KABANATA 6

1122 Words
KABANATA 6:         MATAPOS ang closing remark ay nagsitayuan na ang lahat. Inassist kami ng mga unipormadong babae at pinasuotan na ako ng roba. Hindi ko na nagawang sulyapan pa ang iba kong mga kasama dahil kanya kanya na kami ng pagexit sa lugar. Kaya maski si Andrea ay ni huling tanaw ay hindi ko na nagawa.     Hinahanap ng pares kong mata iyong lalaking nakabili sa akin. Nasaan na kaya siya at saan ako pupunta?     Nakarating ako sa parking at huminto sa tapat namin ang isang limousine. Bumaba doon ang driver at pinagbuksan ako ng pintuan. Bumaling ako sa nakaunipormadong babae at kumunot ang aking noo ng may hawak itong panyo.       “Don’t move miss. I will cover your eyes and this is an order,” aniya at pumuwesto na sa likod ko para lagyan ako ng piring.       “Saan ba ako dadalhin? A-alam ba ito ng nakabili s-sakin?” tanong ko na may bahid na ng takot ang tono ng boses.       “Yes miss.”         Hindi niya sinagot ang una kong tanong marahil ay ayaw niyang sabihin kaya hindi ko na lang din inulit. Hinawakan niya ako sa braso at inalalayaan na makasakay sa loob ng sasakyan. Panay ang kabog ng aking dibdib. Halong takot at kaba ang kumakain sa aking sistema.           Nagsimula na akong magdasal ng umandar na ang sasakyan.       Sana huwag naman gagawa ng masama sakin ang taong nakabili sakin. Ayoko pang mamatay ng maaga. Susunod naman ako sa lahat ng gusto niya basta wag lang akong sasaktan. Huwag naman sanang sadista.       Unti unti ay hinihila ako ng antok dahil sa pagod at kaka-isip.         “Hmmm...” Umungol ako at nagpalit ng pwesto.         Nakakatamad bumangon dahil sobrang lambot ng kama. Napakunot ang noo ko ng marinig ang hampas ng alon sa dalampasigan.         Alon? Ibig sabihin may dagat?       Awtomatikong napadilat ang aking mata sa naisip! Agad kong nakita ang hindi pamilyar na silid!         “Nasaan ako?” Pinasadahan ko ang buong kwarto. Wooden bedroom ang disenyo at ang tabi ng kama ay glass sliding door na kitang kita ang ganda at kalmadong dagat. Ang langit ay nagaagaw ng kulay pula at kahel tanda ng papausbong na bagong umaga.           Naalala ko kagabi nasa sasakyan pa ko. Nakatulog na ko sa pagod tapos andito na ko ngayon. Nasa bahay na ba ko ng lalaking nakabili sakin?       Bumangon ako at napansing iba na ang suot kong damit! Natatarantang kinapa ko ang sariling katawan kung may kakaiba. Napahawak ako ‘doon’. Hindi naman masakit. Sabi nila sa una daw ay masakit iyon. Siguro hindi naman niya ako ginalaw dahil walang kakaiba sakin.     Kaya lang ay... sino naman ang nagbihis sakin ng silk satin nighties? Hindi naman siguro siya?     Napahawak ako sa sariling pisngi. Pakiramdam ko ay namula agad iyon.       Pero baka inutos na lang din niya. Hindi iyon imposible na walang kasambahay iyon dito. Mayaman siya kaya malabo talaga. Tumango-tango ako sa sariling naisip.       Mabilis kong nilapitan ang glass sliding door at hinihila ko para mabukas pero hindi ko magawa. Sinubukan kong hanapin ang lock pero bigo akong makita. Nagsimula na kong silipin kung ano pang mayroon sa kwarto. Tanging bathroom lang at wala ni isang bintana para makatakas man lang ako.       Pagkakataon ko na ‘to na makaalis dahil walang nagbabantay. Bahala na kung saan ako mapapadpad. Pero huwag naman sana sa puntong pati dagat kailangan ko pang tawirin maka-alis lang dito.       Mabilis akong nagpunta sa pintuan. Dahan dahan ko pang inikot ikot ang handle niyon at napaawang ang aking bibig ng mapagtantong hindi iyon naka-lock!       Marahan kong binuksan ang pinto at sinilip kung may ibang tao ba roon. Nang masiguradong wala nga ay dahan dahan na akong lumabas.     Maging ang labas pala ng kwarto ay wooden ang disenyo at ang tapat ng silid ko ay railings.  Kitang kita naman ang malaking chandelier.       Napakunot ang aking noo ng makarinig ng halakhak mula sa mga lalaki. Agad akong binalot ng kaba. Takot akong sumulip at baka makita nila ako at kung ano pa ang gawin nila sakin.       Lumakad ako ng nakayapak at patiyad sa mahabang pasilyo. Marami akong nakitang pinto pero ayokong buksan isa-sa sa takot na baka may tao roon at mahuli pa ko.       Nang makarating sa baba ay agad akong nagtago sa gilid dahil may dalawang lalaki na naka suot ng puting shirt at itim na shorts ang huminto malapit sa pwesto ko para kumuha ng tubig. Mayroon kasing water dispenser doon.       Narinig ko pa silang naguusap.       “Mayroon nga na dinalang babae kagabi. Inaantay pa na magising ni Bossing Phoenix.”         Kumunot ang noo ko sa binaggit nilang pangalan. Iyon kaya yung pangalan ng bumili sakin?         “Oh? Talaga?”       Lumayo na sila at hindi ko na narinig ang paguusap. Sumilip ako at ng makitang wala ng tao ay mabilis at walang ingay akong naglakad pa. Bakit puro pasilyo dito. Walang katapusan.       Lumiko ako at nakitang dead end na iyon kaya bumalik ulit ako. Hindi ko na matandaan kung nakailang liko na ba ako. Ang laki ng mansion. Anong oras ko kaya mahahanap ang daan palabas?       Nakarinig ako ng hampas ng alon ng makarating na sa pinaka baba. Muli akong naglakad at nakita ang may kalakihang bintana. Para akong hinahatak ng dagat. Lumapit ako doon at saglit na pinagmasdan ang hampas ng alon sa dalampasigan at ang puting buhangin.       Nakakalma ang tunog, paano pa kaya ang simoy ng hangin. Masarap sana maligo kung hindi ko lang iniisip na tumakas eh.       Speaking of takas! Tatakas nga pala ako! Ba’t ko ba nagawang magmuni-muni!         Umatras ako pero ang mata ay nasa dalampasigan parin nakatingin. Nang magdesisyon ng pumihit paharap ay abo’t abot ang kaba ko ng makita ang pamilyar na pares ng mata na matiim ang titig sakin.       “Oh my god!” Napahawak ako sa dibdib sa kaba at gulat. Napalitan din iyon ng pagkunot ng noo ng makita dito si Jacob.         “You’re trying to escape...” ani sa baritonong tinig. Nakahalukipkip ito habang pinagmamasdan ako.         “Wait! Don’t tell me ikaw ‘yon?” kunot noo kong tanong. Naituro ko pa siya.       “And what if it’s me? What’s the problem?” Itinagilid nito ang ulo at tinaasan ako ng kilay.       Natameme ako sa sinabi niya. Lumapit siya sakin habang nakapamulsa. Nagtama ang aming mata. Nakita ko na naman ang kulay abo na may pagka-asul niyang mga mata. Napalunok ako ng mas lalo pa itong lumapit sakin kaya napa-atras ng kaunti ang ulo ko.       Bumaba ang tingin nito sa labi ko. I feel awkard so I looked away. I could even smell the mint in his breath.       “You look like a kitten trying to escape from this big mansion...” he said huskily.         “May gusto ka ba sakin?” direstyahan kong tanong sa kanya kahit sa iba naman nakabaling ang aking paningin dahil ang mukha nito ay nasa kanang tainga ko pa. Naramdaman ko ang pagtingin niya sakin at ang pagngisi.         Ano naman ang rason niya kung bakit niya ako binili kung hindi naman dahil sa rason na iyon diba. Bakit ko pa patatagalin na maging pala-isipan sa akin kung pwede ko naman siyang tanungin.         “Call of duty...” tanging sagot niya lang sa akin. Parang biglang sinuntok ang dibdib ko sa hindi malamang dahilan.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD