KABANATA 18

1111 Words

    KABANATA 18:             NAGISING ako dahil sa sunod sunod na ingay ng mga bukas sarang pinto.       Ano bang nangyayari?       Bumangon ako at sumilip. Nagmamadali halos ang lahat sa pagbaba at suot suot ang backpack. Bumalik ako sa kwarto at nagpalit ng matinong damit. Palagi kasing manipis itong suot ko kapag natutulog.       Pagbaba ay nakiusosyo ako kay Mang Lito na papasok sana sa kusina.         “Mang Lito! Anong nagyayari? May misyon na naman sila? Ilan na lang matitira dito.” Tanong ko at humarang na sa harap niya.         “Oo, masanay ka na. Ganyan dito. Hindi mo alam kailan ka sasabak sa tunay na trabaho. Kaya dapat laging handa,” sabi niya at humakbang na para lagpasan ako kaso hinarangan ko siya ulit.         “Si Jacob kailan uuwi?”  

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD