Naptitig ako sa mukha ni Kuya Alistair Habang parehas na may tubig na dumadaloy sa amin.
"Zella inantay kita kagabe, kahit man lang sana ang makasama ka kahit saglit ay sapat na sa akin"
Nasa himig ng kanyang boses ang tila pagtatampo, Naibaba kong bigla ang aking paningin dahil hinde ko alam kung ano ang dapat ko na isagot sa tanong niya. Dahil hinde ko alam kung tama pa rin na mahalin ko siya dahil may isang Liam na patuloy na umaasa na mamahalin ko rin.
Nakita ko na binitiwan niya ang hose na hawak niya at kinuha naman ito ni lemuel na tuwang-tuwang na naglalaro na. Naramdaman ko na inangat nang kanyang isang kamay ang baba ko para mapatingala sa kanya, Kaya muling nagtama ang aming mata.
"Zella pakiusap huwag na natin pahirapan ang ating mga sarili, alam ko at nararamdaman ko na mahal mo ako mula nuon hanngang ngayon! Diba sabe ko sayo hinde na ako natatakot sa maaring kakahantungan nang nararamdaman ko sayo. Wala na ako pakialam kahit sino pa ang masagasaan dahil ayoko ng maulit ang nangyare sa akin kung paano ako tumakbo palayo sayo dahil sa maaring maramdaman ng mga tao sa paligid natin! Pero ngayon Zella ipaglalaban kita kahit mali!"
Nakaramdam ako nang kasiyahan sa mga sinabe niya, Pero kasabay din ng kasiyahan na iyon ang takot na nararamdaman ko dahil tulad nga ng sinabe niya maraming tao ang pwede namin masagasaan at masaktan.
"Kuya Alistair...'
Pls!!! huwag mo ako tawagin na Kuya!! Zella, Sa tuwing binabanggit mo ang salita na iyan lalo mo lang pinapaala na hinde kita dapat mahalin!!'
Paghihirap nang kanyang loob habang sinasabe niya sa akin iyon. Dalawang palad na niya ang humawak sa magkabila ko na pisngi habang marahan ito na humahaplos duon, dahil sa kanyang ginagawa napapikit ako.
"Ganyang nga Zella pumikit ka lang muna sa kung ano mang iniisip mo na kakahantungan na alam ko ay parehas natin gusto, Pero alam ko na darating ang araw na maididilat mo na ang mga mata mo na wala ng takot at pag-alinlangan diyan habang nakatingin na sa aking mga mata"
'Mahal kita Alistair mula nang una pa lamang kitang makita, Buong akala ko pagmamahal lang bilang kapatid kasi wala ako na nakamulatan na kapatid pero habang tumatagal unti-unti sinasabe nang puso ko na iba ang uri ng pagmamahal na nararamdaman ko sayo"
Sagot ko naman sa kanya habang nanatili na nakapikit pa rin ako, Dahil sa ngayon parang masasabe ko ang lahat ng aking nararamdaman sa kanya na hinde ko siya titignan sa kanyang mata, Dahil pag tinignan ko siya sa kanyang mata ipapaalala lang nito na mali na sabihin ko sa kanya ang nararamdaman ko at ipaalala din nito na kapatid ko pa rin siya.
Natutuwa ako na marinig sayo ang mga iyan Zella, Sa ngayon tatangapin ko na sinasabe mo ang lahat ng iyan na hinde ako tinitignan sa aking mga mata, Pero hihihtayin ko ang araw na masasabi mo ang lahat ng gusto mong sabihin sa akin na pareho na tayong nakatingin sa ating mga mata Zella"
Hinde na ako tumugon sa sinabe niya dahi naramdaman ko na lumapat ang labi niya sa labi ko, Kaagad ko naman itong tinugon habang nanatili pa rin na hawak niya ang magkabila na pisngi ko. Pero naramdaman ko naman na kaagad din na humiwalay ang labi niya sa labi ko kaya napadilat na ako,
"Pasalamat ka nandito si Lemuel"
Nakangiti niyang sabi sa akin, Nabaling naman ako kay Lemuel na abala pa rin sa paglalaro sa Hose na hawak pa rin niya. Nagulat pa ako dahil bigla sa aming dalawa ni Kuya Alistair itinutok ni lemuel ang hose na hawak niya, Kaya natatawa na yumakap sa likod ko si Kuya Alistair na kunwari ay nagtatago sa likod ko para ako lang ang mabasa,
Tuwang-tuwa naman ang anak namin sa ginagawa ni Kuya Alistair, Kaya pilit niya itong binabasa sa likod ko, Pero nanatili na nakayakap sa akin si Kuya Alistair habang pilit din niyang iniiwasan si Lemuel at ang hawak nitong hose na may dumadaloy na tubig.
"Ang daya mo naman Tito Alistair Why are you hiding?"
Tanong ni Lemuel Habang nakanguso na hinde ko alam kung naiinis ba siya o natutuwa"
"Ok sige ikaw naman ang magtago kay mommy at ako naman ang taya, Ok ba iyon Baby boy?"
Sagot naman sa kanya ni Kuya Alistair, Kaya umalis na ang pagkapulupot ng braso niya sa bewang ko.
"I love you Zella! Pianasaya mo ako"
Pasimpleng bulong niya muna sa tenga ako; At pasimple din na dinampian ito nang kanyang labi. Nagpunta na siya kay lemuel at kinuha na niya ang hose na hawak nito.
"Ok Baby boy' Go to your Mommy!"
Tuwang-tuwa na nagtatalaon habang lumalapit si Lemuel sa akin at siya naman ngayon ang nasa likuran ko, Na Katulad kanina nagtatago sa likuran ko si lemuel habang pilit siyang binabasa ng tubig ni Kuya Alistair. At sa huli niyakap na kaming sabay ni Kuya Alistair Habng itinaas na niya Paitaas ang hose para mabasa kami nang sabay-sabay. Habang ginagawa naman niya iyon napatingala naman ako sa kanya. Kaya hinde ko napaghandaan ang sumunod na ginawa niya, Muling dumampi ang labi niya sa labi ko. Pero hinde rin naman nagtagal.
"Pasok na tayo sa Loob ng bahay, Pagluto mo naman ako ng Tinolang Manok naging Paborito ko iyon mula nang una ko matikman ang luto mo"
Nakangiti niyang sabi sa akin, Kaya pumasok na kami sa loob ng bahay para makapagpalit na ng damit. At hinde na naman tumangi si Lemuel dahil masaya naman siya sa nangyari ngayon.
Iniwanan ko na sa sala si Lemuel at nagtungo na ako sa kusina para magluto, Habang si Kuya Alistair naman ay nasa kanyang kwarto.
"Zella samahan mo na lang si Lemuel sa Sala at ako na ang bahala dito"
Narinig ko sa sabi sa akin ni Nanang dahil Nag-uumpisa na pala siyang magluto, Dahil ibinilin ko kanina na ang uulamin ngayon ay Tinolang Manok.
"Ok lang po siya duon Nanang' Gusto ko po ako ang magluto ngayon"
Nakangiti na sagot ko sa kanya, Na bigla naman pasok ni Kuya Alistair na hinde maitago ang kanyang sobrang kagalakan.
"Hi Nanang"
Masayang bait niya kay Nanang na tumalikod para pumunta sa Ref.
"Mukhang masaya si Alistair ahhh!"
Sagot lang sa kanya ni Nanang, Nakita ko naman na papalapit na siya sa akin. Pero labis ako nagulat sa sumunod na naman na ginawa niya dahi bigla na naman lumapat ang labi niya sa labi ko, Pero saglit lang naman. Kaya bigla nabaling ang tingin ko kay Nanang..