PAKANTA-KANTA si Ciara habang nagluluto na siya ng pagkain sa loob ng kusina at suot ang pink na epron.
Sakto lang ang laki ng kanilang sementadong bahay para sa kanilang pamilya. May apat na kuwarto, naka-tiles, may malaking sala, at maliit na swimming pool sa labas. Tig-iisa sila ng kuwarto: isa sa kaniya, sa papa niya at asawa nito, at sa anak ng mga ito na si Amera.
Si Amera ang nag-iisang stepsister niya na kasing edad lang niya, mas matanda lang siya rito ng tatlong buwan. Pero mas mahal na mahal ito ng kaniyang ama kaysa sa kaniya. Kung si Amera pinapaaral sa isang private school, siya naman ay tamang sa public lang at madalas ay wala pang baon maliban sa tubig lang. Si Amera ay may sariling cellphone at laptop. Pero siya ay wala. Kaya tuwing may research sa school ay pumupunta lang siya sa mga computer shop para makagamit ng internet. Gayunpaman ay nagpapasalamat pa rin siya dahil nakakapag-aral pa rin naman siya kahit papaano, at hinihiling na lang niya na sana ay makapagpatuloy pa siya hanggang college.
Her father worked as a security guard at a luxury casino, which gave him a decent salary. Habang ang stepmom naman niya ay house wife lang pero social media influencer, at ngayon ay unti-unti na itong sumisikat dahil nasa kalahating milyon na ang followers. Minsan na rin siya nitong isinama sa vlog nito, pero pinakilala naman siya bilang katulong, hindi stepdaughter.
Just like now, her stepmother was vlogging again.
“Hello, guys! We’re in the kitchen, and our maid is still cooking!” pagkaway nito sa hawak na phone habang naka-video at saglit pa siyang nilingon. “Yaya, luto na ba ang mga pagkain?”
“Opo, madam,” sagot na lang niya pero hindi na lumingon pa rito. “Luto na po lahat, maliban na lang dito sa adobong manok. Pero paluto na rin po ito.”
“Oh siya, maghain ka na agad kapag naluto na 'yan. You know na, gutom na ang madam mo.”
“Sige po, madam.”
Lumabas na rin ito ng kitchen matapos siyang tanungin.
Napabuntonghininga na lang siya at napapunas ang likod ng kamay sa pawis sa kaniyang noo. Sa dami ng kaniyang niluto ay talagang pinagpawisan siya.
Pero sanay na rin siya sa ganito, dahil halos araw-araw ay siya ang tagaluto, tagalaba, tagalinis. Mas malala pa siya sa isang inuupahan na katulong. Mabuti pa ang katulong ay may upa, pero siya ay wala, pangungutya lang ang upa niya at walang pakialam ang kaniyang ama kahit inaalipusta na siya araw-araw.
Matapos magluto ay agad na siyang naghain ng pagkain sa table bago naligo saglit sa kaniyang bathroom. Saktong natapos siya ay dumating na rin ang kaniyang ama at ng stepsister niyang si Amera na diretsong pumasok sa kaniyang kuwarto.
“Ciara, tingnan mo itong dress ko! Bagong bili sa akin ni Daddy!” pagyayabang ni Amera sa kaniya at agad na umikot sa harap niya bago nakangiting itinaas ang bitbit na tatlong paper bag. “Charaaan! Meron pa siyang biniling iba for me kasi sahod niya ngayon!”
Napatingin siya suot nito, at hindi niya mapigilan ang makaramdam ng inggit dahil napakaganda nga naman ng dress.
Pinilit na lang niyang ngumiti. “Ang ganda. Bagay na bagay sa 'yo.”
Ngumisi na sa kaniya si Amera. “Of course, bagay talaga sa akin kasi maganda ako. Hindi katulad mo.” Inirapan pa siya nito bago lumabas ng kaniyang kuwarto.
Lumungkot naman ang kaniyang mukha dahil sa panibugho. Kahit sanay na siya ay hindi niya pa rin mapigilan ang makaramdam ng inggit tuwing binibilhan ng bagong gamit ang kaniyang stepsister ng kanilang ama, at mga pinaglumaan lang nito ang napupunta sa kaniya, dahil bihira naman siya ibili ng kaniyang ama.
Tumayo na siya at lalabas na sana sa kaniyang bedroom, pero bago pa siya makalabas ay nakangiti nang pumasok ang kaniyang ama na may bitbit na isang paper bag.
“Ciara anak, ito binili ko para sa 'yo. Isukat mo kung magkasya naman ba sa 'yo.”
Bigla na lang nagliwanag ang mukha niya. “May para sa akin po, Papa?!” Halos tumalon siya sa tuwa at mabilis na tinanggap ang paper bag.
Napangiti naman ang kaniyang ama. “Sige na isukat mo,” sabi na lang nito bago siya iniwan na sa loob ng kuwarto.
Excited naman niyang sinukat ang sundress na kulay yellow. Lumapad na lang ang ngiti niya nang masukat at tamang-tama lang sa katawan niya. Umikot-ikot pa siya saglit sa salamin habang takip ng buhok ang kalahati ng kaniyang mukha.
Hindi niya namalayan ang muling pagpasok ng kaniyang stepsister. Napahalukipkip na ito at nakangisi siyang pinanood.
“Alam mo ba kung magkano lang 'yang dress mo?” wika na nito.
Napahinto naman siya sa pagtingin sa salamin at napalingon.
Ngumisi ito sa kaniya at mula sa pagtayo sa pinto ay humakbang na palapit habang nakahalukipkip. Hanggang sa huminto na sa harap niya at may pandidiri na tiningnan ang dress na suot niya. “Tig 99 lang 'yan sa tianggi. Ang mura lang 'di ba? Kaya hindi na nakapagtataka kung tingin mo ay bagay sa 'yo. Kasi kung naging tao 'yang dress na 'yan ay paniguradong kamukha mo. Ugly.”
Tuluyan nang nawala ang ngiti niya sa sinabi nito. Talagang ganito ito, iniinsulto na lang lagi lahat ng binibigay sa kaniya ng Papa niya. Paano kasi ang gusto nito ay ito lang lagi ang bilhan, hindi siya, dapat pinaglumaan na nito ang ibigay sa kaniya.
“Itong sa akin sa mall namin nabili," dugtong nito at maarte hinawakan ang suot na dress. “And guess what kung magkano ito?”
“M-Magkano naman?”
“Five thousand!” sigaw nito bigla sa mukha niya bago maarte na tumawa at pinaikot-ikot na ang dulo ng buhok sa daliri bago ngumisi. “At 'yong iba pang nasa paper bag kanina ay gano'n din, thousands din ang presyo nila. Ang daming binili sa akin ni Daddy, pero ikaw bakit isa lang? Tapos ang mura pa?”
Napakuyom na lang ang kamao niya at pinilit na lang magtimpi.
“Kawawa ka naman, sis,” pangungutya nito at kunwari ay lumungkot pa ang mukha pero natawa naman. “Halatang-halata na mas love ako ni Daddy kaysa sa 'yo. Paano kasi maganda ako at panget ka.”
Tuluyan nang nasagad ang pagtitimpi niya, kaya naman bago pa ito makalabas ay sumagot na siya.
“At least mas matalino naman ako kaysa sa 'yo.”
Napahinto naman ito sa paglabas sa pinto at gulat na napalingon sa kaniya. “Ano'ng sabi mo?”
“Sa private school ka nga pumapasok pero bobo ka naman. Sayang lang ang tuition fee mo.”
Nanlaki na ang mga mata nito. “Ulitin mo nga!”
Ngumisi naman siya. “Oh bakit? Nagagalit ka ba? Totoo naman na mas matalino ako kaysa sa 'yo. Nasa 75 nga lang ang average ng grades mo sa halos lahat ng subject, 'di ba? Pasang awa ka lang, Amera.”
“You b***h!” Mabilis na itong tumakbo sa kaniya at malakas na hinablot ang kaniyang buhok.
Hindi naman siya nagpatalo at hinila rin ang buhok nito. Kaya ang nangyari ay nagsabunutan na silang dalawa.
“Oh my God!” sigaw ng kaniyang stepmom na agad na nagulat nang makita sila at mabilis itong lumapit. “Ciara! Bitiwan mo ang kapatid mo!” Malakas siya nitong tinulak.
Nabitiwan naman niya ang buhok ni Amera at malakas siyang bumagsak sa matigas na tiles.
Doon ay patakbo nang pumasok ang kaniyang ama at agad na napatingin sa kaniya. “Ano na naman ang nangyayari sa inyo?”
“She insulted me, Dad!” sumbong agad ni Amera at kunwari ay umiyak na ito para magmukhang inapi. “Bobo raw ako at mas matalino siya kaysa sa akin! Hindi ko raw po deserve mag-aral sa private school!”
Nanlaki naman ang mata ng kaniyang ama sa kaniya. “Bakit mo sinabi 'yon sa kapatid mo?”
“Totoo naman po, Papa,” matapang naman niyang sagot at tumayo na. “Bobo naman talaga 'yang anak mo. Sa private school mo pinapaaral kahit hindi ka naman mayaman pero pinagtitiyagaan mo, tapos bobo naman at anak ng kabit mo! Pero mas pinapahalagahan mo kaysa sa akin!”
Nagulat na lang siya nang isang malakas na sampal ang pinalipad ng kaniyang ama papunta sa pisngi niya.
“Huwag na huwag mong pagsasalitaan ng ganiyan ang kapatid mo! At huwag na huwag mong matawag-tawag na kabit ang stepmom mo! Matuto kang gumalang!”
Naluha na lang siya at napahaplos sa nasampal na pisngi.
Lumabas na ang kaniyang ama matapos siya nitong sampalin. Nakangisi naman sumunod si Amera na pinandilatan pa siya ng mata bago tuluyang lumabas.
Pero nagpaiwan ang kaniyang stepmom, at nang tuluyan nang nakalayo ang Papa niya ay doon na siya nito sinampal din ng malakas.
“Sinasabihan mo akong kabit? Hoy, patay na ang nanay mo!” nanlilisik ang mata nitong sabi sa kaniya at bigla na lang hinablot ang buhok niya na kinagiwi niya sa sakit. “Nasunog na sa impyerno ang walang kwenta mong Ina, kaya hindi na ako kabit. Pinakalasan na ako ng ama mo. At pasalamat ka dahil tinatanggap pa kita rito sa pamamahay ko kahit diring-diri na ako sa kapangitan mo!”
Muli siyang bumagsak sa matigas na sahig nang itulak siya nito matapos hilahin ang kaniyang buhok.
“Umayos ka ha,” babala na nito at namaywang pa sa harap niya. “Baka sa susunod ay hindi na kita matiis pa at mapatay na kita. Saktan mo pa ulit si Amera at pagsalitaan ng kung anu-ano, papatayin na talaga kita sa susunod.”
Hindi pa ito nakontento at sinipa pa siya sa paa bago lumabas ng kuwarto.
Naiyak na lang siya at nilunok na lang ang lahat ng sakit.
Gayunpaman ay sumabay pa rin siya sa dinner, dahil tinawag pa rin siya ng kaniyang ama. At habang kasalukuyan nang kumakain ay pangisi-ngisi pa sa kaniya si Amera na parang tuwang-tuwa dahil nasampal siya at napagsabihan.
“Dad, 18th birthday ko na next month,” nguso nitong wika sa kanilang ama. “Sana bongga po, kasi gusto ko imbitado lahat ng mga friends ko. Mga mayayaman pa naman sila, Dad. Kaya dapat sa hotel tayo mag-celebrate para sosyal pa rin.”
Parang hindi naman siya makapaniwala sa sinabu nito at hindi mapigilan ang makaramdam na naman ng inggit. Last month ay 18th birthday niya rin, pero binigyan lang siya ng kaniyang ama ng 500.
“Huwag kang mag-alala, anak. May nakalaan na rin naman akong pera para sa birthday mo. Sa five star hotel natin gaganapin ang selebrasyon para mas sosyal at hindi ka na mapahiya sa mga kaibigan mong mayayaman.”
Nagulat siya sa sagot ng kaniyang ama. Hindi siya makapaniwala.
Namilog naman ang mga mata ni Amera. “Oh my God—talaga po, Daddy?!”
Pati ang asawa ng ama niya ay nanlaki ang mata. “Totoo ba 'yan, honey? Afford mo sa five star hotel?”
“Oo, afford na ngayon dahil may pera na tayo,” mayabang na sagot ng kaniyang ama at natawa pa ito. “Huwag kayong mag-alala, baka next year ay maibenta na natin itong tinitirahan nating bahay at makalipat na tayo sa mas malaking mansyon na may mga katulong.”
Mas lalong nanlaki ang mata ng stepmom niya at anak nitong si Ameri. “Oh my God, honey!”
Natawa na lang ang kaniyang ama, pero bigla naman tumunog ang cellphone nitong nakapatong sa ibabaw ng table. Agad nitong dinampot at sinagot ang tumawag. Pero nang marinig ang sinabi ng tumawag ay nanlaki na lang bigla ang mga mata nito.
“Ano?!” sagot nito sa katawagan at bigla na lang napatayo. “Bakit mo sinabi ang address ko?! Tanga ka ba?! Mapapahamak ang pamilya ko nito!”
Nagulat naman silang tatlo. At nang maibaba na ng kaniyang ama ang phone ay napatingin na ito sa kanila na parang nataranta na.
“Mag-impake na kayo, dalian niyo! Aalis tayo ngayong gabi!”
“B-Bakit, honey? May problema ba?”
“Basta bilisan niyo na! Baka pumunta na sila rito at maabutan tayo! Dali na!”
Nataranta na rin silang tatlo at mabilis na nagsitayuan kahit hindi pa tapos kumain.