Blangko ang isip ko kahit pa gumagalaw ako para iayos ang connections ng mga gamit namin lalo na sa hawak kong gitara. Hindi mawala-wala sa aking isipan ang tanong kung bakit hanggang ngayon ay 'di pa nagpapakita si Cian dito. Imposible rin naman kasi dahil kung suporta lang sa grupo ang pag-uusapan ay number one supporter iyon. Parang nais kong magsisi, sana pala ay pinuntahan ko na lang siya kaagad sa bahay nila pagkarating ko kanina. 'Please, Baby, magpakita ka na,' lihim na dalangin ko sa aking isipan. Pagkarinig ko sa sigaw ng host na binanggit ang pangalan ng banda ay saka lang ako natauhan. Kanina lang pala ito nagsasalita nang hindi ko napapansin dahil sa lalim ng itinakbo ng aking isipan. Mabuti na lang at narinig ko ang huling sigaw nito hudyat ng aming pagsisimula. Yumuko ako