Two Years Later SUNOD-SUNOD na ambulansya ang dumating sa Valrex Hospital sakay ng mga umiiyak na pasyente na puro mga sugatan at mas malala pa ang iba, dahil nahulog sa bangin ang sinasakyang bus ng mga ito. Halos hindi na mapakali ang mga nurse at doctor sa loob ng hospital sa pag-aasikaso sa mga pasyente, at isa na roon si Roxy bilang nurse. Isa-isa niyang nilapitan ang mga pasyente na tapos nang gamutin ng doctor at kailangan na lang ilista ang mga pangalan at mga gamot na kailangan. Pagod na pagod siya sa kakatayo nang matapos at dumiretso na sa canteen para makapag-lunch na, dahil pasado alas dose na rin. “Grabe, nakakapagod talaga maging nurse kapag madaming pasyente,” reklamo pa ni Jena na isa sa mga kasamahan niyang nurse at naupo ito sa tabi niya bitbit ang pagkain din nito
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


