NANG magising siya ay nasa kama na at tapos nang magamot ng doctor na tinawagan ng mayordoma. Kasalukuyan na siyang pinupunasan ng mayordoma nang mamulatan niya ito. Nililinis na ang mga natuyong dugo sa kaniyang leeg at pisngi. “Pagpasensyahan mo na, ma'am, nahuli ako ng dating. Hindi ko alam na susugod dito ang babaeng 'yon,” paghingi nito ng paumanhin na parang awang-awa na sa kaniya. “Sino po ba ang babaeng 'yon, Manang? Totoo bang fiancée siya ng asawa ko? May fiancée po ang asawa ko?” Natahimik ang katulong na parang nahirapan nang sumagot. Nang mapatingin siya rito ay agad itong nag-iwas ng tingin sa kaniya. “Huwag kang mag-alala, tinawagan ko na rin ang asawa mo,” sagot nito na bigla na lang iniba ang usapan. “Alam na ni Young Master ang nangyari, at baka mamaya ay narito na r

