NAGISING ang binata na wala sa kaniyang tabi si Maxine. Ngunit masaya naman ito kahit hindi niya kapiling ang dalaga hanggang sa paggising nito, they're sleeping together in the whole night and he's contented with that at sa kabilang banda'y tama din naman ang ginawa ng dalaga na umalis sa tabi ng binata bago ang umaga at sa ganoon ay maiwasan ang mahuli sila ni kahit sinuman. "HINDI ka ata natulog sa tent kagabi?" Tanong ni Jean kay Maxine. Napailing na lamang ang dalaga. Tulog pa ang iba nitong mga kasama sa tent, beside it's still six o'clock in the morning at maginaw pa ang paligid. "Di-dito ako natulog. Nang pumasok ako dito sa tent ay tulog na kayo kaya hindi ko na kayo inabala pa." Palusot pa ni Maxine sa kaibigan. Hindi niya nakasanayang magsinungaling ngunit sa ganitong pakaka