HINDI KO ALAM. Hindi ko maintindihan. Maayos naman kami kahapon hindi ba? Magkasama. Hindi ko matandaan na nagkaproblema kami. “I-Is it because of Andie?” kahit na nanghihina ay nagawa kong itanong. “Yes…” biglang may mga luhang namuo sa mga mata ko. Ilang sandali kaming binalot ng katahimikan bago siya ulit nagsalita. “I don’t think that it’s right to… to have a relationship with you when I have a wife. Stormy, ayoko siyang saktan…” Kaya ako ang sasaktan mo? Gusto kong itanong sa kanya pero hindi ko magawa. Mayamaya lang ay hindi ko na napigilan ang pagkawala ng mga maliliit na hikbi. Bakit parang ang bilis naman? Ganito ba kadali sa kanya na itapon ang lahat? “Don’t cry, Stormy. Don’t make this hard for me.” napaluhod ako dahil sa panghihina. Hindi ko alam ang sasabihin ko. How can