KUNG dahil sa mga agila sa lipunan ang dahilan ng pagkaabala ni Clyde sa Naguillian, attempted holdup naman sa papasok sa Baguio proper. “Kung minamalas nga naman ang tao,” bulong ng binata nang makita ang isang Partas Bus Line na biglang tumigil at pinasok ng dalawang lalaki. His eyes widened upon seing the two men in action. Kitang-kita niya ang pagsuot ng mga ito ng bonnet at paglabas ng baril. “Mga hayup nga naman! Mga hindi na lang maghanapbuhay,” ngitngit niya. Pasimple niyang ipinarada ang kanyang sasakyan at nagmamadaling pumasok sa bus. Dahil busy ang mga ito ay hindi nila napansin ang pagpasok niya pero mas nagulat siya nang mamataan niya ang Ate Janelle niya. He’s about to let them know his presence but he stopped because of what he heard. “Hoy! Ano pa’ng hinihintay mong ba