"Why are we here?" nakakunot noong tanong ng dalaga sa binata. Nakatayo sila ngayon sa gitna ng madilim na kagubatan. Ang lamig ng hangin ay umaapaw sa suot na Jacket ng dalaga. "Hindi tayo pwedeng makita ni kahit sinong estudyante o kahit co-teachers ko na magkasama, that's why I brought you here." wika pa ng binata sa dalaga. "Baka hanapin ako doon. Mas mabuti sigurong doon na lang tayo mananatili." akmang hahakbang na sana si Maxine pabalik sa field nang hawakan ni James ang kaliwang kamay nito't siyang dahilan upang mapahinto siya sa paglalakad. "I have something to tell you." Natigilan si Maxine matapos marinig ang sinabi ng binata. Wala siyang kahit na anong clue tungkol sa sasabihin nito kaya walang ibang nagawa ang dalaga but to wait his next words. "Hindi na ako magpapali