Author's Note: Please sign in and sign out the app para mabasa ang Chapter 50-A. Chapter 50-B CASSY'S POV Ilang sandali pa’y biglang tumunog ang cellphone ni Charlene kaya mabilis niya iyon kinuha at sinagot ang tawag. “Hello? Yes po? Opo... ngayon na po? Okay po,” aniya pagkuwan ay binaba niya iyon saka siya muling humarap sa akin. “Kailangan ko nang bumalik sa office dahil sa issue na ‘yon. Galit na galit ang manager ko,” aniya sa akin saka ako tumango. “Sige, mag-iingat ka, Charlene,” wika ko sa kaniya pagkuwan ay mabilis niya akong nilisan. Mag-isa na naman akong kakain ng lunch. Huminga ako nang malalim at inubos ko na lang ang in-order kong pagkain. Ilang sandali lang ay biglang may umupo sa puwesto ni Charlene. “Are you enjoying your food?” tanong niya sa akin kaya nabalin