Nanginginig ang kamay na hinawakan ni Maxine ang sugat sa kanyang sikmura. Napakaraming dugo ang dumadaloy mula doon.Pati sa kanyang bibig ay may mga lumabas ding sariwang dugo. "Ito na ba ang katapusan ko? Diyos ko, kung ito na ang aking katapusan ipahintulot po ninyong masilayan ko muna ang aking Kuya Denver. Ipahintulot ninyong masiguro ko na ligtas siya." piping dalangin ni Maxine. At tuluyan na siyang napahandusay sa sahig. Sa nanlalabong mga mata nakita niyang muling inangat ni Marco ang matalas na itak, napapikit siya, dumaloy ang kanyang luha sa magkabilang pisngi. Tanggap niya na ito na ang kanyang katapusan. Samantala, dumating na sina Denver at lalaking tumulong sa kanya. Binayaran ng 500 pesos ni Denver ang driver at sinabing huwag munang aalis. Tuwang tuwa naman itong ti

