Despair

1204 Words
Napabaling ang atensyon ko sa niluluto ko dahil kumulo na ito, Si Nanang na ang nagtimpla baka kasi mapaalat pa ang pagtimpla ko, Habang nag aayos kami sa mesa merun kami narinig na nagsalita, "Nanang wala po sa kuwarto niya si ze.." Naudlot ang sasabihin ni kuya alistair nung makita niya ako sa harap ng lababo at lumapit na ngumiti, "Bakit nandito ka? sobra ba talaga pagkainip mo at pati si Nanang iniistorbo mo?" Nakangiti niyang tanong sa akin, nginusuan ko siya at humarap sa kanya, Ayaw mo kasi ako isama kuya e'" "Kung Puwede nga lang e' sumaglit nga lang ako para makasabay ka sa pagkain" Sagot niya sa akin, nawala ang atensyon namin sa isa't isa nung tinawag na kami ni Nanang para kumain, "Mamaya na yang lambingan ninyo at kumain na kayo dito" Sabi ni Nanang na tapos na iayos ang mga pagkain sa mesa, Hinila ko na sa braso si kuya para maupo, Pupunta Sana ako sa kabilang upuan para pumwesto sa harapan niya', Pero hinila niya ako patabi sa kanya, Napatingin na lang ako saglit sa kanya at umupo sa tabi niya', Ang totoo kasi kahit kailan hindi ko pa siya nakakatabi sa mesa sa pagkain, Lalo na kung kasabay namin si daddy at mommy, Kaya nasanay ako na sa tuwing ganitong pagkakataon lagi lang ako nakapwesto sa harapan niya', Habang lihim na pinag mamasdan ang mukha niya', Habang kumakain nakita ko na tinikman muna ni kuya yung sabaw ng tinola, Kinabahan ako para sa magiging reaksyon niya', "Nanang parang nag iba po ata ang panlasa ninyo sa pagluluto" Sabi niya na kinalingon ko kay Nanang na abala sa ref, Lumingon ito sa amin saglit, "Hindi ako nagluto niyan iho' si Zella" Napatingin ako ng lihim kay kuya habang abala kunwari sa kinakain ko, Nakita ko ang saglit na pagkunot ng noo niya', "Nag aaral ka naba magluto dahil sa mapapangasawa mo?" Nagulat ako sa sinabi niya' kaya nilingon ko na siya, Parang ang sama ng tingin niya sa tinolang manok na niluto ko, "Hindi naman kuya naisipan ko lang talaga magluto" Sagot ko sa kanya, Narinig ko ang pagbuntong hininga niya', Hindi na siya kumibo, tahimik kaming kumakain, Pag katapos kumain nag paalam na siya na babalik ng office, Ganoon ang nangyari sa amin sa loob ng isang linggo pag hindi niya ako sinasama sa office, Umuuwi siya dito para makasabay ako sa pagkain, Pag wala naman siya gaanong importante gagawin, Siya na mismo ang nag aaya sa akin kung gusto ko daw ba sumama sa kanya, Sanay na naman yung mga tao sa office na lagi ako nanduon, Kasi kung hindi si daddy Ang kinukulit ko si kuya alistair, Pero yung isang linggo na kasiyahan na iyon ay may kapalit pala, Pauwe na kasi sila mommy at daddy galing sa bakasyon, Sakto din na walang pasok si kuya alistair sa office kaya nasa bahay siya nung araw din na yun, Nasa kuwarto ako nung sumilip si kuya alistair at sinabing nasa baba sila mommy, Agad akong tumayo buhat sa pagbabasa at Sumabay na pababa sa kanya, Pagkakita ko kay daddy agad akong yumakap dito, "how is my princess while we are not here?" "Good girl ako daddy" Buong lambing ko na sagot sa kanya, Bumitaw ako kay daddy at humalik sa pisngi sa mommy ni kuya alistair na laging Nakangiti, "Ikaw naman darling masyado mo naman bine baby ang dalaga natin e ilang araw na lang ikakasal na siya diba" Yung tuwa na pagkasabik ko na makita sila ay unti unti naglaho, Nakalimutan ko ang tungkol sa bagay na iyon, Napatingin ako kay kuya alistair na iniwas ang tingin sa akin na naninigas ang panga, Hindi din nakaligtas sa paningin ko ang pagkuyom niya sa palad niya', "Kaya nilulubos ko na ang pag baby sa kanya dahil baka hindi ko na iyon magawa dahil siguradong mahahati na ang atensyon niya sa akin at sa mapapangasawa niya', Sagot naman ni daddy Kay mommy, Napatingin ako kay kuya alistair na biglang tumalikod sa amin at lumabas ng pinto, Hindi ito napansin nila daddy dahil nasa akin ang atensyon nila, Pero ako' ang atensyon ko ay nasa papalayong si kuya alistair, Lumabas siya ng pintuan at narinig ko ang pag andar ng sasakyan niya', Narinig din pala iyon ng mommy niya', ."Saan pupunta yung bata na iyon? bakit hindi nagpaalam" Wala sa loob na tanong ni mommy, Habang tatlo kami sa sala binigay nila daddy Ang pasalubong nila galing sa pagbabakasyon nila, Pero wala duon ang isip ko, iniisip ko Saan pupunta si kuya alistair, Nagulat pa ako sa biglang pagsalita ni mommy, "iha bukas pupunta na dito sila Liam Kasama ang mga magulang nila" Hindi ako sumagot, Napatingin ako kay daddy na abala sa phone niya', "Daddy kailangan po ba talaga mangyari iyon? I mean kasi po hindi ko po Mahal si Liam" Kinakabahan na tanong ko sa kanya kasi ngayun lang ako naglakas ng loob na magsalita o parang hindi sasang ayunan kung ano ang gusto niya' para sa akin, Dahil lahat ng gusto niya ay sinusunod ko. Naging mabuti akong anak sa kanya, Naging mabuti din naman na ama siya sa akin, Pero sa pagkakataon na ito hindi ko alam kung tama pa din na si daddy pa din ang masusunod tungkol sa malaking desisyon na magpababago ng buhay ko, "Zella iha' akala ko ba nagkakaintindihan na tayo?" Sagot niya sa akin habang hawak ang phone na hindi ako tinitignan, "Kasi daddy bata pa lang ako nung huli ko makita si Liam kaya wala akong idea sa ugali niya'" Sagot ko ulit Kay daddy, "Mabuting bata si Liam iha' kahit hindi mo siya nakikita o nakakasama, ilang taon lagi naman ako nakakabalita ng tungkol sa kanya" Sagot ulit niya', " Wala din ako nabalitaan na may babae na naugnay sa kanya habang nasa ibang bansa sila" Paliwanag pa din ni daddy, Sa pag kakataon na ito tumingin na sa akin si daddy habang may sinabi na importante tungkol sa matagal ng usapin ng pagpapakasal ko kay Liam, "Anak iha' Sana maintindihan mo hindi lang ito simpleng kasal ninyo ni Liam'" Sangkot din dito ang family business natin" Pag uumpisa ni daddy sa pagtatapat ng dahilan kung bakit kailangan ko pakasalan si Liam, "iha ang Pamilya ni Liam ang may pinakamalaking shares ngayon sa company na matagal ko ng pinaghirapan" Nakita ko ang labis na lungkot sa mukha ni daddy, "Matagal ng nagkaroon ng problema ang kumpanya bago ko pa makilala si mommy evelyn mo" "Akala ko kakayanin ko pero nabigo ako hangang sa tinangap ko na ang tulong ng ama ni Liam pero anak ang hinihingi lang niya na kapalit ay sumunod tayo sa pinag usapan" "Palabra de honor Anak ang gusto mangyari ng ama ni Liam" Hindi ko alam kung kokontra pa ako habang pinapaliwanag ni daddy ang lahat, Ayoko siya nakikita na nahihirapan, "Malaki din ang pasalamat ko kay alistair dahil nagawa niyang bawiin ang ilang porsyento na hawak ng ating kumpanya" "Pero anak hindi pa din sapat iyon" Sabi pa din niya, Wala na nga talaga ako magagawa pero paano ang ang tunay na gusto ng puso ko.. Paano si Alistair kahit na hindi ko alam kung may nararamdaman din siya para sa akin..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD