two hearts doubting

1041 Words
Tinanghli na ako ng gising dahil hinihintay ko talaga si kuya alistair na dumating kagabi, Pero napuyat lang ako hindi ko nakita kahit anino niya', Hindi ko na naisipan magpalit kahit magbanyo man lang muna nung maalala ko siya, Nagmadali ako lumabas ng kuwarto para puntuhan siya sa ikatlong kuwarto pra malaman kung nakauwe na siya, Pero pagbukas ko ng pinto nanlumo ako kasi ang ayos ng kama niya', Ibigig sabihin hindi siya dito natulog kagabi, Nanlulumo ako bumaba nakita ko si daddy at mommy na nasa sala, Hindi nila ako napansin dahil busy sila sa isang bagay na hindi ko makita dahil nakatalikod sila sa akin, Naupo ako sa harapan nila na hindi pa din nila ako tinitignan, Unang tumingin sa akin si mommy evelyn, Nagulat siya sa itsura ko, Magsasalita Sana siya ng biglang pumasok si kuya alistair na galing sa labas, Kaya nawala sa akin ang atensyon niya', "iho' anak why didn't you come home last night and where did you sleep?" Tanong agad ni mommy evelyn sa kanya, Humalik muna siya sa pisngi ng mommy niya bago niya ito sinagot, "A friend of mine just had a party' it was too late so I just slept with them mommy" Sagot niya sa mababang boses, "ok have you eaten yet? go with zella to eat first' she's still not eating" Sabi sa kanya ni mommy evelyn sabay lingon ni kuya alistair, Parang hindi siya nakatulog dahil ang lalim ng eyebag niya', Nahiya naman ako bigla nang tignan niya ang kabuuan ko, nakita ko ang galit sa mata niya', Bakkit parang galit siya sa akin? Sa akin naman bumaling si mommy evelyn, "iha change your clothes" Napatingin ako sa damit ko, nanlaki at namula ang mukha ko, Naka white spaghetti night dress lang pala ako' Wala pala akong suot na bra, Napatayo ako sa harapan nila at Nagmamadali na umakyat sa loob ng kwarto ko, Pagkaligo ko bumaba na din ako agad, wala na si mommy at daddy sa sala, Nakita ko si kuya alistair na nakaupo sa dulong upuan habang nakapikit, Umupo din ako pero medyo malayo sa kanya, Pinagmasdan ko siya tinitignan ko kung natutulog ba siya, Nag aalangan kasi ako gisingin siya para ayain ng kumain, "don't look at me like that, you only make me more miserable" Nagulat ako sa biglang pagsalita niya, "Kuya Kain na tayo" Sabi ko sa kanya, Nagmulat siya ng mata ng hindi tumitingin sa akin, Hindi din nagbago ang posisyon niya kung paano ko siya nadatnan na nakasandal ang ulo sa pader habang nakaupo, Parang ang laki ng problema niya, parang ang bigat ng dinadala niya', Bulong ko sa isip ko, "Zella is all this really okay with you?" Bigla niya ulit salita, Hindi ko maintindihan kung ano ang ibig niyang sabihin, "Will you just follow everything your daddy wants? Parang naintindihan ko na siya kung ano ang ibig niyang sabihin, Hindi ako makasagot sa kanya, hindi pa din siya tumitingin sa akin, Nung hindi pa din ako sumasagot tumayo na siyang bigla para umakyat, "Kuya...?" Tawag ko sa kanya na kinahinto niya bago umakyat, Pero saglit lang tuluyan na din niya akong iniwan sa sala, Bakit ganon ang mga tanong sa akin ni kuya alistair, Kuya kung sasabihin mo lang na Mahal mo ako' sa unang pagkakataon kaya kong suwayin si daddy para sa iyo, Iyon ang mga katagang gusto kong isagot sa kanya, Nawalan na ako ng gana kumain kaya bumalik ako sa kuwarto ko na malungkot, hindi pa ko nagtatagal sa pagkakahiga nung may kumatok sa pintuan ng kuwarto ko, Si mommy evelyn, "iha' bumaba kana muna' nasa baba na sila Liam Kasama mga magulang niya'" Nakangiti niyang sabi sa akin, Sumabay na ako Kay mommy evelyn pababa, Pero bago ako bumaba tumingin muna ako sa nakasarang pintuan ni kuya alistair, Nakita ko si daddy na kausap sila tito Arnulfo at tita claudia napatingin naman sa gawi ko si Liam, Nakangiti itong tumayo para salubungin ako, Gumwapo siya lalo at lalong gumanda ang katawan at kutis niya, Ang linis linis niyang tignan, hindi sila nagkakalayo ni kuya alistair kung kagwapuhan ang pag uusapan, Pero para sa akin mas gwapo si kuya, Hinalikan niya ako sa pisngi na kinagulat ko, "How are you? you look even more better" Nakangiti niyang papuri sa akin, "Thank you' Tipid na sagot ko sa kanya ng nakangiti, Pinaupo niya ako sa tabi niya', Hindi ko gaano nabibigyan pansin ang mga pinag usapan nila, Dahil nasa taas minsan ang tingin ko, Para bang hinihintay ko si kuya na bumaba para patigilin ang pag uusap na iyon, Perro hanggang sa natapos Ang kanilang pag uusap walang kuya alistair akong nakita, Hindi ko din alam Kung ano na ang napag usapan nila basta sumasang ayon na lang ako sa lahat ng sabihin nila, "We are leaving matatapos na din ang matagal na paghihintay ko" Nakangiting paalam ni Liam sa akin, Nakangiti niyang sabi sa akin bago tumalikod, Nalaman ko kila mommy na next week na ang kasal namin ni Liam, iyon daw ang kagustuhan ng mga magulang nito, dahil babalik daw sa ibang bansa ang magulang ni Liam pagkatapos ng kasal, Sinabi din ni daddy na pagkatapos ng kasal dito pa din daw kami titira ni Liam sa bahay, iyon daw ang kondisyon na hiningi ni daddy na hindi naman tinanggihan ni Liam, Kahit papaano natuwa ako sa bagay na iyon dahil ayuko umalis at lumayo dito, Pero tama ba na dito pa din ako pag oras na kinasal na kamin ni Liam, Napaisip ako ng malalim parang lalo akong masasaktan, Dahil makikita ko palagi si Kuya alistair habang may Kasama naman ako na ibang lalaki dito sa bahay, Naalala ko bigla yung tanong niya sa akin, Tama ba na lagi kong susundin si daddy sa lahat ng mangyayari sa akin, Pero Kung hindi ko gagawin ito paano naman si daddy? hindi ko kaya makita na nalulungkot at nahihirapan siya, Sorry kuya alistair kung nag kakilala lang tayo sa ibang paraan siguro mag kakalakas ako ng loob na sabihin sa iyo na Mahal Kita, Kaya lang maraming tao ang masasaktan pag ginawa ko iyon, Pero kung sasabihin mo na Mahal mo ako baka magkaroon ako ng lakas ng loob na salungatin ang lahat ng ito..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD