KABANATA 26: ISANG buwan matapos ang pagamin ay talagang hindi sumuko si Jacob na ipakita sa akin na seryoso nga siya sa lahat ng kanyang sinabi. Sa loob ng isang buwan na iyon ay nagagawan niya na palayuin sa akin si Lucas. Katulad nito, kababalik lang ni Lucas sa mansion galing sa isang mission. Imbes na siya ang umalis ay si Lucas ang kanyang pinadala. Malapit ko na ngang sagutin eh kung hindi lang ako pinipigilan ni Lucas na pabitinin pa ng kaunti ay sinagot ko na si Jacob matagal na. Aniya wag daw akong halatado at atat na sagutin ang kaibigan niya. Magmumukha daw akong patay na patay na. “Welcome back!” bungad ko kay Lucas ng makarating ito sa mansion. Pababa ako ng hagdan ng makita ko siyang kapapasok lang bitbit ang malaking backpack.