PARA sa kaniya ay wala nang mas sasaya pa sa 19th birthday niya. Iyon na yata ang pinakamasayang birthday na nangyari sa buong buhay niya. At lubos siyang nagpapasalamat sa kaniyang asawa. Kaya lang kinabukasan matapos ang 19th birthday niya ay nagpaalam ito sa kaniya na aalis ng bansa at baka raw abutin ng dalawang buwan bago makabalik. Ibinilin na lang nito sa kaniya na huwag siyang malulungkot at mag-focus lang muna sa kaniyang pag-aaral. Pero hindi niya pa rin mapigilan ang makaramdam ng labis na lungkot. Ngayon ay hindi lang dalawang buwan ang lumipas kundi tatlong buwan na, malapit nang mag-apat na buwan pero hindi pa rin ito nakakabalik ng bansa. Madalas ay hindi niya na rin ito makontak, kaya naman hindi niya mapigilan ang labis na mag-alala at mangulila. “Ma'am, mamamalengke p

