Hindi pa rin siya matigil-tigil sa pag-iyak habang nakakubli sa kama at pilit na lang tinakpan ng kamay ang kaniyang bibig para hindi makagawa ng ingay. Pero bigla siyang napahinto nang marinig ang tunog ng pagbukas ng pinto ng bathroom, at kasunod ng pagbukas ay ang tunog ng yapak papalapit. Nanlaki na ang mga mata niya sa pagkataranta, pero imbes na lumabas na sa pagkubli ay mas lalo lang siyang sumiksik sa gilid ng kama at hiniling na lang sa kaniyang isipan na sana ay huwag siyang makita. Ngunit hindi pinakinggan ang kaniyang hiling. A pair of feet in white slippers stopped right beside her. “What the hell are you doing in my room?” Nahigit niya bigla ang kaniyang paghinga sa gulat. Pag-angat niya ng tingin ay isang lalaking matangkad na nasa mid-20s ang bumungad sa kaniya: Naka

