CHAPTER 30 CASSY’S POV NAGLALAKAD kami ni Dylan papasok ng The Most building. Ilang sandali lang ay biglang sinalubong kami ni Miss Vivian. “Good morning lovely birds," maligayang wika niya sa aming dalawa ngunit natigilan siya ng makita kaming ang layo namin sa isa’t isa. Usually kasi naghoholding hands kaming dalawa o magkalapit kami para hindi halata. “Ah...hehe. May sakit kasi ako Miss Vivian,” aniko sa kaniya pagkuwan ay nagkunwaring umubo ako. “G-gano’n ba?” Binaling niya ang panigin kay Dylan saka muling nagsalita. “Take her to our clinic. Kailangan maagapan ‘yan bago pa lumala,” aniya kay Dylan at natanaw kong nanlaki ng mata niya dahil sa utos ni Miss Vivian. Di kalaunan ay nilipat ni Dylan ang tingin niya sa akin kaya nagtama ang mga mata namin. “S-sige... I’ll take