CHAPTER 51 3RD PERSON POV NATIGILAN si Matteo nang makita niya ang imahe ng kaniyang ina na si Linda na halatang kararating lang galing US. “Mom?” gulat na tanong nito pagkapasok niya sa loob ng mansion. “Why are you surprised my son?" ngiting wika nito saka siya hinagkan pagkuwan ay hinalikan sa pisngi. Nang mailayo na Linda ang sarili nito ay hindi pa rin makapaniwala si Matteo nang matantuang sinundan siya sa Pilipinas. “B-Bakit po kayo naparito? Paano na ang kompanya sa US?" Ngumiti si Linda at hinawakan ang pinsgi ni Matteo na animo’y alalang-alala ito bilang ina. “I’m here to support you sa projects mo. Aren’t you happy to see me? Hmm?” Napalunok ng laway si Matteo. Wala siyang laban kay Linda kundi sundin ang payo at gusto ng kaniyang ina para makuha ang yaman ng Almodova