“SMITH, your phone!” malakas na sigaw ni CM sa busy nitong partner. “Huh! Sino naman kaya ang nambubulabog na ito? Busy ang tao, eh,” bulong nito pero hindi nakaligtas sa pandinig ng dalaga. “Smith, kung bubulong-bulong ka diyan, make sure na walang makakarinig. I know you’re busy but your phone is ringing continuously. May mawawala ba kung sagutin mo iyan or cancel it?” nakataas ang kilay na sabi ng dalaga. Dahil sa narinig ay agad nitong dinampot ang phone. “Sino kaya ito? Hindi naman naka-phonebook sa mobile ko,” ani Daylan. “Sagutin mo para malaman mo kung sino at hindi iyong bulong ka nang bulong diyan na parang bubuyog,” sambit naman ng dalaga. Sumenyas ang binata kay CM na tumahimik para masagot niya ang tawag. “NBI-La Union. Good morning, how may I help you?” aniya sa calle