CHAPTER 48 3rd Person POV ALAS SINGKO ng hapon ay masayang lumabas si Charlene ng TVC building nang bigla niyang makita si Kevin kasama si Jana Abrencia na parang sweet sa isa't isa sa labas na tantya niyang nag-aantay ng taxi. Kahit wala pang sinasabing level ang dalawa ay masakit para kay Charlene na makitang kasama nito ang kinaseselosan niya. "C-Charlene!" sigaw ni Kevin pagkuwan ay tumakbo papunta sa puwesto nito. "S-sorry kung di kita kasabay lumabas. Nagpatulong kasi si Jana sa akin about sa isang article. Samahan na kita umuwi?" tanong nito sa kaniya na may halong hingal. Nilibot ni Charlene ang kaniyang mata dahil sa ginawa ni Kevin nito sa kaniya. "Okay lang. I understand." Biglang may dumating na taxi kaya kinaway iyon ni Charlene upang maiwasan niya kaagad si Kevin. "T