Kabanata 10:

1140 Words
Kabanata 10: Nakapagtataka. Naguluhan si Johnson. Sino ba namang hindi maguguluhan kung ang sagot sa tanong mo ay secret walang clue? Lalo pa’t curious ka, mas lalo ka lang maku-curious! “Bakit ba kailangan pang i-secret? Bakit hindi mo na lang sabihin sa akin?” mahaba ang ngusong tanong ni Johnson. Kasalukuyan silang nakaupo sa tabing ilog, nagbabasa ng mga paa habang nagkukwentuhan. “Malalaman mo rin naman, bakit kailangan ko pang sabihin?” “Kung malalaman ko rin pala, bakit kailangan mo pang i-secret?” Bumuga ng buntonghininga si Brenda. “Kasi nga. . .” “Ano?” “Secret walang clue.” Mas lalong humaba ang nguso ni Johnson. Hindi niya na lang pinatulan. Gustuhin man niyang patulan at piliting paaminin si Brenda, baka mamaya kung saan pa mauwi ang pag-uusap nila. “Sayang ano? Sana nakapaglibot pa tayo sa ibang panahon.” “Pwede naman, next time ulit,” sagot ni Brenda saka siya nilingon at ngumiti. “Sa bagay, balikan natin ‘yong kweba.” Tumango-tango siya saka tumingin sa malayo. Kanina habang nasa simbahan sila, nakaramdam siya ng ginhawa. Nawala ang agam-agam niyang baka hindi na sila makabalik pa sa gubat. Kaya siguro bigla na lang silang nakabalik nang walang ginagawa. “Kailan mo unang na-discover itong astral world?” biglang tanong ni Johnson. Nagkibit-balikat si Brenda. “Mula pagkabata.” “Ha? Totoo?” Marahang tumango si Brenda, kumuha ng tubig sa ilog saka iwinisik sa kanyang mukha. “Hoy!” Bago niya pa mahabol si Brenda, tumayo na ito at mabilis na tumakbo. “Bumalik ka na! Ma-le-late ka na sa trabaho mo!” At kagaya nga ng madalas na mangyari sa kanya, sa kanyang pagkurap ay nagising na siya sa kinahihigaan niyang papag. Ngayon ay punong-puno na ng tanong ang utak ni Johnson. Nagsisimula na siyang mahiwagaan sa totoong katauhan ni Brenda. . . Kaya nitong magpalit ng damit kahit hindi niya napapansin at nakakapunta na siya sa astral world mula pa noong bata siya. Ano nga ba ang bumabalot na misteryo sa pagkatao nito? Hindi niya alam, at gusto niyang alamin. Sa sumunod na mga araw kung kailan gustong gusto niyang bumalik sa astral world, hindi niya na naman magawa. Sabik na sabik pa naman siyang bumalik dahil kating-kati na siyang malaman kung ano ang tungkol kay Brenda. Marami-rami na nga siyang nabuong tanong e. Naku-curious na talaga siya sa pagkatao nito. At ngayon, naisip na niyang itanong pati kung paano nga ba makababalik sa astral world? Hindi niya pa rin alam ang totoong paraan. Hindi niya magawa iyong mga nabasa niya sa internet. “O, ito ang atm card mo.” Inabot ng boss niya ang card ng bank kung saan na nito ilalagay ang sahod niya. “Mula ngayon, d’yan ko na ide-deposito ang sahod mo. Kung may cellphone ka, pwede mong makita ang maintaining balance mo sa app.” “Pero s-sir. . . wala po akong cellphone. . .” Napakamot ito sa ulo. “Nakakainis ka naman. Ikaw na lang ang empleyado kong walang atm dahil ayaw mo. Lagi tuloy’ng delayed ang sahod mo. Pwede bang ikaw naman ang mag-adjust ngayon, Johnson?” Napayuko siya at saka tiningnan ang atm card. “S-sige po, boss. Pasensya na.” Tinapik nito ang balikat niya. “Kung ano man ang bisyo mo, itigil mo na ‘yan. Para naman gumanda-ganda na ang buhay mo.” Imbes na sumagot at ipaglaban ang side niya ay tumango na lang siya bilang tugon. Doon na umalis ang boss niya. Ayaw niya na lang mag-talk. Ayaw niya nang ipaliwanag ang sarili niya dahil alam niyang hindi rin naman siya paniniwalaan. Kung paniwalaan man, ayaw niyang kaawaan siya ng iba. Ayaw niyang maging paawa sa ibang tao. Matatapos niya ang kanyang problema nang siya lang at walang ibang tumutulong. Matapos ang trabaho, dumiretso siya sa ATM para mag-withdraw ng pang-kalahating buwang sahod. Ginawa nang kinsenas at katapusan ang sahod niya ngayong may ATM na. Noong nakaraan pa sinabi iyon sa kanya kaya nagtiis siya ng limang araw na puro de lata ang kinakain. Kaya ang payat-payat niya e. Sino bang hindi mangangayayat sa lagay niya? Nang nasa tapat na siya ng ATM, sinuksok niya ang card gaya ng nakasulat sa screen. Nanginginig ang kamay niya habang pinipindot ang pin niya dahil first time niyang mag-wi-withdraw. Nang mapindot niya na ang pin, may mga lumabas sa screen. Nanginginig ang daliri niyang pinindot ang savings saka withdraw. “Ano ba ‘yan! Ang tagal naman!” reklamo ng matandang babaeng kasunod niya. Mas lalo tuloy siyang nataranta! Imbes na continue ay cancel ang napindot niya. Gusto niyang mapamura sa inis. Kinuha niya ang card saka ini-cancel ang transaction. Nagmamadali siyang umalis sa ATM at naghanap ng ibang ATM na walang masyadong tao. Ang hirap pala kapag first time mong mag-withdraw! Kabado bente ang eksena! Nakahanap naman siya ng ATM na pwede niyang pag-withdraw-han. Tinungo niya iyon, at nang nasa tapat na siya’y luminga pa sa paligid para siguruhing walang nakatingin. Nakakahiya kasi kung sakaling may makakita sa posibleng katangahang gagawin niya. Muli niyang isinuksok ang card, naghintay saka pinindot ang balance para malaman kung magkano ang laman kahit alam naman na niya kung magkano. Pagkatapos ay saka na siya nag-withdraw ng kalahati. Hinihintay na lang sana niya ang paglabas ng pera nang. . . “First time mo?” “Ay palaka ka!” gulat na sambit ni Johnson. Isang magandang babaeng may mahabang buhok ang ngayon ay nasa tabi niya. “A-anong first time?” “First time mag-withdraw.” “M-magwithdraw?!” marahas na napalunok siya sa narinig. “Uy! Ang green minded, tulungan na kita.” Tila nahipnotismo siya sa angking ganda ng dalaga. Siya naman ‘tong parang tangang ipinasok ang kalahati ng pera niya sa belt bag niya at muling nag-withdraw kagaya ng itinuturo ng babae. Sabik talaga itong si Johnson sa magandang babae. Palibhasa’y ilang taon na mula noong nagkaroon siya ng girlfriend. Mula noong naghiwalay sila ng ex niya, hindi na siya umulit pa. Kung magastos ang mamuhay ng mag-isa, mas magastos ang magkaroon ng girlfriend. Materialistic ang ex niyang iyon, at inaamin niyang natatanga siya sa pag-ibig kaya nauubusan din siya. Nang ma-realize niyang mali ang nangyari, hindi na muna siya nag-girlfriend. Si Shannah na crush niya talaga noon ay ang nag-iisang babae na lang sa kanyang puso. “Ganoon lang kasimple, ang dali ‘di ba?” Napakurap siya nang sabihin iyon ng babae. “O-oo.” “Oh sige na, alis na ako. Bye!” Sinundan pa ni Johnson ng tingin ang babae at nang mawala na ito sa kanyang paningin. Kinapa niya ang kanyang bag para sana kunin ang wallet niya. Ngunit sa pagkapa niya, doon na siya nakahalata. . . Iyong perang pangalawang beses niyang ini-withdraw, tinangay no’ng babaeng nagpa-cute sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD