Biglang nakakita ng pag asa si Maxine. Ngunit kailangan niya munang makuha ang itak ng kanyang Lolo na hindi dapat namamalayan ni Marco. Nag-isip siya ng paraan,at iisa lang ang kanyang naisip. Ang lansiin ang hayok sa laman na si Marco. Kaya naman sa paggalaw nito ng mabilis, sinabayan niya ng kunwaring impit na ungol. Sanhi para mahinto ito sa mabilis na indayog sa kandungan ni Maxine. "Tagumpay! Makikita mo, pagbabayaran mo lahat ng kalaspatanganang ginawa mo sakin, samin ng Kuya Denver ko," nagngingitngit ang kaloobang sabi sa isip ni Maxine. Bahagya siyang napangiti ng huminto ito at manghang napatingin sa kanya. Kunwari namang nahihiyang umiwas siya ng tingin dito. Nagliwanag naman ang mukha ng walang pusong si Marco dahil sa pag aakalang bumigay na si Maxine. Ito ang mas gusto

