CHAPTER 47 3RD PERSON POV BIGLANG nakasalubong ni Dylan si Matteo sa daan matapos niyang lisanin ang dad niya sa restaurant. Nanliit ang mga mata niya nang makita ito pagkuwa’y pinagmamasdan na mainam si Matteo nang maalala ang sinabi ng daddy niya sa kaniya. “Hindi mo alam na puppet CEO si Matteo? Maraming gustong agawin ang kompanya natin kaya no’ng naglayas ka sa US tuwang-tuwa ang ibang mga directors dahil malaki tyansa ni Matteo makuha ang CEO position at gawin muling puppet iyon...” Hindi akalain ni Dylan na totoo ang hinala niya tungkol kay Matteo. Imbis magalit siya dito ay lumitaw ang awa sa kaniyang puso para sa kapatid niya. “Stop staring me like that. Sa tingin mo ba makukuha mo ang CEO position? Nagkakamali ka sa akin, Dylan," galit tonong wika ni Matteo dito. Biglang ng