KABANATA 21: DALAWANG linggo na ang nakaraan matapos mangyari ang pa-bonfire nila. Sa mga linggong lumipas ay hindi kami nagkikibuan ni Jacob. Simula ng umamin ako sa kanya ay hindi na kami nagkakausap. Maski makasalubong siya ay hindi pa talaga. Medyo naliwanagan na ko ng kaunti at tanggap na din na hindi niya ako gusto. Kung makikita ko nga lang siya ay sasabihin kong okay na lang sa akin iyon. Huwag na lang siyang makonsensya o di kaya iwasan ako. Ang kaso ay palagi kasi siyang busy sa training ng mga tauhan niya. Hindi naman din ako sumama na sa kanya kahit na nagsabi siya sa akin noon na para hindi ako ma-boring ay pwede naman ako sumama. Pinili ko na lang manahimik at sanayin ang sarili ko sa mansion. Hindi na rin naman na ako pinagbabawa