Isip o Puso

1062 Words
Laking pasalamat ko naman at hindi nakita ni Manang ang biglang ginawang paghalik ni Kuya Alistair sa akin. "Kuya bakit mo ginawa iyon!?" Bulong ko sa kanya, pero nginitian lang niya ako. At naupo na siya sa bakanteng upuan. Nang siya naman pasok ni Lemuel at kaagad naman na sumampa kay Kuya Alistair para makaupo sa hita niya. "Tito Alistair ulitin natin na maligo tayo sa Rain hah?" "Yes Baby boy" Nakangiti niyang sagot kay lemuel, Inayos ko na ang lamesa dahil hindi na talaga nagpapigil na si Nanang ang magluluto. Habang inaayos ko ang mesa at tinutulungan narin si Nanang sa pagluluto, Natutuwa ako sa naririnig ko na pagbiburuan ni lemuel at Kuya Alistair. "Hay naku kayong dalawa talaga na mag Tito, kung hindi ko lang alam na si Liam ang Tatay ni lemuel, Mapagkakamalan na kayo ang tunay na mag-ama" Dahil sa sinabi ni Nanang bigla ko nabitawan ang babasagin na pitsel na hawak ko. "Anong nangyari sa'yo? Huwag kang gagalaw!" Boses ni Kuya Alistair na nagpagising sa akin sa pagkatulala ko.Yumuko siya sa harapan ko para linisin ang mga bubog na nagkalat sa bandang paanan ko. Pagkatapos niya malinis ang bubog na nagkalat sa sahig, Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat, Kaya nagpantay na ang aming paningin, Mababakas duon ang labis na pag-aalala. "Zella ok ka lang ba?" "Oh'Oo ok na ako. Nadulas kasi sa kamay ko eh" Bigla kong naisagot sa kanya, At kaagad ko na iniwas ang aking paningin sa kanya. Pero nakasalubong ko naman ang pagtataka sa mga tingin ni Nanang sa akin. Na kaagad ko rin naman na iniwasan. Habang kumakain naman, Halos tahimik lang ako. Tila nawalan ako ng gana sa pagkain. Kahit na ang dalawang kasama ko sa harapan ng lamesa ay tila hindi nauubusan ng pinag-uusapan. Pagkatapos namin kumain, Pinauna ko na si Lemuel sa sala dahil tutulong lang ako maglinis sa kusina, Dahil wala si Nanang, Lumabas siya pagkaluto niya ng ulam. Si Kuya Alistair naman ay umakyat na sa kwarto niya, Dahil may importante siyang natanggap na tawag. "Zella ako na diyan' magpahinga kana" Narinig ko na boses ni Nanang, Dahil nasa lababo ako naghuhugas ng aming pinagkainan. "Nanang ako na po' magpahinga na po kayo" "Zella iha' anak' kilala kita mula pagkabata, At mahal kita alam mo iyan diba?" Nabitawan ko ang kutsara na hinuhugasan ko dahil sa boses ni Nanang, At sa sinabi niya sa akin. Unti-unti nararamdaman ko na nag-iinit na ang dalawang sulok ng aking mata. "Zella humarap ka sa akin' at tignan mo ako sa mga mata ko!" Tuluyan na lumabas ang mga luha ko, Pakiramdam ko sukol na ako. Pakiramdam ko may Isang lubid na natanggal mula sa pagkakatali sa puso ko. Dahil alam ko ang isang tali na iyon ay si Nanang ang nakatanggal. Kaya unti-unti ako humarap kay Nanang. "Nanang..." Umiiyak kong bigkas sa pangalan niya. Hindi ko mabasa ang nakabakas sa kanyang mukha. "Zella anak' Tama ako diba?" Bigla ako napayuko dahil sa tanong niya, Kaya nakita ko ang pagbagsakan ng aking mga luha papunta sa sahig. "Bakit ninyo nagawa iyon Zella? Alam ninyong mali diba?" Nanatili ako nakayuko. Dahil nasasaktan ako sa sinasabi niya, Dahil kahit siya ay pinamumukha niya sa akin na mali ang Mahalin ko si Kuya Alistair. "Nanang Mahal ko po si K'kuya Alistair!" "Alam ko iyon iha' Mahal mo siya dahil K'kapatid mo na rin siya!" "H'hindi lang po Isang K'kapatid Nanang! M'mahal ko siya bilang Isang lalaki! pinangarap na makasama ko habang b'buhay!" "Zella naman!!!!" Tumaas na ang boses ni Nanang Dahil sa narinig niyang sagot ko sa kanya. Umangat na ang aking ulo para tignan si Nanang, Nakita ko na umiiyak narin siya. Alam ko nasasaktan siya para sa akin. Dahil para ko narin siyang Ina. "Zella bakit hindi mo pinigilan iyang nararamdaman mo? alam mo naman na marami kayo masasaktan sa paligid ninyo diba?" "Nanang sinubukan ko po! Pero parang unti-unting akong pinapatay pag pinipigilan ko ang nararamdaman ko kay Kuya Alistair!" "Anak naman! Kung inisip mo ang mga magulang ninyo! Kaya mo e! Lalo na ang Daddy mo, Alam mo na siya ang higit na masasaktan diba?" "Opo Nanang! Pero huli na po e!! Nangyari na! Kaya nga po pumayag ako na magpakasal kay Liam para subukan na itama ang pagkakamali ko! Pero hindi ko alam kung bakit si Kuya Alistair parin ang sinisigaw nito!!" Habang hawak ko Ang bahaging dibdib ko kung nasaan ang puso ko. Umiiyak ako habang sinasabi ko ang mga iyon kay Nanang. Nakikita ko narin sa kanya ang labis na pagka-awa para sa akin. "A'alam ba ni Alistair ang tungkol kay Lemuel?" Biglang naitanong ni Nanang sa akin, Umiling lang ako bilang sagot sa tanong niya. "Ang Daddy at Mommy Evelyn mo alam ba nila?" Umiling lang ulit ako, Habang patuloy na umiiyak. "Si Liam alam ba niya ang tungkol kay Lemuel at Alistair?" Habang patuloy na umiiyak, Narinig ko ang huling tanong ni Nanang. Kaya sa huling tanong niya ay napatango naman ako. Nakita kong napapikit siya habang umiiyak parin. "Zella anak! ano ba itong nagawa mo kay Liam! Hindi deserve ni Liam ang ganitong kalagayan niya!" Parang may kutsilyo na tumarak sa dibdib ko nang marinig ko iyon mula kay Nanang. Si Nanang na laging nasa tabi ko, Na nag-alaga sa akin mula pagkabata. Pero ngayon tila pinamumukha na niya sa akin ngayon ang malaking kasalanan na nagawa ko. Kaya napaisip ako bigla paano kung si Daddy at si Mommy Evelyn ngayon ang nasa harapan ko. Habang sinusumbat lahat sa akin ang kamalian na nagawa ko. Hindi ko kakayanin Lalo na pag si Daddy ang nasa sitwasyon ni Nanang. "Alam ko naman po iyon Nanang e! Kaya nga po pinipilit ko na pag-aralan mahalin si Liam bilang ganti man lamang sa sakripisyo niya sa aming mag-ina" Umiiyak ko parin na sagot kay Nanang. Pero nakita ko ang pag-iling iling niya sa akin. "Pinipilit mo nga ba iha? Magagawa mo nga ba Zella' anak! na mahalin si Liam? kung patuloy kang ginugulo ng iyong nakaraan Lalo na't nandito siya ngayon? Ang iyong nakaraan na hindi mo inaalis sa puso mo kaya hindi makapasok diyan si Liam!" Alam ko ang ibig sabihin ni Nanang. Hindi ko na alam ang gagawin ko dahil mula noon hindi naman nawala ang pagmamahal ko kay Kuya Alistair. Pero tama naman siya e hindi deserve ni Liam na nasa ganitong sitwasyon siya..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD