KABANATA 4

1117 Words
KABANATA 4:             HUMARAP ako sa kanya matapos naming lumabas sa Casino ng Casa. I got conscious when I noticed the way he looked at me. Nakapamulsa ito habang nakaharap sakin.       “Nailibot na kita sa lahat.” I looked away after I said that.         “What about the comfort rooms? Maintenance? Hindi mo pa ata ‘yon naipakita,” sabi niya na parang hindi naman napagod sa kakaikot sa Casa.     Isang oras ko na siyang nililibot. Hindi ba ‘to busy at pagod?     Bumaling ako sa kanya ng naka-kunot ang noo. “Huh? Bakit isasama pa ‘yon? Seryoso ka?”       “Why, not? That should be included on your list. Ang sabi i-tour ako sa buong Casa,” he said and towered me.       I looked at him got hooked with his blue gray eyes. His gazed are intense, dark and confident. Nakadagdag ng atraksyon sa lalaki ang litaw na litaw na cleft chin nito.       “O--okay…” sabi ko sabay bawi ng tingin dahil sa nakikitang intensidad ng kanyang mga tingin. Sa huli wala din akong nagawa kundi ilibot siya sa mga iyon.       “Ito ‘yong maintenance department…” sabi ko sabay malakas na binuksan ang pinto. Napasinghap ako sa nakita. Natigil sa pagbayo ang lalaki at galit na nilingon kami. Naginit ang pisingi ko sa nasaksihan.       “Hoy! Punyeta naman! Kitang nags-s*x kami rito, eh! Sarado niyo pinto!”     Mabilis na sinarado ni Jacob ang pinto at inilayo ako doon. Kinilabutan ako sa nakita. Hindi ako sanay na makakita ng ganoon sa personal.         “Uh--, bale sa susunod mo na lang ‘yon tignan.” Naiilang kong sabi habang kagat ang ibabang labi. Malakas ang kutob kong pulang pula ang mukha ko sa kahihiyan.         “Huwag na. I changed my mind,” aniya at nilagpasan na ako. Tahimik na lang akong suumunod sa kanya. Nakarating kami sa bulwagan ng Casa. Napahinto ako ng mabilis itong humarap sakin.         “Where’s your room?” anito.       Kumunot ang noo ko. “Ba’t mo tinatanong?” sabi ko sa nangliliit na mata dahil nagdududa.       “I was just thinking if your room is too far from here. Baka magantay ako ng matagal. Magpalit ka muna ng suot mo at aantayin kita rito.” Pinasadahan nito ang katawan ko at napailing.       Napangiwi ako sa sarili at naabutan niya iyon.       “Why? What were you thinking?” tanong niya habang nakangisi.         Sinimangutan ko siya at umiling. “Wala, noh! Ba’t aantayin mo pa ko dito e’ tapos na kitang ilibot sa buong Casa.” Humalukipkip ako sa harap niya.           “I’m hungry. Sasamahan mo kong kumain.” Lumapit siya sakin at napaatras ako habang nakakunot ang noo.         “I won’t accept no for an answer. I’m one of the investors here, just so you know.” Nakangisi siya sakin at hinawakan ako sa magkabilang balikat. Gulat na gulat ako sa ginawa niyang paghawak. Yumuko ako para itago ang pagiinit ng pisngi.       “Now, be a good girl… go to your room and change… don’t make me wait, baby…” he whispered and it gives me shiver down my spine. Marahan niya akong itinulak. Walang lingong likod akong naglakad ng nagmamadali.       Nagmamadali akong naghanap ng masusuot. Napili ko ang black V-neck spaghetti strap dress na above the knee. Mabilis akong nagpalit. Humarap muna ako sa salamin para tignan kung may dumi ba ako sa mukha. Napahawak ako sa sariling pisngi ng makitang pulang pula ang mga ito. Ipinilig ko ang ulo. Nagpahid ako ng coral lipstick bago lisanin ang suite.           Naabutan ko ang panganay na Montenegro na nakikipag ngitian sa receptionist. Agad ang pagsipa ng kung ano man sa aking dibdib. Hindi ako makangiti habang papalapit sa kanila. Napabaling siya sakin at tumayo ng tuwid. Ipinasok niya ang kamay sa magkabilang bulsa ng pantalon at pinasadahan ako ng tingin.         “Tara, gutom ka na diba?” seryoso kong sabi at hindi na inantay pang magsalita siya. Mabilis ko siyang tinalikuran at naglakad palayo. Narinig ko pa ang pagpaalam nito sa kausap bago nag-jog papunta sakin.       “Wait! Are you in a hurry?” Bungad kaagad niya ng masabayan ako sa paglalakad. Hindi ako kumibo. Masama ang timpla ko sa hindi malamang dahilan.         Sinulyapan niya lang ako at hindi na muling nagsalita. Nakaramdam ata na wala ako sa mood makipagusap. Pumasok kami sa restaurant. Kaunti na lang ang nandoon dahil ang mga babae sa Casa ay abala na sa kanya kanyang customer kapag ganitong oras.       Nakasunod lang siya sakin. Tahimik akong umupo at kinuha agad ang menu. From my peripheral vision ay pansin ko ang pasulyap sulyap niya sa akin habang hawak nito ang menu.       “One order of Fettucine Alfredo,” sagot ko sa waiter at ibinaba ang menu. Sumandal ako sa upuan.       Tumango ang waiter at bumaling na sa panganay na Montenegro.         “Fiorentina steak,” sagot niya sa baritonong tinig.       “How about drinks maam… sir?”       “One bottle of champagne will do.”       Umalis din ang waiter matapos makuha ang aming order. Tahimik lang ako habang palinga linga sa paligid. Sumandal ito sa upuan at pinagmamasdan ako na para bang binababasa niya ang laman ng isip ko.       “I’m sorry…”         I stared at him while I raised my eyebrow. Nagkaroon ako ng pagkakataon na matitigan siya ng buong buo. He has thick eyebrows and I realized his eyes are blue gray. Madilim kasi noong nakita ko siya sa Super Club kaya akala ko kulay asul. Bumaba ang tingin ko sa kanyang ilong na natural ang pagkatangos at ang labi na mapula. Ang linis niya tignan. Mayroon din siyang cleft chin.       Nagangat ang tingin ko ng tumikhim siya. Nagsalubong ang aming mata. I quickly looked away. Para akong napaso at napahiya na nakuha ko pang pagmasdan talaga ang mukha niya.       “I haven’t formally introduced myself. I’m Jacob Montenegro.” Umayos siya ng pagkakaupo at naglahad ng kamay sa akin.         “Natalia…” sagot ko at tinanggap ang palad niya. Muli, naramdaman ko na namang ang boltahe ng kuryente ng hawakan ko ang palad niya. Ang kamay niya ay malaki at sakpo na sakop ang buong kamay ko.       “No, your true name.” He asked hindi parin binibitiwan ang kamay ko. Naabutan ko siyang nakatitig parin sakin at nakangisi na.         “Lena Marie Anderson...” I answered at sinubukang hilain ang kamay ko na mahigpit ng hawak niya. I got conscious with the way he looks. Hindi ako nagbibigay ng tunay kong pangalan pero hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang tiwala ko na sabihin sa kanya ang totoo.     Bukod sa syempre, nabanggit ni Madam V ang una kong pangalan ng pumunta ako sa office niya ay alam kong may ideya na si Jacob sa tunay kong pangalan. Ikinibit balikat ko na lang ang lahat. Hayaan na lang. Hindi naman na kami nito magkikita pa.         He chuckled. “I’m sorry.” Pagkatapos ay binitiwan ang kamay ko.       Hindi ako nagpakita ng anumang reaksyon sa kanya. Hindi porket na-appreciate kong naghuhumiyaw siya sa ka-gwapuhan at may magandang katawan ay magbabago na ang timpla ko.       Bigla ang pagsagi sa isip ko ng dahilan pero ayokong tanggapin iyon dahil imposible naman na mahulog ang loob ko sa lalaking hindi ko naman talaga kilala. Paghanga lang ito lalo na hindi naman kataka-taka iyon dahil sa itsura niya.                        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD