ikinagulat ni Brenda. “Kumulo talaga ang tiyan mo?” Ngumiwi si Johnson. “Ah, b-baka?” Hindi niya rin kasi sure, paano nga kukulo ang tiyan niya kung diwa niya lang ang narito sa mundo nila. Hindi niya pa rin masyadong maintindihan, kung paano siya nakakagalaw rito sa mundong ito kung diwa niya lang ang narito. Iiling-iling na naupo rin si Brenda sa katapat na silya ni Johnson. “Mukhang may nakadiskubre na yata ng natutulog mong katawan.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD