CHAPTER 4

873 Words
ISANG linggo ang lumipas at nanatili pa rin siyang nakakulong sa loob ng kuwarto. Gustuhin niya mang lumabas na pero hindi niya magawa dahil naka-lock ang pinto mula sa labas, bumubukas lang tuwing dinadalhan siya ng pagkain ng mga katulong. Nang tangkain niyang tumakas sa pangalawang beses ay nanlaban siya sa mga katulong at matagumpay naman nakalabas mula sa bedroom, doon niya nakita na nasa loob ng isang malaking mansyon pala siya. Pero hindi pa rin siya nakalabas dahil nahuli pa rin siya ng mga katulong at naibalik sa kuwarto. Hindi na niya mapigilan ang mag-alala sa kaniyang ama at maguluhan sa mga nangyayari. Sino ang mga lalaking dumukot sa kaniya? At bakit siya ikinulong sa kuwarto? Hindi naman ganito kapag isang sindikato ang dumukot, malamang sa isang maruming kulungan siya dadalhin at baka kung ano na pa ang gagawin sa kaniya. Pero ngayon, bakit ganito ang kinahantungan niya? Dapat ba siyang matakot o magpasalamat? Hindi na niya maintindihan pa, pero nangingibabaw pa rin ang kaba niya at takot sa kung ano na ba ang nangyayari sa kaniyang ama. Makalipas ang dalawa linggo ay muling bumukas ang pinto ng kuwarto. Inaasahan niyang mga katulong ang papasok, pero hindi. Nagulat siya nang makita na isang matangkad na lalaki ang pumasok. Nakasuot ito ng kulay itim na maskara. “S-Sino ka?” tanong niya rito at biglang nabahala, mabilis siyang nabalikwas ng bangon mula sa kama at naging alerto. Huminto naman ang lalaki pagkapasok at tiningnan siya nito. Hindi ito nagsalita at mataman lang siyang pinagmasdan. Nangunot naman ang noo niya at pinagmasdan din ito. Pero kahit mga mata nito at hindi niya makita dahil kakaiba ang suot nitong maskara, may nakaharang sa bandang mata. Parang spider man ang design ng suot na maskara, pero kulay itim nga lang. “I-Ikaw ba ang dumukot sa akin? Ano'ng kailangan mo sa akin at dinala mo ako rito? Nasaan si Papa?” muli niyang tanong na kahit kabado ay nilakasan na ang loob. Ngunit nakatitig lang ito sa kaniya at hindi pa rin sinagot ang mga tanong niya. Kaya naman napasigaw na siya. “Sino ka ba talaga?! Magsalita ka! Bakit mo ako ikinulong dito?! Ano'ng kailangan mo sa akin?!” Doon na ito marahan na humakbang palapit at huminto sa tabi ng kama. “May malaking kasalanan ang iyong ama kay Dad,” sagot na nito sa kalmadong boses habang mataman pa rin nakatitig sa kaniya. “Pero nakahanda akong iligtas siya kung papayag ka sa alok ko.” Napalunok na lang siya bigla at mas lalong dinambol ng kaba. “Anong alok? At anong kasalanan ng Papa ko sa Dad mo?” “Be my wife,” he said seriously. “Bilang kapalit ay ililigtas ko ang ama mo sa bingit ng kamatayan.” Natahimik naman siya bigla at parang nagulat. Hindi niya inaasahan ang maririnig na alok. “N-Nakikita mo naman ba ang mukha ko para alukin mo ako ng ganyan?” tanong na kumawala sa labi niya kasabay ng kaniyang paglunok. “Yes. And I want you,” muling sagot ng lalaki habang nakatitig pa rin ito sa kaniya na parang hindi man lang kumurap mula sa suot na maskara. “Gusto ko maging pag-aari ka. Now tell me kung papayag ka ba sa alok ko o hindi.” “P-Paano kung hindi ako papayag?” “Then mamamatay ang ama mo sa mga kamay ni Dad.” Napalunok na lang siya sa takot nang marinig ang sagot nito. Mukhang hindi nga ito nagbibiro, sa boses pa lang ay ramdam na niya ang dala nitong panganib na para bang isang maling sagot lang niya ay pati siya mapapahamak. “A-Ano naman ang gagawin mo sa akin kapag pumayag ako sa alok mo?” Saglit pa siya nitong tiningnan. “Bibigyan kita ng magandang kuwarto at ibibigay lahat ng mga kailangan mong material na bagay kahit ano pa. Basta ang kailangan mo lang gawin ay maging masunurin na asawa sa akin at sundin lahat ng mga gusto ko.” Muli siyang napalunok. “P-Pero bakit mo ako inaalok ng ganiyan? Ano'ng motibo mo?” “Wala. Gusto ko lang manatili ka sa akin.” Nangunot ang noo niya. Hindi niya maintindihan ang ibig nitong sabihin. “T-Totoo bang ililigtas mo si Papa kapag pumayag ako?” muling tanong niya at medyo nanginig na ang boses dahil sa kaba. “Yes,” he answered, still watching her. “P-Paano naman ako makakasiguro na totoo ang sinasabi mo?” “Kung ayaw mong maniwala, wala namang pumipilit sa 'yo. Ang mahalaga ay sinabi ko sa 'yo ang totoo at pinapili kita sa magiging desisyon mo.” Natahimik siya at napatitig sa maskara nito. “P-Puwede ko bang makita ang mukha mo—” “No,” mabilis na sagot nito. “S-Sige, pumapayag na ako.” Napilitan na siyang sabihin 'yon. “Gagawin ko lahat ng gusto mo basta pakawalan niyo lang si Papa at huwag na huwag ninyo siyang sasaktan.” “Deal.” Tumalikod na ito sa kaniya at namulsa sa suot na black pants. Pero saglit na huminto. “Ihanda mo ang sarili mo. Magpapakasal tayo sa susunod na buwan pagbalik ko.” Matapos sabihin 'yon ay tuluyan na itong lumabas ng kuwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD