*** Zach *** Pagdating niya sa bahay ay agad na sumalubong sa kan’ya ang buong miyembro ng pamilya na nakaupo sa sala at seryosong nag-uusap. Napansin kaagad ng mga ito ang kanyang presensya dahilan upang sunod-sunod na dumako ang mata ng mga ito sa kan’ya. “Oh, narito na pala si Zach! Halika, hijo, nang mapag-usapan natin ang magiging plano sa pamamanhikan natin kina Krista.” Lolo niya ang nagsalita at nakangiti pa itong nakatunghay sa kan’ya. “Ano hong pamamanhikan ang sinasabi ninyo?” Bakas sa tono niya ang pagkadisgusto nang sabihin iyon. At mas lalong hindi niya nagustuhan ang padalos-dalos na plano ng kanyang pamilya. Oo, they were his family but hell, buhay niya ang nakataya rito at siya ang masusunod sa kung anuman ang desisyon niya sa buhay! Tumayo ang kanyang ina