CHAPTER 49 3RD PERSON POV NGITING NAKAPIKIT na pinasalamatan ni Charlene si Matteo nang ipasok siya sa taxi. “Maraming salamat po, Sir Ma—Yson!” ani ng dalaga pagkuwan ay suminok dahil sa kalasingan. “Can you please tell me where you lived?” “Nakalimutan ko na, Sir Yson, pasensya na. I want to sleep now,” tugon ni Charlene saka humiga sa back seat kaya nanlaki ang mata ni Matteo nang marinig niya iyon. “N-No! You can’t just sleep without telling me first where you lived! Hey! Miss?” Nilagay ni Matteo ang kaniyang palad sa pisngi ng dalaga saka marahang hinampas ito. “Miss? Please wake up,” marahang wika niya dito ngunit wala na itong malay dahil nakatulog na ito. Huminga nang malalim si Matteo pagkuwan ay binuga iyon. Wala siyang magawa kundi ihatid na lang ito sa hotel niya. Puma