*** Krista *** Parang nasa alapaap ang pakiramdam ni Krista nang mabatid na nagtagumpay ang plano niya kay Cian. Kung hindi lang siya buntis ay malamang nagpa-party na siya ngayon. Duda niya ay kompleto ngayon sa ospital ang mga losers na mga kaibigan nito, makikiramay sa pagkawala ni Cian at ng anak nito at kasali na marahil sa mga naroroon ang magaling niyang fiance na si Zach na alam niyang hanggang ngayon ay lihim pa ring may nararamdaman para kay Cian. Unfortunately, siya ang nanalo, the only woman standing kaya sa kan’ya na mapupunta si Zach at wala itong choice. Kumekendeng na tinungo niya ang kusina at kumuha ng gatas. Kahit mag-isa ay panay ang tawa niya sa labis na tuwang naramdaman. “Hmm. Mukhang uuwing galante ang Dexter na iyon sa probinsya, ah!” nakangisi pa niyan