CHAPTER 29 CASSY'S POV MABILIS kong nilayo ang mukha ko sa kaniya at napakurap ng dalawang beses pagkuwan ay lumunok. "K-kailangan na siguro natin u-umuwi," nauutal kong wika sa kaniya habang nakatingin sa malayo. "Y-yes... you're right. Gabi na rin kasi. B-balik muna ako sa kotse, ako na mag-park," nauutal din niyang sabi sa akin. "Okay." "Yeah." Napatingin ako sa kaniya at tanaw ko na hindi siya nakatitig sa akin. Ilang sandali lang ay biglang nagtama ang mga mata namin sa isa't isa pagkuwan ay kagyat na nilayo namin iyon. Narinig ko ang pagtikhim niya kaya muli kong binaling ang tingin ko sa kaniya. "Mauna na ako," paalam niya. "S-sige." Sinundan ko siya ng tingin habang naglalakad siya papuntang kotse. At nang bago niya buksan ang pinto ng sasakyan ay napatingin siya sa puwes