CHAPTER 3

1012 Words
MULA sa Biñan Laguna ay lumipat sila sa Pampanga at nakiupa sa isang maliit na apartment na tama lang ang laki para sa kanilang apat. Sa pangalawang gabi ng kanilang paglipat ay narinig ni Ciara ang pagtatalo ng kaniyang ama at asawa nito kahit hatinggabi na. “Amelie, huwag ka munang mag-vlog,” sabi ng kaniyang ama sa asawa at balisang-balisa pa rin ito. “Kung may mga video ka na nahagip ako sa camera ay paki-delete agad. Baka may makakilala sa 'yo na asawa kita at mapahamak pa kayo ng mga bata.” “Ano ba talaga ang nangyayari, honey? Sino ang tinataguan natin? At bakit kailangan natin magtago? Please tell me, para alam ko!” “Ang totoo niyan ay hindi talaga isang security guard lang ang trabaho ko,” sagot ng kaniyang ama na napahilamos pa sa mukha habang palakad-lakad sa sala. “Tingin mo ba, makakaya ko kayo bigyan ng magandang buhay at mapapaaral ang anak natin sa private school kung isang hamak na security guard lang ang trabaho ko?!” “Bakit, ano ba talaga ang trabaho mo, honey? Pakiusap, sabihin mo na sa akin. Natatakot na ako sa 'yo! Sino talaga ang tinatakasan natin?! Sabihin mo na!” “Ang totoo niyan ay magtatlong taon na akong nagtatrabaho sa isang grupo ng sindikato. Kami ng kaibigan kong si Alano ang laging inuutusan na mag-deliver ng mga cocaine sa mga big-time client at inuutusan maglibing ng kanilang mga biktima. Pero ngayon ay—” “Ano?!” Nanlaki na lang ang mga mata ng asawa nito. “Sa sindikato ka nagtatrabaho?! Nasa tamang katinuan ka pa ba para magtrabaho sa isang illegal?! “Mataas ang sahod sa ganoong trabaho, Amelie. At madali tayong yayaman.” Napatakip na lang ang kamay ni Ciara sa kaniyang bibig dahil sa narinig at hindi na rin mapigilan ang makaramdam ng takot para sa kaniyang ama. Isang linggo ang lumipas ay nagpaalam na ang kaniyang ama na bumalik ng Biñan para kunin ang kanilang mga naiwan na gamit. Pero makalipas ang dalawang araw ay hindi pa rin ito nakakabalik at hindi na makontak pa. “Ciara, puntahan mo na lang kaya ang Papa mo. Bibigyan na lang kita ng pamasahe,” utos ng stepmom niya sa kaniya na alalang-alala na rin. “P-Pero hindi po ba delikado, Tita? Kabilin-bilinan po sa atin ni Papa na huwag tayong aalis ano man ang mangyari at hintayin na lang ang pagbabalik niya.” Nanlisik na lang ang mga mata nito sa sagot niya. “At talagang natakot ka pa? Tingin mo ba sa itsura mong 'yan ay may tao pang magkaka-interest sa 'yo? Diyos ko po, Ciara! Kahit maghubad ka pa sa harap ng maraming lalaki—imposibleng patulan ka nila! Baka nga masuka lang sa 'yo dahil sa kapangitan mong 'yan!” Napapisil na lang siya sa kaniyang sariling kamay at wala nang nagawa kundi pumayag. “S-Sige po, pupuntahan ko na lang si Papa.” Bibigyan naman siya nito ng 500 para sa kaniyang pamasahe, kaya naman umalis na siya. Mula Pampanga ay sumakay siya ng bus pabalik ng Biñan. Pasado alas sais na ng hapon nang dumating siya. Pero pagkapasok niya sa pinag-alisan nilang bahay ay nagulat na lang siya nang bumungad sa kaniya ang mga nagkalat na gamit na para bang may naghalughog sa loob, dahil pati loob ng mga bedroom ay nagkalat ang mga gamit. Pero ang labis niyang kinagulat ay nang makita ang mga patak ng dugo sa tiles na parang mga tuyo na. Kinabahan siya bigla at nakaramdam na ng takot. Kaya naman imbes na manatili pa ng matagal ay mas pinili na lang niyang umalis na dahil ang kaniyang backpack kung saan nakalagay ang kaniyang ilang mga gamit. Ngunit saktong paglabas niya ng bahay ay may huminto na isang sasakyan sa labas, at dahil nakabukas ang gate ay nakita niya agad. Nataranta siya bigla at patakbong pumasok muli sa loob ng bahay. Ngunit bago pa siya makapagtago ay naabutan na siya ng mga lalaking may suot na itim na bonnet. “Bitiwan niyo ako!” Agad siyang nagpumiglas nagsisigaw ng tulong. Pero natigil ang pagsisigaw niya dahil sa malakas na paghampas sa kaniyang batok, dahilan para mandilim ang paningin niya at tuluyan siyang bumagsak. Nang magkamalay ay nagulat na lang siya dahil nasa loob na siya ng isang magarang kuwarto at nakahiga na sa isang malambot na kama. Nang buksan niya ang pinto ay naka-lock mula sa labas. Pero makalipas ang halos isang oras ay dalawang nasa mid-40s na katulong ang pumasok at may dalang pagkain ang mga ito. “Magandang umaga, ma'am. Heto na ang pagkain mo. Sabihin mo lang sa amin kung may gusto ka pang iba,” magalang na wika ng isa at nilapag na ng mga ito ang pagkain sa ibabaw ng table na nasa sulok ng kuwarto. Puno ng pagtataka naman niya tiningnan ang mga ito. “Sino po kayo? At nasaan ako? Sino ang nagdala sa akin dito?” Nagkatinginan saglit ang dalawang katulong bago ngumiti sa kaniya at sumagot ang isa. “Narito po kayo sa bahay ni Young Master. At pinapasabi niya na huwag daw po kayong mag-alala dahil ligtas daw kayo sa bahay na ito, basta huwag na huwag lang kayong lalabas.” Mas lalo siyang nagtaka sa nakuhang sagot at marahas na umiling. “H-Hindi. Hindi po ako puwedeng manatili rito! Hindi ko naman kayo kilala!” Mabilis na siyang bumaba ng kama. Pero mabilis siyang hinarang ng dalawang katulong at seryosong tiningnan. “Hintayin mo na lang ang pagbabalik dito ni Young Master, ma'am. Baka bukas ay babalik na 'yon. Sa kaniya ka na lang magtanong, dahil wala rin kaming alam kung sino ka at saan ka nagmula. Basta ibinilin lang sa amin na bigyan ka ng pagkain at huwag na huwag palalabasin ano man ang mangyari.” Hindi na siya makapaniwala. Pero imbes na makinig ay malakas na niyang tinulak ang mga ito at tumakbo na siya palabas ng kuwarto. “Ma'am! Bawal po kayong lumabas!” Mabilis pa rin siyang hinabol ng dalawang katulong.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD