Zella's heart

1141 Words
"Kuya sama ako sa yo" Pangungulit ko sa kanya' dahil bata pa ako lang lagi na talaga ako nakabuntot sa kanya, Stepbrother ko siya, ang mommy niya ang napa ngasawa ng daddy ko, Matagal na din naman namatay si mommy nung maisipan ni daddy na mag asawa, 16 ata ako nung mag umpisa ko maramdaman ito, at siya naman ay 23 ngayun 23 na ako at siya naman ay 28 na' Sa loob ng ilang taon na iyon nananatili pa din ako na may lihim na pagtingin sa kanya, "Ano ba gagawin mo duon?" Tanong niya sa akin habang inaayos niya ang kurbata niya, Nag tatrabaho kasi siya sa company ni daddy, Naupo ako sa kama niya habang nakatingin sa kanya na nakaharap naman siya sa malaking salamin na kung saan ay tanaw din ako, "Kuya naman e' lagi naman ako sumasama sa iyo duon pag wala ako ginagawa dito" Pagmamaktol ko na sabi sa kanya, "Pero hindi kita maasikaso ngayun dahil may mahalagang meeting na kailangan kaming tapusin" Napanguso ako' Pagkatapos niyang mag ayos hinatak na niya ako palabas ng kwarto niya habang nakaakbay sa akin, "Dito ka na lang hintayin mo na lang ako" Pangu-gumbinsi pa din niya sa akin, "Wala naman kasi ako gagawin dito kuya" Pangungulit ko pa din sa kanya, Wala kasi si mommy at daddy dito nakabakasyon sila para sa wedding anniversary nila, "Tatawag na lang ako pag may pagkakataon kaya dito ka lang" Sabi pa din niya kaya wala na ako nagawa, Hangang sa makasakay siya ng sasakyan niya nakatanaw pa din ako sa kanya.. Bumalik ako sa kwarto ko para mahiga, Dahil walang magawa kinuha ko ang photo album ko na iniingatan ko, Nandon lahat ng memories namin ni Kuya alistair, Binukod ko talaga lahat ng iyon sa mga picture namin na Kasama sila mommy at daddy, habang nililipat ko ang bawat pahina napapangiti ako, Nahinto ako sa isang pahina kung saan picture ko nung 18th birthday ko, Siya ang huling sayaw ko nun para sa 18th roses ko, Hindi din naman siya pumayag na hindi siya ang magiging huling sayaw ko, Iyon yun picture namin na nakatitig siya sa akin at ganun din ako sa kanya, May pagkakataon na minsan nahuhuli ko siya na tinititigan ako, Kung pwede nga lang mag isip na may gusto siya sa akin, Sana nuon pa ako umasa' kaya lang hindi pwede umasa dahil hindi naman siya nawawalan ng girlfriend, Pero nung minsan magkaka sabay kami kumain nabanggit ni daddy ang tungkol sa nalalapit ko na pag aasawa, **FLASHBACK** "Zella anak sa next week ay uuwe na sila Liam para mapag usapan na ang tungkol sa kasal ninyo" Nagulat ako duon dahil wala pa iyon sa isip ko, "Daddy wala pa ako balak mag asawa" Sabi ko sa kanya, "Zella alam mo naman na bata kapa lang ay nakatakda na iyan para sa iyo" Hindi ako nakakibo dahil alam ko ang bagay na iyon, Dahil wala pa sila alistair dito ay napag usapan na talaga iyon nila daddy, Bigla ako napatingin kay alistair na nasa harapan ko lang din habang kumakain, Hindi ko alam kung dinadaya lang ako ng mata ko, Dahil gulat at galit ang nakita ko duon, pero bigla na siyang yumuko para tumingin sa kinakain niya', "Next week na ang uwi nila kaya siguradong pag uwi din namin galing bakasyon ng mommy mo ay maiaayos na namin agad iyon" Pagtatapos ni daddy sa sinabi niya', ****END OF LASBACK**** Nakatitig pa din ako sa picture namin nung biglang tumunog ang phone ko, Si Kuya alistair ang tamatawag, Nakangiti akong sinagot ito, "Kumain ka naba?" Tanong niya sa akin sa kabilang linya, "Hindi pa kuya' mamaya na lang" Sagot ko sa kanya, habang hinahaplos ang picture namin na hawak ko, "Pagkatapos nitong meeting ko sasaglit ako diyan para sabay na tayo kumain" Kinilig ako sa sinabi niya', Yun ang huling sinabi niya pagka off niya nung phone niya', Tinabi ko ang lahat ng photo album namin at nagmadali ako bumaba ng kusina, Ako ang mag luluto ng kakainin namin, Pagkababa ko nakita ko si Nanang na nasa kusina, "Nanang ano po lulutuin mo para mamaya sa pagkain natin?" "Tinolang manok iha' bakit gutom ka naba?" . Nginitian ko siya, "Puwede po ba ninyo ako turuan magluto?" ako na lang po ang magluluto" Swbi ko sa kanya, nagulat siya sa sinabi ko, Pero wala din siya nagawa kundi turuan ako, Habang tinuturuan ako ni Nanang sa pagluluto si Alistair ang nasa isip ko, Gusto ko mangyari na habang pauwi siya galing trabaho pinagluluto ko siya ng tulad nito, habang hinihintay ko kumulo ang ang tinola tumabi ako kay Nanang, Tinulungan ko na din siya mag himay ng mga gulay na lulutuin naman niya para sa hapunan, . "Nanang bakit po hindi kana nag asawa?" Tanong ko sa kanya dahil alam ko na wala siyang asawa, dahil halos siya na ang nag alaga sa akin mula pagkabata, Tumingin siya sa akin ng Nakangiti, "ilang beses mo ng tinatanong sa akin iyan iha'" Sagot niya sa akin kasi naman tuwing tatanungin ko siya nginingitian lang niya ako, "Gusto po kasi malaman Nanang" Napansin ko na napahinto siya sa paghimay ng gulay, Ang tagal niya bago siya sumagot, talagang pinag isipan niya kung dapat ba niyang sabihin, "Nagmahal din ako iha' Panimula na sabi niya' Naramdaman ko ang lungkot sa boses niya, "Kaya lang mali ang lalaking minahal ko" Nagulat ako sa sinabi ni Nanang, Ang tagal ulit niya tumahimik, Pero dahil gusto ko talaga malaman kung bakit hindi siya nag asawa tinanong ko ulit siya, "Nanang Paanong Mali? e' nagmahal ka lang naman Diba?" Tanong ko sa kanya, Napatingin siya sa akin saglit, ."Mali kasi ang lalaking minahal ko iha' pinsan ko siya" Mas lalo ako nagulat sa sunod na sinagot niya', Hindi ko alam Kung paano ako mag rereact sa sinabi niya', Pero nagsalita ulit siya.. "Nung mga panahon na iyon alam ko na pinsan ko siya pero nanatili na minahal ko siya, pero hindi niya alam ang tungkol sa bagay na iyon" "Bakit hindi po ninyo sinubukan magmahal ng iba nanang nung mga panahon na iyon?" Tanong ko sa kanya, Umiling siya at nagsalita, "Maraming beses ko sinubukan anak pero siya talaga ang mahal ko" "Hangang sa nag asawa na siya lalo ako nasaktan dahilan na din para hindi ko na dayain ang Sarili ko na ipilit sa iba ang puso ko" Ang lalim ng sagot niya', hindi ko maintindihan' Kasi para sa akin Kung talagang mahal mo siya at hindi kayo ang para sa isa't isa subukan mo mag Mahal ng iba, pero napaisip din ako sa naging pananaw ko sa sitwasyon ni Nanang, kung talagang Mahal ko si Kuya alistair palalayain ko ba tlaga siya kasi hindi naman talaga kami ang para sa isa't isa? kaya ko ba yun.. Malungkot na tanong ko sa isip ko,
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD