Kabanata 40: Hindi makapaniwala si Brenda na nakita pa ni Archer ang maliit na butas sa ‘di kalayuan. Hindi niya na nga iyon napansin pero nakita pa rin talaga nito. “Alam mo noong mga bata pa lang tayo, matalas na talaga ang paningin ko,” natatawang ani pa ni Archer habang sinusubukang gumapang na parang uod papunta sa butas na iyon. “Halos makalimutan ko na,” sagot naman ni Brenda. Ang plano nila ay simple lang, sisilipin ni Archer ang butas na nakita niya para malaman kung ano ang nasa labas. Pagkatapos ay gagawa sila ng paraan para makalabas doon. Simple, pero mukhang nagkamali yata sila, hindi yata basta-basta madaling lumabas. Matapos ng ilang pag-gapang na parang uod ay nakarating din si Archer sa kinaroroonan ng butas, marahan niyang ipinikit ang kabilang mata para sumilip do