“TAMA na iyan, sis, baka mapatay mo ang tao,” awat ni Jake sa kapatid. “P*t*ngina ng gag*ng iyan! Mabuti sana kung—” “Sabi ko tama na iyan, ano ba! Gusto mo bang makulong ka nang tuluyan, ha?” malakas ang boses na awat ni Jake kay Jhyne. Dahil halos hindi na makilala ang opisyal sa pagpapahirap dito ng dalaga. “Patayin mo na ako, Juntilla, dahil oras na magkaroon ng pagkakataon ay ako ang papatay sa iyo! Ang dulas mo sa bala!” Hirap man dahil sa kaliwa’t kanang suntok at sipa ay nagawa pa ring sumagot ni Antonio. Bunga ng galit, hindi na nakayanan ng dalaga ang sarili. Bago pa man nila ito mapigilan ay suntok at sipa na naman ang pinakawalan nito para sa opisyal. Nasa aktong babarilin na ito ni Jhyne pero naging maagap ang mga ito kaya bago pa nito maiputok ang hawak na kuwarenta y si