KABANATA 20: SINADYA kong ma-late ng gising kinabukasan. Para na din iwasan si Jacob na makasabay sa agahan. Although bihira ko na lang siya makasabay talaga dahil nga palaging nasa mission o di kaya busy naman. Inisip ko parin na BAKA SAKALI lang na magkasabay kami kaya iiwasan ko na habang maaga pa. Kinuha ko ang iniwang gamit sa tapat ng pinto at pagkatapos ay naligo. Bumaba agad ako para kumain. Alas onse na at agahan palang ang aking kakainin. Inaasahan ko ng magisa lang ako sa kitchen dahil mamaya pa naman kakain ang marami para sa tanghalian. Natanaw ko ang matangkad na lalaki na kausap si Mang Lito. Sumulyap siya sa akin at ngumiti. Ngumiti din ako pero hindi abot ang ngiti hanggang mata. Dumiretso ako sa utensils at kumuha