KABANATA 3

1227 Words
KABANATA 3:       MUNTIK na akong mawalan ng balanse sa klase ng titig niya sakin. Ngumisi ito ng bahagya habang malalim parin ang tingin sakin. Hindi ako nagpa-apekto. Ibinigay ko ang buong atensyon ko sa pag giling sa pole.       Unti unting bumaba ang ilang kasamahan ko sa stage. Naghiyawan ang mga parokyano. Marami na naman ang nagsuksok ng pera sa suot ng mga kasamahan tuwing sinasayawan nila ang mga customer. Naiwan ako sa gitna na nagpapakita pa ng ibang stunts sa pole.       “Natalia! Come here! I wanna touch your ass! f**k it!”         Hindi ko iyon pinansin. Natalia ang codename ko dito sa Casa Temptasyon. Noong una ay naiilang pa pero ngayon ay nakasanayan na.         Bumalik sa stage ang tatlo kong kasama at sila naman ngayon ang magpo-pole dancing. Halos magkagulo ang lahat ng unti unti na kong bumaba mula sa stage.       “Oh, s**t! That boobs man!”       Ngayon, pati malalaswang sinasabi ng mga parokyano ay sinasanay ko na rin ang tainga ko doon. Bumaling ako sa malaking sofa na halos nasa bente ang edad na mga kalalakihan ang nandoon. Kanina ko pa siya nakikita. Tahimik nga lang kaya nakuha niya ang atensyon ko. Tila walang pakialam sa paligid.       Naghiyawan ang mga lalaki sa table nila ng mapansing lumalapit na ko. May ilan pang pasimpleng humawak sa puwitan ko ng dumaan ako. Lahat ng iyon ay ininda ko. Nilunok ko kahit hindi ko gusto. Kapag kasi inaway ko sila ay malilintikan ako kay Madam V.     Malapit na sana ako kung hindi lang ako hinarang ng lalaki na tiningala ko pa dahil sa sobrang tangkad. Siya iyong lalaki na nasa taas kanina. Ngumisi ako sa kanya at sinimulang sayawan na.     Paharang harang ka pa talaga ha.     Kitang kita ko ang biglang pagalab ng kanyang mga mata. Tikom na tikom ang bibig. Sa bawat haplos ko sa malapad niyang dibdib ay naninigas siya. Napaismid ako ng palihim. Ang mga lalaki talaga mahihina pagdating sa babae. Umikot ako para sayawan siya sa likod pero nahablot niya ang kamay ko. Napakunot ang aking noo pero agad ding nawala ng marahan niya akong hinila para pumunta sa harap niya.       Ah, so gusto mo sa harap lang huh?       Lumapit ako sa kanya lalo. Idiniin ang katawan sa kanya. Rinig ko ang hiyawan ng mga tao ng itinaas ko ang binti at pinatong sa katabing sofa at sinasayawan na muli siya. Nagulat ako ng hawakan niya ang beywang ko. Ang lapad ng palad niya ay sakop ang gilid ng beywang ko. Ang isang kamay ay pumwesto sa binti ko at marahang binababa iyon.       “Oh…” Nadismaya ang ilan sa ginawa ng lalaki.       Tiningala ko siya at nagtama ang aming mata. Dumiin ang pagkakahawak niya sa beywang ko. Ang marahang haplos niya sa binti ko ay nagdudulot sakin ng ilang libong boltahe at kakaibang init na ngayon ko lang naramdaman.       Medyo nawala ako sa focus ng unti unti nitong binaba ang mukha sakin. Akala ko ay hahalikan niya ko, ngunit dumiretso ang bibig nito sa tainga ko.       “The moment our eyes met, you are mine,” aniya at sinilip ako.     “This..” aniya sabay hawak saking binti.       “are..” Hinimas niya iyon pataas baba.       “all mine..” Bulong niya muli sakin. Mainit ang buga ng kanyang hininga kaya lalo iyon nakadaragdag ng kiliti saking tiyan.         “Now, go back to where you are…” marahan niya akong inikot at pinapabalik sa stage. Muli na naman siyang bumulong. “This will be the last time you’ll dance like that.”       Para akong na-hipnotismo sa bawat salita niya. Sumunod ako kahit na liyong liyo sa nararamdaman. Nagpatuloy ako sa pagsayaw hanggang sa natapos namin iyon ng wala na ako sa sarili.       Buong show ay anduon siya at matiim na nanuod sakin. Sumama siya sa mga lalaki sa sofa na hula ko ay mga kaibigan din niya ngunit hindi rin nakikisali sa hiyawan ng mga kasama.       “Lena, ayos ka lang? Para kang wala na sa sarili ah?” si Andrea habang tinatanggal ang suot nitong pulang maskara.       “Paano namang hindi? E, yung lumapit sa kanya ay yung panganay na Montenegro! Maski ako baka mawawala din sa sarili eh.” Natatawang sabi ni Tintin ng maabutan niya kami ni Andrea sa dresser.       Nakuha ni Tintin ang buong atensyon namin ni Andrea. Tawang tawa naman ito sa reaksyon namin na mukhang interesado sa anumang sasabihin niya.     “O, ano? Pangit ba? Sabi sa inyo eh, magandang lahi nga! Parang model. f**k boy ang datingan. Ang sarap lumambitin sa braso niya. Ang tigas at malaki!” Humagikgik sila ni Margie na katabi rin niya at nakikinig samin.           “Ano daw ba sabi sayo? Binubulungan ka niya ah!” si Margie. Kaya silang tatlo ay bumaling na sakin. Inaantay ang aking sasabihin.         “W-wala..” Umiwas ako ng tingin at tinalikuran ko sila. Inalis ko ang itim na maskara at nilapag sa ibabaw ng dresser.         “Anong wala? E, makailang ulit na bumulong sayo,” sabi ni Andrea. Hindi pa sila nakuntento at pinalibutan pa talaga nila kong tatlo.         Naiilang ako sabihin lahat ng binulong niya sakin. Hanggang ngayon ay kinikilabutan ako sa ibang klaseng nararamdaman. Hindi ko iyon kayang aminin sa kanila.       “Sabi niya bumalik daw ako. Inulit niya kasi hindi ko marinig,” pagsisinungaling ko. Umalis ako sa pwesto para kunin ang nakasabit na roba. Susunod pa sana sila sakin at magtatanong ng pumasok si mamu.         “Lena, bilisan mo diyan at pinatatawag ka ni Madam.”       Nagkatinginan kami ni Andrea. Ayoko sa lahat yung pinapatawag ni Madam. Pakiramdam ko ay may hindi magandang balita sa tuwing pumapasok doon.       “Opo..”       Hindi na ko nagpalit ng damit. Sinuot ko na ang roba at mabilis na binuhol ang tali at nagmamadaling lumabas para pumunta sa opisina ni Madam.         Panay ang kabog ng aking dibdib bago kumatok ng tatlong beses sa silid ni Madam V.       “Come in!”       Nang marinig ang hudyat na iyon ay nagdesisyon na kong pumasok sa loob. Nagulat pa ko ng pagbukas ng pinto ay nagkatinginan kami ng panganay na Montenegro. Ang dalawang kamay ay nakatukod sa gilid na lamesa ni Madam V.       Ngumiti ng pagkatamis tamis si Madam V ng makita ako. Bihira kong makita iyon sa kanya kaya labis ang aking pagtataka.       “Lena, umupo ka muna dito. Bakit ba nandiyan ka,” aniya sa magiliw na boses. Tumikhim ang panganay na Montenegro at binigyan na naman ako ng malalim na tingin.       Umiwas ako ng tingin bago sumunod sa utos ni Madam V. Umupo ako sa kabila.       “So, kaya kita pinatawag kasi…” Pambibitin niya pa sa sasabihin. “Hindi ka na papasok sa Super Club simula bukas.” Ngiting ngiti pa siya sakin ng sabihin iyon.       “Ha? Bakit po?” Puno ng pagtataka ang boses ko.         “Aba! Ayaw mo?” Tumawa ito ng sabihin iyon.       “H-hindi po. Ibig kong sab—” Hindi ko natapos ang sasabihin dahil sumabat siya sakin.       “Ipapasara ko yung Super Club kasi ipaparenovate.”       “Ah...” Tumango tango ako. Akala ko naman kung anong sasabihin sakin kaya pinapahinto ako.         “Bueno, bukod diyan ay may iuutos ako. Samahan mo itong si Jacob na libutin ang buong Casa ngayon na.”       Napatingin ako sa lalaki sa harap ko. Sasamahan ko siya ng ganito talaga ang suot ko? Bakit ako?        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD