“ARE you sure of that Jhyne? You don’t need to donate your own. We can fine another donor for him,” may pag-aalalang ani Dennise sa dalaga. “Kulang pa ang buhay ko na kabayaran sa lahat ng nagawa ni Clyde sa akin, tita. Simula nang maging magkatrabaho kami sa Ilocos, sa pag-rescue niya sa amin at sa pagsakripisyo niya sa kanyang tsapa. Tinanggap niya nang walang pag-aalinlangan ang hamon sa kanyang buhay para lang malinis ang pangalan ko. Tita, hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko dahil diyan. Buhay niya ang nakasalalay kaya kulang pa ang gagawin ko para sa kanya,” mahabang pahayag ni Jhyne. Matapos ang pagkakasakote ng mga matataas na opisyal sa lipunan ay isinugod nila ang binatang si Clyde sa pinakamalapit na pagamutan. Ipinamahala nila sa grupo nina CM at Daylan ang paglilinis