KABANATA 5

2223 Words
KABANATA 5: HINDI ako halos makatulog ng maayos matapos ang gabing iyon. Sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ay mukha ni Jacob ang aking naalala. Inis na bumangon ako mula sa kama. Makailang ulit na kong papalit-palit ng puwesto pero hindi ko parin magawang makatulog! Lumabas ako ng silid at nagpasyang uminom ng kaunti at baka sakali na antukin. Habang nagsasalin ng red wine ay naisipan kong magmuni-muni muna at tumambay na lang sa balkonahe. Nakatulala lang ako doon. Wala namang ibang nakikita sa labas dahil madilim. Kapag sa umaga ay kagubatan lang din ang natatanaw ko. Habang sumisimsim ng alak ay sumagi sa isip ko ang sitwasyon ko dito sa Casa. Isa akong Royal VIP Escort. Ibig sabihin ay mataas ang rango ko sa lahat ng babae dito sa Casa dahil isa akong birhen. Kaya ko natatamasa ang kahit papaano ay maginhawang buhay sa loob ng Casa kumpara sa iba. Inaalagaan kami ni Madam V para maibenta niya sa mas mataas na halaga. Labag man sa aking kalooban ay wala akong nagawa. Masyadong malawak ang ari-arian niya at imposible na akong makawala. Napabuntong hininga ako. Malapit na ang Royal Auction. Kanino kaya ako mapupunta? Huwag naman sana sa sadista. Natatakot ako para sa kapalaran ko. Kumusta na kaya si Tatay? Naiisip niya kaya ako? Nagsisisi kaya siya na sa sindikato niya ako ibinenta? O, baka masaya yun ngayon dahil bukod sa wala na siyang iniintindi ay may malaking pera pa siya na galing din naman kay Madam Victoria. Hindi ko na namalayan na pumatak na ang ilang luha sa aking pisngi. Mabilis kong pinalis iyon. Pinangako ko sa sarili na dapat akong maging matapang. Hindi na dapat malambot ang puso ko sa mga ganong bagay. Bakit ko ba iisipin ang Tatay ko? Siya nga ang nagdala sakin sa impyernong ito. Walang matinong ama ang gagawa ng ganon sa kanyang anak. Sumisikip ang dibdib ko sa mga naiisip. Hindi ko alam hanggang kailan mawawala ang hinanakit ko sa sarili kong ama. Inubos ko ang wine bago nagpasyang pumasok na sa loob dahil unti-unti na rin akong nakaramdam ng antok. Maaga akong ginising ni mamu kinabukasan para sa photoshoots. Sa susunod na araw na kasi ang Royal Auction kaya kailangan ito para sa presentation. Pagdating sa dressing room ay kanya kanya ng asikaso sa pagbibihis at pagme-make up. Nasa twenty kaming kababaihan doon. Ang karamihan ay halos kasing edad ko lang. Nilingon ako ni Andrea at malungkot na ngumiti habang namimili ito ng su-suotin na swimsuit na nasa clothing rack. Nilapitan ko siya at bumuntong hininga. “Hanggang bukas na lang tayo dito. Sana naman sa mabait tayo mapunta.” sabi ko sa kanya pagkatapos ay pumili na rin ng maisu-suot. Napangiwi ako ng halos lahat doon ay sobrang mahahalay ang desenyo. Malungkot lang itong tumango. “How I wish…” “Bilisan niyo diyan mga pokers! Pipili na lang nagtsi-tsimisan pa!” Nakasimangot si mamu ng lumapit samin. Nakisali na rin siya sa pagtingin ng mga swimsuit sa rack. “O! O! Ayan sayo!” aniya ng may nakuhang puting swimsuit na halos n*****s at gitna na lang ang matatakpan kapag sinuot iyon. Pabalibag niyang ibinigay iyon kay Andrea. Magrereklamo pa sana ang kaibigan kaya lang ay na-unahan siya ni mamu. “Wag kang magrereklamo! Isusumbong kita kay Madam.” Nangigil na dinuro niya ito. Hindi tuloy kami nakaimik na dalawa. “Sayo naman ‘to!” Hinampas ni mamu sa akin ang napili nitong itim na swimsuit. “O, diba! Ang dali-dali maghanap ng masu-suot. Ewan ko ba sa inyo!” dugtong niya bago kami iwan. Tinignan ko ang black and white strap string na swimsuit. Nakahinga ako ng maluwag na hindi masyadong mahalay ang ibinigay sakin. Mayroon palang ganito. Akala ko daring lahat. “Buti pa sayo hindi ganon kalaswa suotin. Nakakainis!” reklamo ni Andrea. Mabilis kaming nagpalit at nagbihis ng swimsuit. Pagkatapos ay umupo na sa kanya kanyang dresser para masimulan ang makeup. May kanya kanyang naka-assign sa amin kaya madali lang din kaming natapos. Itim na bunny head band ang inilagay sa aming ulo. Photoshoot ang una naming gagawin. Isa-isa kaming kinuhanan. Mayroong close up at whole body. Kanya kanyang pose sa itim na upuan. Ayaw pa ng photographer na masyado kaming mahiyain sa camera. Nagsusumbong agad kay Madam V kapag hindi sumusunod agad. Sa takot naming lahat ay napilitan kaming sumunod sa gusto nilang shots. Pikit mata ko na lang ginawa iyon. Wala din naman akong balak makita ang shots kong iyon. Nakakahiya lang. Sumunod naman ay sa kama ang photoshoot. Ganoon parin, kanya kanyang pose. Ipinababa sa akin ang strap ng bra at pinabalot sa dibdib ang kumot para kunwaring walang suot. Makailang ulit akong kinunan dahil hindi ko makuha ang gustong ipagawa ng photographer. Masyado ng daring ang pinapagawa niya kumpara sa una. Hindi naman kasi ako marunong pero sinusubukan ko naman. Takot ko lang mabugbog. Para sa huling parte ng shoot ay gumawa kami ng kanya kanyang video. Pagkatapos niyon ay nagsibalikan din kami sa dressing room at nagpalit na ng suot. Bumalik ako sa silid na wala ng gagawin. Dahil pinahinto ang pagsayaw namin sa Super Club at tutunganga ako dito magisa sa suite hanggang sa susunod na araw. Sumapit na nga ang Royal Auction. Lahat ay abala na sa pagbibihis at pagme-makeup. May ilan doong nagiiyakan na kaya pati ako ay nahahawa. Naiiyak na rin. Nagulat kaming lahat ng kinalabog ni mamu ang hamba ng pintuan at pumasok sa dressing room. “Hoy! Anong inaatungal niyo diyan?! Mabubugbog kayo ni Madam kapag hindi kayo tumigil sa kakaiyak! Pinapahirapan niyo yung nagaayos sa inyo ah!” Galit na galit itong pinagtuturo kami. Tumahimik kaming lahat na nandoon. Walang nagsalita. Sa takot ng lahat ay wala ng umiyak. Tinignan ko si Andrea na nakatulala lang sa harap ng salamin. Napabuntong hininga ako. Alam kong malalim ang kanyang iniisip. Wala naman akong magawa para paganain ang loob niya dahil ako mismo takot din sa sasapitin sa kamay ng bibili. Tanging hiling ko lang na sana nga sa mabait kami mapunta. Naniniwala ako na gaano man kadami ang masasamang tao lalo na ang mga customer sa Casa ay mayroon at mayroong mabuting tao dito. Pinasadahan ko ng tingin ang sariling katawan sa harap ng salamin. Litaw na litaw ang aking cleavage sa suot na silver bodycon dress na below the knee. Manipis lang iyon kaya kapag ipinakilala kami mamaya ay madali lang iyong sirain. Ang damit ay tinernuhan ng silver na boots na ang takong ay manipis at mataas pa. Lahat kami ay naka-pony tail ang ayos ng buhok. Bumuntong hininga ako at tinalikuran ang salamin. Bahala na kung kanino mapupunta. Sasakit lang ang ulo ko sa pagi-isip. Ilang babaeng nakauniform na itim ang nagassist samin papunta sa Function Hall ng Casa. Narinig ko na naman ang ilang impit na iyak ng mga kasama habang naglalakad. Pinagpapawisan ako ng malapot. Malakas ang kabog ng aking dibdib. Nagkatinginan kami ni Andrea at hawak kamay kami habang naglalakad para mawala ang kaunting kaba. “Sino ‘yang puta na ‘yan na iyak ng iyak?!” Nilingon kami ni mamu na galit na naman. Sa takot ng ilang kasama ay tumahimik din sila. “Isa pang makarinig ako magtuturo ako sa inyo at hindi ko isasama dito sa Auction para mabugbog kayo agad! Mga pasaway! Pang-ilang batch na kayo sa mga umiiyak ha! Naii-stress ako!” aburido itong tinalikuran kami bago nagpatuloy ng lakad. Tahimik kaming sumunod sa kanya. Nang makarating na sa Function Hall ay pina-stand by muna kami sa gilid. May nakaharang doon na pula at makapal na kurtina. “Kinakabahan ako Lena...” si Andrea na hindi na mapakali. Panay ang pag tipa ng mga daliri nito sa braso. Hindi ako nagsalita dahil maski ako ay kinakabahan din. Panay ang pahid ng palad ko sa aking damit. Mas lalong kumabog ang aking dibdib ng magsalita na ang host. “Gentlemen, the 10th royal auction ceremony is about to begin. Please turn off your cellphones as taking of picture is strictly prohibited.” Nakadagdag lalo ng kaba ng makitan namin na isa isa ng pinatay ang ilaw at pumailanlang ang kanta ni Jason Derulo na Wiggle. “I know you are all excited to see the tenth batch of hot and sexy ladies tonight! Not only that! They are all virgins! And… finally! The long wait is over!” ani ng host. Napapikit kami ni Andrea sa lakas ng hiyawan ng mga kalalakihan. Mas lalong kumabog ang dibdib ko sa naririnig. “Here’s our tenth batch of VIRGIN... HOT... and SEXY... Royal VIP Escorts who are up for bidding! Roll VTR!” Pagkatapos sabihin ng host iyon ay sinenyasan kami ni mamu na isa isa ng lumabas kaya inassist muli kami ng mga babaeng nakauniporme sa kanya kanya naming posisyon sa harap. Hindi kami nakikita ng mga bisita dahil madilim sa parte namin at ang mga mata nila ay nakatutok lang doon sa Big Screen kung saan isa isa ng pinakita ang mga pictures namin na kinuhanan lang nung nakaraang araw. Pinasadahan ko ang buong paligid at nalulula ako sa dami ng lalaking naroon. Ganito ba talaga ang auction? Ganyan kadami ang gustong maguwi ng birheng babae? Hindi ko makilala sila dahil ang mga lalaki ay nakamaskara. Nanliit ang mata ko ng makita ang pamilyar na bulto sa bandang unahan. Nakade-kwatro ito habang sumisimsim ng inumin sa kopita na hawak. Pilit kong inaaninag ng kaunti ang mukha niya kahit alam kong imposible dahil ito ay naka maskara. Hindi lang naman ang lalaking iyon ang may cleft chin na lalaki sa buong mundo. Pero hindi rin imposible na hindi siya makisali sa auction dahil investor siya sa Casa. Malay ko naman kung mahilig din siya sa mga babae at balak pang maguwi kaya siya andito. Agad ang pag-atake ng hindi pamilyar na pakiramdam sa akin. Mabilis kong pinilig ang ulo at pinatay agad ang anumang emosyong iyon. Naagaw ng pansin ko ang hiyawan at sipol ng mga lalaki at napatingin sa screen. Napapikit ako ng makita saglit ang sarili na nakabalot ng kumot sa ibabaw ng kama. Hindi ko kayang panuorin lahat. Pati singit namin diyan ay ipinakita. Ultimo sa dibdib ay n*****s na lang natatakpan dahil iyon ang gusto ng photographer at utos daw iyon ni Madam. Ilang videos pa ang nagplay doon at hindi ko na lang tinignan. Tahimik kami sa kanya kanyang pwesto. Hindi ko matanaw ang mga kasama dahil sobrang dilim sa pwesto namin. Ang nasa harap lang ang makikita dahil sa liwanag na galing sa big screen. “Whoa! Whoa! I can feel the excitement from here! I don’t want you to wait so… gentlemen! Here’s our twenty Royal VIP Escort for this batch!” ani ng emcee at ibinigay sa puwesto namin ang spot light. Halos mabingi ang lahat sa hiyawan at sipol ng mga lalaki na nandoon. Kitang kita ko ang pagpalakpak nila Madam Victoria at ilang kasamahan niya habang pinapanuod kami. Isa-isa kaming pinag-posing sa harap at pinaalis ang suot na dress kaya mas lalong nagkagulo ang mga lalaki. “Thank you, ladies! So, let’s start the bidding with Royal VIP Escort number twenty! Alexandra!” Itinapat ang spot light sa kasama kong Royal Escort. Nagulat ako na nabili siya ng three million pesos. Parang sumakit ang ulo ko sa laki ng perang nilalabas ng mga lalaking ito. Halos patapos na rin ang auction dahil naibenta na ang iba. “Next Royal VIP Escort... number five! Natalia!” Naghiyawan muli ang mga lalaki ng itapat sa pwesto ko ang spot light. Kumalabog ang puso ko sa kaba. Gusto kong lumubog sa kahihiyaan o di kaya magtatakbo dahil sa nakikitang reaksyon nila. Pakiramdam ko ganito palang ay binabastos na ang pagkatao ko. Malamang Lena! Sa damit palang kabastos bastos na! Ngiting ngiti ako sa harap nila kahit ang totoo ay gusto kong ngumiwi o di kaya pumalahaw ng iyak. Hindi ko iyon magawa lalo na masama ang titig sakin ni Madam V na para bang sinasabihan niya akong huwag gumawa ng anumang hindi niya magugustuhan. “We will only accept rises of five million or larger.” Napaawang ang bibig ko sa offer nilang presyo para sakin. Mas nakakagulat pa doon ay talagang may nagbid! “Six million!” “Eight million!” Nakita kong huling nagbid ay ang lalaking may itim na maskara na ang pwesto ay sa gitna pa. “Eight million bid, now eight, now eight, will ya give me nine?” chant ng auctioneer. “Ten!” Napasinghap at napakurap ako sa taas ng presyo! Kitang kita ko ang lalaking naka puting maskara at kanina ko pa tinitignan. Hindi ko alam na makikisali siya dahil kanina pa siya tahimik. Matiim ang titig niya sakin. Ako na ang nailing dahil hindi niya ako hinihiwalayan ng tingin. Matapos nitong magbid ay tumahimik ang crowd. Mukhang wala na atang itataas ang presyo ko. Mapupunta na ata ako sa kanya. “Going once, going twice... sold!” Para akong nabingi sa sinabi ng auctioneer. Sold na? Naibenta na ko? At hindi biro ang presyo! Nakakalula sa taas! Ang yayaman naman ng mga kasali sa auction na ‘to. Kaya pala ang yaman yaman ni Madam V. Lumapit ang auctioneer sa lectern at pinukpok doon ang malyete pagkatapos ay nagsalita. “Natalia! Sold for ten million pesos. Congratulations, sir!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD