Halos paliparin na ni Serian ang kotse dahil sa bilis ng pagmamaneho nito. Mabuti na lang ay kakaunti na lang ang mga sasakyan sa highway gawa ng malalim na ang gabi. Naiiyak pa rin si Ciara habang nakaupo at pisil-pisil ang mga nanginginig na kamay. Takot na takot na naman siya dahil galit na naman sa kaniya ang asawa niya, at alam niya kung anong klaseng tao ito kapag nagagalit: violent, merciless, and terrifyingly unpredictable. “H-Honey, mali talaga ang iniisip mo,” she cried, her voice breaking between sobs. “Hindi ko talaga kilala ang lalaking 'yon, tinulungan niya lang ako k-kasi—” “Shut the f**k up!” galit na sigaw pa rin nito sa kaniya at mas binilisan pa ang pagmamaneho na kinalabas ng mga ugat nito sa kamay. “When I tell you to shut up—then shut your f*****g mouth!” All she

