Naalimpungatan ako sa hiningang bumubuga sa aking mukha. Napagtanto ko ring may nakadagan na mabigat na bagay sa aking katawan. Nang imulat ko ang aking mga mata ay ang namumungay na mga mata ni Zach at ang makinis niyang mukha ang agad kong nasilayan. “Sa tingin ko'y tinupad mo nga ang sinabi ko kanin.” His teasing voice filled my ears. He showered light kisses in my forehead, cheeks, tip of my nose and lastly in my lips. “Grabe ka. Hindi ba pwedeng napagod lang kaya ako nagpahinga?” Iniwas ko ang aking mukha dahil sa mga ginagawa niya sapagkat inaamin kong nagdulot na naman ulit ito ng kakaibang pagnanasa mula sa kaibuturan ng aking katawan. Mas lalo siyang naging makulit ngayon. Ang kaninang mga kamay na nasa bawat gilid ko lang ay itinaas niya kasama ng aking mga kamay and